Thursday , June 4 2026
dead

Kelot utas sa ‘street boxing’ (Sapol sa panga)

HUMANTONG sa trahedya ang masaya sanang pa-boxing sa kalye sa isang barangay sa San Miguel, Maynila nang mamatay ang isang manlalaro makaraan masuntok at tumama ang ulo sa semento nitong Sabado.

Ayon sa ulat, nakuhaan ng video ang paglalaban ng dalawang lalaki sa palarong boxing sa Brgy. 646 sa San Miguel.

Bagaman kapwa sila naka-boxing gloves, wala silang suot na proteksiyon sa ulo.

Hindi nagtagal, tinamaan ng suntok sa panga ang biktimang si Rudio Legaspi, 28-anyos, at natumba.

Pinagkaguluhan siya ng mga tao nang hindi agad nakatayo.

Ayon sa mga saksi, nagkamalay pa si Legaspi at nagsabing gustong matulog at saka sumuka kaya dinala siya sa ospital ngunit binawian ng buhay.

“Nasapol siya dito (itinuturo ang panga), pagtama diretso bumagsak, tumama ‘yung ulo,” ayon kay Julius Gumban, amo ng biktima.

Sinasabing nagkaroon ng pagdurugo sa utak ni Legaspi kaya namatay.

Ayon sa amo ng biktima, mga residente lang ang nag-organisa ng palaro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …