Thursday , June 4 2026
oil lpg money

Kongresista guilty sa shortselling & adulteration (Branded LPG tanks ni-refill)

HINATULANG guilty ng Malabon City court si Liquefied Petroleum Gas Marketers’ Association (LPGMA) party-list Rep. Arnel Ty.

Sa 16-pahinang desisyon na inilabas ng Department of Justice, nakakita ang Malabon Regional Trial Court nang sapat na ebidensya laban kay Ty hinggil sa “shortselling and adulteration” ng produktong petrolyo.

Ayon sa korte, hindi authorized ang kompanya ni Ty na Republic Gas Corp (Regasco) sa pag-refill ng LPG tanks ng mga higanteng kompanya kagaya ng Pilipinas Shell Petroleum, Petron at Total Gas.

Dahil dito, nilabag ni Ty ang Section 2 (a) kaugnay sa Section 3 at Section 4 ng Batas Pambansa Bilang 33 o “An Act Defining and Certain Prohibited Acts Inimical to the Public Interests and National Security Involving Petroleum and/or Petroleum Products.”

Bunsod nito, pinagmumulta si Ty ng P50,000 kaakibat ang subsidiary imprisonment kung bigo siyang makabayad ng naturang halaga.

Bukod dito, ipinakakansela ang “license to operate” ng Regasco, maging ang pagkompiska sa mga produktong petrolyo na nakuha mula sa warehouse nito.

Hindi tinanggap ng korte ang paliwanag ni Ty na ang mga walang laman na branded LPG tanks na nakuha mula sa warehouse nito ay bahagi ng kanilang marketing strategy.

“It is highly doubtful that the volume of the confiscated filled branded LPG cylinders constitutes the number of converted clients… No consumer in his right mind would trade off a newly-purchased or filled LPG gas cylinder for another brand which is being offered for a lesser price,” nakasaad sa desisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …