Thursday , June 4 2026

10 pang terorista sa Davao blast tinutugis ng AFP

MAY nakuha nang impormasyon ang mga awtoridad mula sa tatlong nahuling suspek sa naganap na pagpapasabog sa night market sa Davao City noong Setyembre 2 na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 69 iba pa.

Dahil dito, kampante si Philippine Army Chief Lt. Gen. Eduardo Año, susunod na nilang mahuhuli ang 10 iba pang mga terorista na kasamahan ng tatlong suspek sa insidente.

Ayon kay Año, nakausap na nila ang tatlong suspek na pawang mga miyembro ng Maute terrorist group na sina TJ Macabalang, Wendel Facturan at Musali Mustapha at positibo sila na sa susunod na mga araw ay matutunton na nila ang kinaroroonan ng kasamahan ng mga terorista.

Naaresto ng Philippine Army at ng pulisya ang tatlong suspek nitong Oktubre 4 sa Cotabato City sa isinagawang checkpoint operation.

Samantala, ipinoproseso na ang mga dokumento para maibigay ang pabuyang P3 milyon para sa kanilang tipster.

Ang nasabing reward ay inilaan ni Davao City Mayor Sara Inday Duterte Carpio at ng mga negosyante.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …