Saturday , July 27 2024
road traffic accident

2 patay, 4 sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Cagayan

TUGUEGARAO CITY – Patay ang dalawang lalaki habang apat ang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo kamakalawa sa bayan ng Buguey, Cagayan.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga biktimang si Edgar Carbonel, 52, driver ng motorsiklo; at backrider na si Reynaldo de Guzman, kapwa residente ng Brgy. San Lorenzo.

Habang sugatan ang isa nilang kaangkas na si Ricky Calandoy at ang driver nang nakabanggaang motorsiklo na si Bernard Grande, 21, at angkas niyang sina Rick Pabua, 24; at Rowin Cardenas, 25.

Sa ulat, kapwa binabagtas ng dalawang motorsiklo ang magkasalungat na direksiyon ng national highway sa Brgy. San Lorenzo nang umagaw sa linya ang suspek dahilan ng kanilang salpukan.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *