Wednesday , February 21 2024

‘Success’ sa war on drugs ibinida ni Gen. Bato (Kahit kulang ang pondo)

HINDI naging hadlang sa pambansang pulisya ang kakulangan ng pondo para ilunsad ang anti-illegal drug campaign.

Ayon kay PNP chief, Director Gen. Ronald Dela Rosa, kung kulang man ang kanilang pondo, na-compensate nila ito sa kanilang mga puso bilang mga alagad ng batas.

Sinabi ni Dela Rosa, kahit kulang sila sa pondo, nagagawa pa rin nila ang kanilang trabaho lalo na ang kampanya ng pamahalaan para masawata ang problema sa ilegal na droga.

Sinabi ng PNP chief, hinihintay pa nila ang kanilang dagdag na pondo sa budget department para sa kanilang giyera kontra droga.

Inihayag din ni Dela Rosa, ang impact sa success rate ay mataas kung may malaking pondo.

Ngunit sanay na aniya ang PNP na kulang ang pondo kaya ang ginagawa nila ay mina-maximize ang lahat ng kanilang  resources.

Pagbibigay-diin ng PNP chief, hindi magiging hadlang sa kanilang trabaho ang kakulangan ng pondo.

Sa kabilang dako, para sa PNP chief, tagumpay ang kanilang giyera kontra droga dahil tumaas ang presyo ngayon ng shabu dahil wala nang mga supply na makukuha bunsod nang pinalakas na kampanya ng PNP.

Sa kampanya ng PNP na Oplan Double Barrel, nakapagtala ang PNP ng 28,510 police operations sa buong bansa simula noong Hunyo 1 hanggang Oktubre 7.

Habang pumalo na sa 1,523 drug suspek ang namatay at nasa 26,861 drug personalities ang naaresto.

NARCO BARANGAY OFFICIALS
HIGH VALUE TARGET NG PDEA

BUNSOD nang paglobo ng mga opisyal ng barangay na nasasangkot sa illegal drug trade, ikinokonsidera ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang barangay officials bilang high value target.

Ayon sa PDEA, tumaas ng 18.88 porsiyento ang mga nasangkot at naarestong barangay officials sa iba’t ibang drug related offences mula 2015 hanggang 2015.

Noong 2014, nasa 55 katao na kinabibilangan ng 10 barangay chairman at 45 kagawad ang naaresto dahil sa paglabag sa anti-illegal drug law.

Habang noong nakaraang taon ay pumalo na sa 65 barangay officials ang naaresto sa iba’t ibang drug related offenses.

Sa nasabing bilang, anim rito ay mga barangay chairman habang 59 ay mga kagawad.

Kasunod ng bloody Quiapo raid
MANDATORY DRUG TESTING
SA MANILA BARANGAY OFFICIALS

ISASAILALIM sa mandatory drug tests ang lahat ng mga barangay officials sa Manila.

Sinabi ni Manila Mayor Erap Estrada, kabilang dito ang mga barangay chairman hanggang sa barangay kagawad.

Tiniyak niyang walang masasanto sa naturang balakin dahil maituturing na “betrayal of public trust” ang pagkakasangkot sa ilegal na droga ng sino mang opisyal ng gobyerno.

Sino man aniya ang mabatid na positibo sa paggamit ng droga ay posibleng mapatalsik sa serbisyo, batay na rin sa Executive Order 292 o ang Administrative Code of 1987.

Ang inisyatibang ito ay kasunod aniya sa naging girian ng grupo ng isang barangay chairman at mga pulis sa nangyaring anti-drugs operation sa Quiapo.

Sa nasabing operasyon, pitong suspek ang napatay, kabilang si Barangay 648 chairman Faiz Macabato.

About hataw tabloid

Check Also

Valenzuela city magtatayo ng command center Nagbigay pa ng 2 swat van

Nagbigay pa ng 2 swat van
Valenzuela City magtatayo ng command center 

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang …

shabu drug arrest

2 tulak, nalambat sa buy-bust

DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang nalambat makaraang kumagat ang mga ito sa isinagawang …

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril 10 pa law violators dinakma

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril; 10 pa law violators dinakma

ISANG lalaki na nag-iingat ng iligal at hindi lisensiyadong baril ang inaresto ng pulisya kabilang …

San Pedro Apostol Simbahan bumagsak

Balcony bumagsak habang pari at lay ministers nagpapahid ng abo sa noo ng mga deboto
80-ANYOS LOLA PATAY SA INAANAY NA PALAPAG NG SAN PEDRO APOSTOL

ni MICKA BAUTISTA at ng HATAW News TEAM HINDI nakaligtassa kamatayanang isang 80-anyos lolang deboto …

Alan Peter Cayetano

Cayetano isinulong maayos na alert system para preparasyon sa banta ng kalamidad

BINIGYANG-DIIN  ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *