Saturday , July 27 2024

Narco barangay officials high value target ng PDEA

100816-quiapo-drugs-arrest
PITO ang napatay kabilang ang isang barangay chairman na kinilalang si Faiz Macabato, at isang kagawad ng Islamic Center sa Quiapo, Maynila habang 200 katao ang naaresto na hinihinalang drug users at pushers. Pinapila ang mga suspek sa Palanca Bridge sa San Miguel, Maynila habang isinasagawa ang operasyon laban sa ilegal na droga ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, Manila Police District (MPD) at SWAT PNP-NCRPO. (BONG SON)

BUNSOD nang paglobo ng mga opisyal ng barangay na nasasangkot sa illegal drug trade, ikinokonsidera ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang barangay officials bilang high value target.

Ayon sa PDEA, tumaas ng 18.88 porsiyento ang mga nasangkot at naarestong barangay officials sa iba’t ibang drug related offences mula 2015 hanggang 2015.

Noong 2014, nasa 55 katao na kinabibilangan ng 10 barangay chairman at 45 kagawad ang naaresto dahil sa paglabag sa anti-illegal drug law.

Habang noong nakaraang taon ay pumalo na sa 65 barangay officials ang naaresto sa iba’t ibang drug related offenses.

Sa nasabing bilang, anim rito ay mga barangay chairman habang 59 ay mga kagawad.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *