Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Bunsod ng APEC holiday, NCR may make-up classes – DepEd

BUNSOD ng abalang dulot ng pagho-host ng Filipinas sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting, magkakaroon ng make-up classes ang mga mag-aaral. Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro, bahala na ang school superintendents kung kailan gagawin ang make-up classes. Nakasaad sa academic year ng Department of Education (DepEd), mayroong 201 araw para magklase ang mga mag-aaral. ‘’Each NCR division will …

Read More »

$2-B ipauutang ng Japan sa PH (Para sa railway project)

DALAWANG bilyong dolyar ang uutangin ng Filipinas sa Japan para tustusan ang North-South Commuter Railway project. Ito ang nakasaad sa nilagdaang kasunduan nina Pangulong Benigno Aquino III at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa ginanap na bilateral talks sa Sofitel Hotel sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Sakaling makompleto ang proyekto, mapapadali ang biyahe mula sa Tutuban,Tondo, Maynila hanggang Malolos, …

Read More »

Japan magbibigay ng defense equipment, patrol vessel (Para sa West PH sea)

TINIYAK ng Japan na magbibigay sa Filipinas ng defense equipment at malalaking patrol vessels sa gitna nang agawan ng China at Filipinas sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Sa bilateral talks nina Pangulong Benigno Aquino III at Japanese Prime Minister Shinzo Abe kamakalawa ng gabi, nagkaisa ang dalawang lider na madaliin na ang pagbalangkas at paglagda sa kasunduan na …

Read More »

Trudeau malabo (Sa basurang mula sa Canada)

WALANG plano si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tuldukan ang mahigit dalawang taon pagdurusa ng mga Filipino sa tone-toneladang basura na ilegal na itinambak sa Filipinas mula sa kanilang bansa. Sa press conference ni Trudeau kamakalawa ng gabi sa International Media Center makaraan ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, sinabi niya na kailangan pang amyendahan ang batas sa Canada …

Read More »

APEC leaders nakaalis na, lansangan binuksan na

NAKAALIS na ng bansa ang lahat ng APEC leaders makaraan ang matagumpay na summit na isinagawa rito sa Filipinas. Bunsod nito, binuksan na ng Metropolitan manila Development Authority (MMDA) ang isinarang mga daan. Sinabi ni MMDA Officer-In-Charge (OIC) Emerson Carlos, binuksan sa mga motorista ang mga isinarang daan, kabilang ang kahabaan ng Roxas Boulevard at EDSA dakong 4 p.m.. Naging matagumpay …

Read More »

China at Russia vs Obama sa APEC CEO Summit

NAGSIMULA nang magkampihan ang China at Russia laban sa Amerika. Ito’y may kaugnayan sa mga nilulutong kasunduang pangkalakalan sa Asia-Pacific region. Sa APEC CEO Summit, pinasaringan nina Chinese President Xi Jinping at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev ang Trans-Pacific Partnership (TPP) na isinusulong ng Amerika at 11 pang bansa sa Pasipiko. Ayon kay Xi, posible itong magresulta sa hindi pagkakaintindihan …

Read More »

Filipino hospitality ipinadama ni PNoy sa APEC leaders

IPINADAMA ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa APEC leaders kung paano tumanggap ng bisita ang mga Filipino. Sa kanyang talumpati bago ang welcome dinner kamakalawa ng gabi, binigyang-diin ni Pangulong Aquino ang kahalagahan ng ganitong salo-salo sa mga seryosong okasyon tulad ng APEC. Pagkakataon aniya ito para buhayin o pasiglahin ang dating pagkakaibigan at makahanap ng bagong kaibigan. Para …

Read More »

Barong Tagalog ok sa int’l critics

APRUB sa panlasa ng international observers ang Barong Tagalog na ipinasuot sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders kamakalawa, sa welcome dinner na ibinigay ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Tuwing APEC ay inaabangan ang pagsusuot ng mga lider ng tradisyonal na kasuotan ng mga host country dahil isa ito sa tinaguriang “worst-dressed parade” at kadalasan ay lumalabas na katawa-tawa ang …

Read More »

Militanteng kabataan, mga pulis nagsalpukan

NABALOT ng tensiyon ang protesta sa Liwasang Bonifacio nang tangkain ng mga kabataang makalusot sa barikada ng mga pulis, Huwebes ng umaga. Habang nagsasagawa ng programa, may isang grupo ng kabataang lumapit sa barikada ng mga pulis at agad nang sumugod ang iba pa nilang mga kasama. Nauwi sa balyahan at pukpukan ang pagtatagpo ng dalawang hanay. Nagawang paatrasin ng …

Read More »

Modernong lutong Pinoy inihain

LASANG Filipino na may kakaibang presentasyon ang ipinakain sa world leaders sa isinagawang welcome reception kamakalawa sa APEC economic leaders. Ibinida ng Filipino restaurant owners na si Glenda Barretto at Gaita Flores ang kanilang inihandang pagkain gaya ng mga pagkaing Filipino na Adobo, Tinola, kesong puti, itlog na maalat. Inihalimbawa rito ang isang maja blanca na may kakaibang presentasyon na …

Read More »

Raliyista nakalapit sa APEC venue (Binomba ng water cannon)

PINAIGTING ng Asia-Pacific Economic Coop-eration (APEC) security ang kanilang pagbabantay sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) at International Media Center (IMC) nang makalapit ang ilang raliyista sa event venue kahapon. Ayon sa source, naghiwa-hiwalay ang mga nagpoprotesta kaya nakapuslit ang ilan sa kanila sa mga barikada ng mga awtoridad. Dahil dito, inihanda ng mga tauhan ng Bureau of Fire …

Read More »

APEC hottie Trudeau ng Canada dinumog sa Sofitel Hotel (Sa Bilateral talks kay PNoy)

MISTULANG hinampas ng hanging Habagat ang mga tao nang dumating si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa Sofitel Hotel kamakalawa ng gabi para sa bilateral talks nila ni Pangulong Benigno Aquino III. Natigalgal ang lahat, lalo ang kababaihan at nagkandarapa sa pagkuha ng larawan habang naglakad sa harap nila ang guwapo at matipunong si Trudeau na nakangiting binati ang lahat …

Read More »

Hustisya sa Malaysian na pinugutan ng ASG (Sigaw ng pamilya)

UMAASA ang pamilya ng Malaysian hostage na si Bernard Then Ted Fen na agad maiuuwi sa lalong madaling panahon ang kanyang bangkay makaraang pugutan ng Abu Sayyaf group (ASG). Ayon sa kanyang kapatid na si Christopher, nananawagan siya sa gobyerno ng Malaysia at sa Filipinas na mas palawakin pa ang paghahanap sa naiwang bangkay ng kanyang kapatid. Dagdag niya, nananalig …

Read More »

7 minero arestado sa illegal mining sa CamNorte

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang pitong mi-nero na naaktohan ng mga awtoridad habang ilegal na nagmimina sa Brgy. Benit, Labo, Camarines Norte kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Crisanto Adelen, 62; Nelson Diaz, 55; Nick Binarao, 44; Reden Masaysay, 42; Harold Rafer, 35; Marcial Bermas, 35, at Ronald Rafer, 26. Napag-alaman, naaktohan ng pinag-isang puwersa ng Regional …

Read More »

Leni Robredo isusulong programa para sa urban poor

MANDAUE CITY – Nangako si Leni Robredo, vice presidential candidate ng Liberal Party, na ipupursige ang mga programang sinimulan ng yumaong asawa na si da-ting Interior Secretary  Jesse Robredo para sa urban poor. “Isa sa mga unang programa ng aking mister nang maupo siya bilang mayor ng Naga ay pabahay sa informal settlers,” wika ni Robredo sa kanyang pagbisita sa 6.5-hectare …

Read More »

Jail officer todas sa tandem (Lolo sugatan)

PATAY ang isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo habang sugatan ang isang lolo nang tamaan ng ligaw na bala sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si JO1 Marwan Christopher Arafat, 27, nakatalaga sa Caloocan City Jail, at residente ng Talimusak St., kanto ng …

Read More »

Mag-asawa sa Koronadal todas sa tiyuhin

KORONADAL CITY – Patay ang mag-asawa habang dalawa ang sugatan sa pamamaril sa Lungsod ng Koronadal kamaka-lawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang napatay na sina Belen Consumo, 33, at Romy Consumo, 36; habang ang mga sugatan ay sina Jerly Consumo at Joselito Consumo, mga anak ng suspek na si Jose Consumo, 46, pawang mga residente sa Purok Mariveles, Brgy. …

Read More »

DPWH official sa Kalinga utas sa boga

 TUGUEGARAO CITY – Patay sa pamamaril ng hindi pa matukoy na suspek ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Sitio Dinacan, Brgy. Dangoy, sa bayan ng Lubuagan, Kalinga kamakalawa. Ayon kay Kalinga PNP spokesman, Chief Insp. Jomarick Felina, natagpuan sa gitna ng highway ng mga motorista ang nakabulagta at naghihingalong …

Read More »

Tisoy patay sa dyowang private tutor

PATAY ang isang lalaking mestiso makaraang pagsasaksakin ng kinakasamang private tutor makaraang magtalo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Alejandro Calza Jr., 25, ng Phase 9, Package 6, Block 68, Lot 37, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad …

Read More »

13 OFWs patay sa road accident sa Saudi (14 sugatan)

KINOKOMPIRMA pa ng Embahada ng Filipinas ang napaulat na pagkamatay ng 13 Filipino sa nangyaring aksidente sa Saudi Arabia. Ayon sa source, aabot sa 13 ang namatay sa pagsalpok ng coaster sa isang delivery truck sa Al-Ahsa, isang probinsiya sa Eastern region ng bansa. Bukod sa mga namatay, 14 ang sugatan kabilang ang driver ng truck na isang Pakistani. Ang …

Read More »

Bigtime lady shabu dealer sa Bulacan arestado (P.7-M droga kompiskado)

TINATAYANG aabot sa P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska ng mga awtoridad mula sa isang bigtime drug dealer sa isinagawang buy-bust operation sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa. Kinilala ni Director General Usec. Arturo Cacdac, Jr., chairman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nadakip na si Mona Salanggi, 27, ng Brgy. Muzon, sa naturang lungsod. Ayon sa ulat, …

Read More »

US todo-suporta sa PH vs China

BUO ang suporta ng Amerika sa isinusulong na arbitration case ng Filipinas kontra China kaugnay sa isyu nang agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). “We are not claimants ourselves, but we fully support a process in which through international law and international norms these issues are resolved. And we look forward to working with all parties to move …

Read More »

Canada’s PM Trudeau, Mexico’s President Nieto APEC ‘Hottie’

KINILIG ang ilang kababaihan sa pagdating sa Filipinas ni Canadian Prime Min-ister Justin Pierre Trudeau para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa bansa. Agad nag-trending ang hashtag na “APEC hottie” para sa Canadian PM. Maging ang ilang kilalang personalidad sa Filipinas ay hindi mapigilan ang huma-nga sa batang prime minister. Kahit sa APEC International Media Center, tilian …

Read More »

Indonesia nag-sorry sa ‘di makontrol na haze

HUMINGI ng paumanhin si Indonesian Vice President Jusuf Kalla sa perhuwisyong dulot ng haze mula sa forest fires sa kanilang bansa. Ang naturang haze o usok ay bumalot sa Southeast Asia. Si Kalla ang kinatawan sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 ni Indonesian Pres. Joko Widodo dahil hindi  nakarating ang pangulo para sa ilang mahalagang appointment. Sa kanyang pagharap sa APEC-CEO Summit, …

Read More »