Friday , October 29 2021

P25-M cocaine kompiskado sa Malaysian (Timbog sa BoC-NAIA)

111616-cocaine-malaysian
NASABAT ng Customs NAIA ang isang Malaysian national na nagtangkang magpuslit ng 4.5 kilo ng cocaine mula Africa via Bangkok. (JSY)

PATULOY ang paggamit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng sindikato ng droga mula sa labas ng bansa sa kabila ng mahigpit na babala sa mga pasaherong dayuhan at lokal na huwag magdala ng droga sa bansa.

Nitong Lunes ng gabi, isang Malaysian national ang nasadlak sa bilangguan nang tangkaing ipasok sa bansa ang 4.6 kilo na high grade cocaine.

Inaresto ng Bureau of Customs si Nasruddin Bin Mohd Kasnan, 25 anyos, nang makuha ang “high value drugs” sa kanyang carry-on bag mula sa Addis Ababa, Ethiopia lulan ng Ethiopian Airlines.

Sinabi ni Customs District III Collector Ed Macabeo, ang mga droga na ginawang pellet forms ay nakasilid sa loob ng siyam na Love Lindor chocolate carton cans.

Hindi nakalusot sa mga awtoridad ang mga cocaine na may street value na P25 milyon na agad nai-turn over sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Nasa kustodiya ng PDEA ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Sa buwan ng Oktubre, limang dayuhan at isang Filipino na dumating mula sa Brazil ang nahulihan ng cocaine sa NAIA.

Ayon kay Macabeo, umabot sa 46.9 kilo ng cocaine ang nakuha nila sa mga pasahero sa kanilang operasyon.

At nitong nakaraang Sabado, dalawang indibidwal ang inaresto ng Customs operatives makaraang i-claim ang isang back-pack na may lamang 1.2 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa FedEx warehouse malapit sa NAIA terminal 1.

( GMG )

About G. M. Galuno

Check Also

dead gun police

Itinumba ng riding-in-tandem
HELPER, DEDBOL SA HARAP NG LIVE-IN

TODAS ang isang helper matapos pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang live-in partner ng isa …

Driver natagpuang patay sa Malabon

PALAISIPAN pa rin sa pulisya ang pagkamatay ng 54-anyos lalaki na natagpuang wala nang buhay …

Walang suot na face mask
2 KALABOSO SA P.4-M SHABU SA KANKALOO

IPINAHAMAK ang dalawang tulak dahil sa katigasan ng ulong ayaw magsuot ng face mask nang …

Kahit inilaglag si Colmenares sa senatorial slate
KOOPERASYON NG MAKABAYAN SA LENI-KIKO CAMPAIGN TULOY

IPAGPAPATULOY ng Makabayan coalition ang kooperasyon sa kampanya ng tambalan nina Vice President Leni Robredo …

102721 Hataw Frontpage

Isko sa IATF:
ASUNTO VS DENR EXECS SA DOLOMITE BEACH ‘SUPERSPREADER’ EVENT

ni ROSE NOVENARIO NANAWAGAN si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domogoso sa Inter-Agency Task Force …

Leave a Reply