Wednesday , February 28 2024

Fake claimant ng 1.5 kilo shabu arestado sa NAIA

ARESTADO ang dalawang lalaki sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagpakilalang sila ang claimant ng limang kilong package mula sa Congo, Africa na naglalaman ng 1.5 kilo ng shabu. Kinilala ang mga suspek na sina Mark Anthony Porto de Leon, 26-anyos, dance instructor, kasama ang isang Bryan Cortez, na pawang taga-Mabalacat, Pampanga. (JSY)

ARESTADO sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Sabado ng hapon ang pekeng claimant ng limang kilong package mula sa Congco, Africa, naglalaman ng 1.5 kilo ng shabu.

Ayon kay  NAIA Customs District Collector Ed Macabeo, ang limang kilong package ay nakalagay sa backpack na dumating nitong Oktubre 21, 2016 via Fedex mula Congo, Africa, idineklarang synthetic hair na ipinadala ng isang Matumona Kinzolan Guylain ng Kinshasha Republic of Congo, at naka-consigned sa isang Ronaldo P. Rivera ng Bagumbong, Caloocan City.

Sinabi ni Macabeo, inalerto ng alert customs examiner, mga miyembro ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF) sa pakikipagtulungan ng customs police at Customs Intelligence and Investigation (CIIS), ang kanilang personnel na arestohin ang sino mang kukuha ng package.

Ayon kina Customs police chief Reggie Tuason at CIIC chief Manolo Arevalo, ang customs examiner na si James Caringal na sumuri sa package, ay nagpadala ng text sa consignee (Rivera) na ang kanyang package ay dumating nitong Oktubre 21, 2016 ngunit hindi sinabi kung ano ang laman nito.

Sinabi ni Caringal kay Macabeo at iba pang customs official, ang consignee ay magpapadala ng kinatawan para kunin ang package o siya mismo ang personal na kukuha nito.

Hinintay ng mga opisyal si Rivera o ang kanyang kinatawan nang araw na iyon at pinalawig pa ang paghihintay nang ilang araw hanggang dumating ang isang lalaki nitong Sabado ng hapon para kunin ang package.

Nagpakilala ang lalaki na siya si Ronald Rivera at tinanggap ang package nang hindi muna inalam ang laman nito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na hindi siya ang totoong si Ronald Rivera kundi si Mark Anthony Porto de Leon, 26-anyos dance instructor, kasama ang isang Bryan Cortez, kapwa mula sa Mabalacat, Pampanga, na pineke ang kanilang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pekeng ID upang makuha ang package.

Ang dalawa ay inaresto sa kasong falsification of public documents at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act No. 9165.

Samantala, iniutos ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon kay Macabeo at sa iba pang mga opisyal na magsagawa ng follow-up operation upang mahuli ang tunay na nagpadala at consignee ng nasabing package na nagkakahalaga nang mahigit P7 milyon.

( JSY )

About JSY

Check Also

Andre Perez Dizon

PBGen Dizon pinarangalan ng PNP NHQ (sa epektibong pamumuno sa hanay ng Kasurog Cops PRO5)

GINAWARAN ng “Medalya ng Katangitanging Gawa si Police Regional Office 5 Director PBGen Andre Perez …

SM Cyberzone Game Fest Feat

Cyberzone Game Fest 2024 is back to celebrate all things gaming
Cyberzone Game Fest at SM Supermalls now on its 9th Year

Calling all gamers, esports enthusiasts, and tech aficionados! Now on its 9th year, Cyberzone Game …

Bulacan Police PNP

Siyam na law offenders sa Bulacan inihoyo

DALAWANG wanted person at pitong lumalabag sa batas ang inaresto ng Bulacan police sa magkaibang …

Birth Certificate PSA

Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA

DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na …

SMC San Miguel Aerocity Biodiversity

SMC launches PHL’s first complete biodiversity offset Site in Bulacan

San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), a subsidiary of San Miguel Corporation (SMC), has inaugurated its …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *