gun dead

Tulak tigbak sa drug bust

 

PATAY ang isang 36-anyos hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Quiapo, Maynila.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Steven Capacillo , Customs representative, residente ng 968 R. Hidalgo Street. Quiapo.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, dakong 8:30 pm nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa

Paterno Compound sa R. Hidalgo St., Quiapo ngunit pumalag ang suspek at lumaban sa mga pulis na nagresulta sa kanyang kamatayan.

( LEONARD BASILIO )