Monday , December 23 2024

Masonry Layout

P40-B budget aprub sa Kamara (Mahigit 1-M estudyante libre sa SUCs)

MAHIGIT isang milyong estud-yante sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa ang inaasahang makikinabang sa P40 bilyon pondong ilalaan ng administrasyong Duterte para sa implementasyon ng free public college education law sa 2018. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, welcome sa Palasyo ang pagpabor ng Camara de Representantes sa P40 bilyon para sa “free tertiary public education,” isang …

Read More »

2 Vietnamese patay sa West PH Sea encounter

BOLINAO, Pangasinan – Patay ang dalawang mangingisdang Vietnamese makaraan makasagupa ang mga miyembro ng Philippine Navy sa West Philippine Sea, nitong Sabado. Sinabi ni Lt. Col. Isagani Nato, Information Officer ng Northern Luzon Command, namataan ang mga Vietnamese habang ilegal na nangingisda sa karagatan, 32 nautical miles ng Bolinao, na bahagi ng teritoryo ng Filipinas. Ayon kay Nato, hinabol nila …

Read More »

100 bata nasagip sa malnutrisyon (Sa Navotas City)

Sa 104 batang may pinakamalalang kaso ng malnutrisyon, 100 ang napagaling ng Navotas City Nutrition Office. Base sa datos, sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, nakapagtala sila noong Enero ng 104 bata na may edad 0-71 buwan sa katergoryang “severely wasted” na pinakamalala sa mga kaso ng severe acute malnutrition (SAM). “Nasa bingit ng kamatayan ang mga batang …

Read More »

Pamilya Castillo Tinangkang Sindakin

NAGPADALA ng mga tauhan ang pulisya sa burol ng hazing victim na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III, makaraan ang hinihinalang pagtatangkang sindakin ang kanyang pamilya, ayon kay Migs Zubiri. “Noong isang araw, may dumating ditong ‘di nila kilala, parang sina-psychological ano si Tito, ‘yung tatay ni Atio… Sinabihan siya na medyo siga, ang dating na ‘E ano, anong plano …

Read More »

Solano ‘kakanta’ sa senate probe

ILALAHAD ng pangunahing suspek sa pagkamatay ni Horacio TOMAS “Atio” Castillo III sa initiation rites ng isang fraternity, ang lahat ng kanyang nalalaman hinggil sa insidente, sa isasagawang imbestigasyon sa Senado ngayon, pahayag ni Senador Panfilo Lacson nitong Linggo. Sinabi ni Lacson, ibubunyag ni John Paul Solano, miyembro ng Aegis Juris Fraternity, ang kanyang nalalaman hinggil sa insidente ng hazing, …

Read More »

Suspek sa Atio hazing slay ‘nagparamdam’

NAGPADALA si Antonio Trangia, isa sa tatlong suspek sa hazing na ikinamatay ni University of Santo Tomas (UST) freshman law student Horatio Tomas “Atio” Castillo III, ng surrender feelers sa mga awtoridad, pahayag ng Manila Police District (MPD) nitong Linggo. Si Trangia, miyembro ng Aegis Jvris fraternity, ang may-ari ng sasakyan na ginamit sa paghahatid kay Castillo sa Chinese General …

Read More »

LDS narco-pols financier ng Maute Group (Nasagasaan sa drug war)

BINUHUSAN ng pondo ng narco-politicians sa Lanao del Sur ang Daesh ISIS inspired Maute terrorist group kaya tumagal ang bakbakan sa Marawi City. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kahapon, ang narco-politicians sa Lanao del Sur drug matrix na ibinunyag ni Pangulong Duterte kamakailan, ay nasagasaan nang todo sa inilunsad na drug war ng administrasyon. “Local politicians in Mindanao adversely …

Read More »

Sea forces kinakamada ng US (Agenda: drug war, terorismo, CHR budget)

PINANINIWALAANG kinokonsolida ng Estados Unidos (EU) ang kanyang kaalyadong puwersa sa Southeast Asia partikular sa Filipinas at Burma (Myanmar) bilang paghahanda laban sa armas nukleyar ng North Korea at para tapatan ang pag-hahari ng Beijing sa South China Sea. Ito ay matapos tiyakin ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim ang buong suporta ng Amerika sa isinusulong na drug …

Read More »

Tigil-pasada simula ngayon (2 araw kontra jeepney phase-out)

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 24, 2017 at 9:56am PDT SISIMULAN ngayon ang itinakdang dalawang araw na tigil-pasada ng mga jeepney driver mula sa Metro Manila at ilang kalapit na probinsiya. Ito’y upang kondenahin ang phase-out sa mga lumang jeepney sa 2018, kaugnay sa plano ng pamahalaan na maglabas ng mga makabagong pampublikong …

Read More »

Bilyong budget sa SSF project ng DTI pinaboran ni Legarda

INUUSISA ni Senate Committee on Finance chairperson Senator Loren Legarda si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan tungkol sa 2018 proposed budget ng CHEd sa pagdinig sa Senado kahapon. (MANNY MARCELO) PINABORAN ni Senadora Loren Legarda ang pagbibi-gay ng bilyong budget sa Shared Service Facilities (SSF) Project ng Department of Trade and Industry (DTI), naglalayong madagdagan ang productivity ng micro, …

Read More »

Socialized housing tax exemption ‘wag tanggalin

MAHIGPIT na tinututulan at ipinanawagan ng isang civil society group sa Senado na huwag paboran ang panukala ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara na mai-lift ang 12-percent value added tax exemption para sa mga low-cost and socialized housing unit. Sa media briefing na isinagawa sa Quezon City, mahigpit na tinututulan ni United Filipino Consumers and Commuters President Rodolfo Javellana Jr., …

Read More »

STL ‘nanakawan’ ng 30% kita dahil sa ilegal na jueteng

Jueteng bookies 1602

MAHIGIT 30 porsiyento ang nawawala sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula sa potensiyal na kita ng pinalawak na Small Town Lottery (STL) dahil sa patuloy na operasyon ng ilegal na sugal sa ilang mga lalawigan sa bansa, paliwanag ng mga Authorized Agent Corporations ng STL sa mga senador. Ayon kay PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz, ito ang pangunahing dahilan …

Read More »

Pro-Duterte rally sa Plaza Miranda hakot (Palasyo tahimik)

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 22, 2017 at 10:45am PDT TIKOM ang bibig ng Palasyo sa mga ulat na hinakot o bayarang mga raliyista ang nagtungo sa pro-Duterte rally sa Plaza Miranda kamakalawa. “I’m not familar with the process that happened,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa mga report na mula sa …

Read More »

‘Amok’ sa MPD HQ nasakote sa New Manila, QC

SINABI ng abogado ng suspek na si Arvin Tan, kinukuhaan ng mug shot, matapos masakote ng mga operatiba ng Manila Police District – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) sa kanyang tahanan sa New Manila, Quezon City, na mayroong diperensiya sa pag-iisip ang kanyang kliyente. Makikita sa larawan si Tan kasama ang broadcaster/columnist na si Mon Tulfo at ang kanyang …

Read More »

Utos sa PNP kapag sangkot sa droga: Anak ko itokhang n’yo — Digong

INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Philippine National Police (PNP) na huwag mangiming itokhang o itumba ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte kapag napatunayang sangkot sa illegal drugs. Sa kanyang talumpati sa Conferment Ceremony of Gawad CES and 2017 Outstanding Government Workers sa Palasyo kahapon, sinabi ng Pangulo, inabisohan niya mismo si Pulong …

Read More »

Solano, mag-ama primary suspects sa Atio hazing case

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 21, 2017 at 12:31pm PDT IKINASA ng pulisya ang manhunt operation sa tatlong itinuturing na primary suspects sa karumal-dumal na pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo, ang 22-anyos freshman law student sa University of Sto. Tomas (UST) na inatake sa puso dahil sa labis na pagpapahirap sa hazing nitong …

Read More »

Public schools, gov’t offices walang pasok

TRABAHO sa gobyerno at pasok sa mga pampublikong paaralan ang suspendido bukas, 21 Setyembre alinsunod sa idineklarang National Day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang inilinaw kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella. Inaasahan aniya na maglalabas ng memorandum circular ang tanggapan ng Executive Secretary na mag-aanunsiyo na suspendido ang mga klase at trabaho sa pamahalaan bukas. “It is …

Read More »

3 ‘persons of interest’ sa hazing victim iisa-isahin ng MPD

TARGET ng Manila Police District (MPD) ang tatlong ‘persons of interest’ na pinaniniwalaang huling nakakita sa namatay na hazing victim na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III matapos atakehin sa puso dahil sa labis na pagpapahirap, nitong Linggo ng umaga. Una sa listahan ng MPD si John Paul Solano y Sarte, ang lalaking nagpakilalang nagdala sa hazing victim na si …

Read More »

Military junta iniamba ni Duterte

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 20, 2017 at 5:42am PDT NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasa ang poder sa militar kapag nagpasya siyang magbitiw bilang Punong Ehekutibo kapag ayaw na sa kanyang liderato ng mga mamamayan. Sa panayam kagabi sa PTV-4, sinabi ng Pangulo ang pagkaluklok sa kanya sa Palasyo ay batay …

Read More »

DFA pinabilis aplikasyon ng pasaporte (Renewal at bago)

MATAPOS magbukas ng libo-libong appointment slots sa publiko, pinadali ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport application sa pamamagitan ng pagsasaayos ng appointment system. Inayos ng DFA ang disenyo ng online appointment system para sa isang tingin ay makikita ng aplikante ang mga bakanteng petsa kung kailan siya puwedeng mag-apply o mag-renew ng pasaporte. “Ngayon, hindi na nila kailangan …

Read More »

Satellite office ng UNCHR hirit ni Duterte (Kapalit ng CHR ni Gascon)

NAIS ni Pangulong Duterte na magtayo ng satellite office sa Filipinas ang United Nations Commission on Human Rights (UNCHR) upang bantayan ang pagpapairal ng paggalang sa karapatang pantao sa bansa. Inihayag ni Pangulong Duterte kahapon, hihilingin niya sa Camara de Representantes na iparating ang kanyang hirit na maglagay ng satellite office ang UNCHR sa bansa. Si Zambales 2nd District Rep. …

Read More »

Gambling problem harapin (Giit ng PCSO sa PNP)

IGINIIT ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) na harapin ang problema sa illegal gambling imbes guluhin ang Authorized Agent Corporations (AACs) na binigyan ng awtorisasyon ng PCSO sa operasyon ng Small Town Lottery (STL). Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan, magkakaroon ng magandang resulta ang pagsusumikap ng PNP kung maglulunsad sila ng tunay na …

Read More »

Paring hostage ng Maute iniligtas ng special forces

INILIGTAS ng Special Forces commandos ang paring binihag ng teroristang grupong Maute, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ambush interview kahapon sa burol ni PO3 Junior Hilario sa Bagumbong, Caloocan, City, sinabi ng Pangulo, hindi pinakawalan ng Maute si Fr. Chito Suganub kundi iniligtas ng commandos ng SF ng Philippine Army. “Si Fr. Sumanug he was not released he was …

Read More »

Malawakang protesta hinikayat ni Digong (Sa 45 taon ng Martial Law)

Duterte Marcos Martial Law

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-45 anibersaryo ng martial law sa Huwebes bilang National Day of Protest. Sa panayam sa Pangulo kahapon, sinabi niya, suspendido ang klase at pasok sa trabaho sa 21 Setyembre upang magkaroon ng tsansa ang lahat ng mamamayan na lumahok sa mga kilos-protesta, maging ito ma’y kontra sa pamahalaan at ang mga kawani ng gobyerno …

Read More »