Thursday , May 23 2024

Bilin ng Palasyo sa publiko: Kumalma pero maging handa

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na manatiling kalmado kasunod ang magnitude 6.9 lindol na yumanig sa Mindanao kahapon.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kailangan maging alerto ang publiko sa mga inaasahang aftershocks.

Hinikayat ng Office of the President ang publiko na iwasang magkalat ng mga hindi beripikadong impormasyon na maaaring magdulot ng alarma at panic sa mga apektadong komunidad.

Tiniyak ng Palasyo na nakatutok ang gobyerno sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (NDRRMC) at Phivolcs para bantayan ang sitwasyon sa Davao del Sur.

Ipinag-utos na rin aniya sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na magres­ponde at ibigay ang mga pangangailangan sa mga apektadong lugar.

Kinompirma ni Panelo na nasa kanyang bahay sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte nang lumindol.

Kasama aniya ng pangulo sa bahay ang anak na si Kitty habang ang partner na si Honeylet Avanceña ay nasa daan pauwi nang yumanig ang lindol.

Tiniyak ni Panelo na maayos ang kondisyon at walang nasaktan sa pamilya Duterte.

Kaugnay nito, sinabi ni Brig. Gen. Jose Eriel Niembra, commander ng Presidential Security Group (PSG), na walang naitalang sira sa bahay ng Pangulo.

Gayonman, sinusuri pa rin aniya ang struc­tural integrity nito.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

shabu drug arrest

Bebot, 1 pa arestado sa P340k shabu sa QC

SA PATULOY na pagpapatupad ng Quezon City Police District (QCPD) sa programa ng Department of …

052224 Hataw Frontpage

Sa ELYU  
PILOTO, PASAHERO SUGATAN SA BUMAGSAK NA CESSNA PLANE

ni Niño Aclan BUENAS na maituturing dahil minor injury lang ang napala ng dalawang sakay …

Cavinti PNP

Sa Buy-bust Operation ng Cavinti PNP
2 Street Level Individual (SLI) arestado, baril at iligal na droga kumpiskado

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang dalawang street level individual (SLI) sa ikinasang drug …

Bulacan Police PNP

2 durugistang nasa watchlist, 8 lumabag sa batas nasakote

HUMANTONG sa pagkakaaresto ng dalawang durugistang tulak kabilang ang walong pasaway sa batas ang patuloy …

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

Cyberlibel vs health advocate doctor inihain ng Bell-Kenz Pharma sa NBI

SINAMPAHAN ng kasong cyberlibel si public health advocate doctor Anthony Leachon kaugnay ng anila’y akusasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *