PIKIT-MATANG ‘pinaboran’ ng Senado ang pagbibigay ng prankisa sa anak ni Senador Loren Legarda kahit na sinasabing ilegal ito. Mariin itong inihayag ng grupong Anti-Trapo Movement o ATM kaugnay sa nasabing kontrobersiya na kinasangkutan ng mag-inang Legarda. Ayon sa ATM, nakahanda na ang Malacañang na magsagawa ng imbestigasyon sa paratang na si Legarda at ang mga kawani nito ay nakiaalam …
Read More »Masonry Layout
Pinoy nurse nanalo ng P1.4-M sa Dubai Shopping Festival
MASUWERTENG nanalo ang isang Filipino nurse ng Dh100,000 o katumbas na P1.4 millyong papremyo mula sa isang mall sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Dubai Shopping Festival (DSF). Sa ulat, nagwagi si Angela Mortos, isang Pinay nurse na naka-base sa Dubai. Nakasali si Mortos sa contest na Million Dirham Wheel ng City Center Mirdif matapos siyang gumasta ng Dh2,000 (P28,000) halaga …
Read More »Departamento ng OFWs pinamamadali ni Koko
IPINAAPURA ni Senador Aquilino Koko Pimentel III ang pagtatatag ng isang ahensiya na tututok sa kapakanan ng overseas Filipino workers (OFWs). Tinutukoy ng senador ang paglikha ng Department of OFWs. Ayon kay Pimentel hindi maikakaila ng gobyerno na sa 11 Pinoy isa rito ay nagtatrabaho sa ibayong dagat para mabigyan nang maayos na buhay ang kanilang mga pamilya. Aniya, dapat …
Read More »Presyo ng petrolyo muling inihirit ng gas companies
MULING nagpatupad nang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 12 Pebrero, matapos ang katiting na bawas presyo na ipinatupad kamakailan. Epektibo ngayong 6:00 am, pinagunahan ng Pilipinas Shell, PTT Philippines , Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz ang pagtaas sa presyo na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro …
Read More »3 bagets arestado sa pananaksak sa 32-anyos babae
TATLONG maituturing na kabataan, isang 19-anyos at dalawang edad 20-anyos ang naaresto matapos pagtulungang saksakin ang isang 32-anyos babaeng factory worker sa Valenzuela City, kamakalawa ng madaling araw. Kritikal ang kalagayan sa Valenzuela Medical Center (VMC) ng biktimang si Judy Capambi, 32-anyos, residente sa Sampaguita St., Brgy. Punturin sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. …
Read More »Angkas pilot run aprub sa kongreso, DOTr
NAGKASUNDO ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang Department of Transportation ( DOTr) sa panukalang pilot run ng motorcycle ride-hailing service na Angkas bilang isang test case para sa pagbabalangkas ng angkop na regulasyon para sa motorcycle taxis. Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensiya …
Read More »74-anyos lola todas sa rider
NABANGGA ng motorsiklo ang tumatawid na 74-anyos lola habang sugatan ang driver at angkas nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Parañaque Doctors Hospital dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Melagros Centino, ng Santa Ana Drive, Bgy. Sun Valley ng lungsod. Nilapatan ng lunas sa …
Read More »17-anyos, 3 pa arestado sa marijuana
ARESTADO ang apat katao kabilang ang isang menor-de-edad na 17-anyos matapos mahulihan ng mga pulis ng marijuana sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni S/Insp. Ronald Carlos ang mga naarestong suspek na sina Danrey Kenneth Potolin, 21-anyos, ng Taguig City; Niel Mitchel Piguing, 18-anyos ng Navotas City; Francis John Gallardo, 19-anyos, ng Brgy. Baritan; at ang 17-anyos na …
Read More »Laborer binoga sa Taguig
ISANG 39-anyos na construction worker ang sugatan nang barilin ng isa sa dalawang suspek na nakasuot ng bonnet mask sa Taguig City, nitong Linggo ng gabi. Ginamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Abdul Adil, may asawa, tubong Maguindanao, residente sa Barangay Maharlika Village, Taguig City, sanhi ng tama ng bala sa tiyan at kaliwang braso mula sa hindi …
Read More »Wanted rapist sa Rizal, arestado
NASAKOTE ang 32-anyos tricycle driver na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa kasong rape sa Rodriguez, Rizal. Kinilala ni Supt. Melchor Agusin, hepe ng pulisya ang nadakip na si Danilo Cherrieguinie III alyas Nilo, 32 anyos, nakatira sa Sitio Sapa Wawa, Brgy. San Rafael ng nabanggit na bayan. Dakong 1:00 pm, nang dakpin ang suspek sa kanyang bahay sa …
Read More »Respeto sa PH Law pakiusap ng PNP Chief sa mga dayuhan
NAKIKIUSAP si Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa mga dayuhang naririto sa bansa na galangin ang mga lokal na batas. Kaugnay ito ng insidente ng pagsaboy ng taho ng isang babaeng Chinese national sa isang pulis matapos sitahin sa pagdadala ng mga liquid substances sa MRT (Metro Rail Transit). Sinabi ni Albayalde, hindi mag-aatubili ang PNP na ipatupad …
Read More »Undesirable aliens walang puwang sa PH
MAY paglalagyan ang mga dayuhan sa bansa kapag hindi sumunod sa mga itinatakdang batas sa Filipinas. Pahayag ito ng Palasyo matapos ang viral scene sa social media na pagsasaboy ng taho ng Chinese student na si Jiale Zhang sa isang pulis sa MRT Boni station sa Mandaluyong City nitong pagtatapos ng linggo. Umapela ang Palasyo sa publiko na huwag nang …
Read More »Sa opening salvo ng kampanya… Seguridad kasado na — NCRPO
KASADO na ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa pagsisimula ng kampanya ng mga kandidato na tatakbo sa halalan ngayong Martes 12 Pebrero 2019 , ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon. Sinabi ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, wala silang naitalang election hotspot sa Metro Manila pero hindi dapat maging kampante ang pulisya sa pagbabantay …
Read More »Endoso ni Digong kay Jinggoy aprub sa Palasyo
IPINAGTANGGOL ng Malacañang ang endoso ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Senador Jinggoy Estrada sa 2019 polls kahit akusado sa kasong pandarambong. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nananatiling inosente pa rin ang dating Senador sa kasong plunder dahil hindi pa naman siya hinahatulan ng Sandiganbayan, batay sa Konstitusyon. “We have to respect the Constitution. We have to bow to …
Read More »P300-M ayudang intel fund ng US welcome sa PH
BUKAS ang Palasyo sa P300-M intelligence fund na ayuda ng Amerika sa Filipinas. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay ito na malakas pa rin ang military alliance ng dalawang bansa. Sinabi ni Panelo na pandaigdigang suliranin ang terorismo na walang kinikilalang teritoryo, politika, relihiyon at paniniwala kaya kailangan ng tulong at kooperasyon ng bawat UN member country para labanan ito. Tiniyak …
Read More »Marilao ex-vice mayor na inasunto ni Atong inilipat sa Parañaque
INILIPAT na kahapon sa Parañaque City jail ang dating vice mayor ng Marilao, Bulacan makaraan makakuha ng commitment order ang Bulacan Provincial Police Office sa Parañaque Regional Trial Court (RTC). Dakong 11:00 am, nang mailipat sa Parañaque City Jail (PCJ) ang dating bise alkalde na si Andre Santos at naging emosyonal ang paghahatid sa kanya ng pamilya. Nangangamba ang pamilya …
Read More »Bidders na may cash advance nagkakagulo sa P75-B ‘insertions’ — Andaya
MATAPOS ipamahagi ng Kongreso ang P75-bilyones ‘insertions’ ng Department of Budget and Management sa mga mambabatas, nagkakagulo ang mga contractor na nanalo sa bidding. Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., pinuno ng House Committee on Appropriations, nagbigay na ng ‘commission’ ‘yung iba rito. Ani Andaya, nagtagumpay ang Senado at Kamara sa re-alignment ng ‘insertions’ ni Budget Secretary Benjamin …
Read More »Totoy patay sa nabuwal na kandila (Walang koryente sa Kyusi…)
PATAY ang isang 4-anyos totoy nang hindi makalabas sa nasusunog nilang tahanan sa North Fairview, Quezon City, kamakalawa ng gabi. Ang biktima ay kinilalang si Elixer Jumalon, nakatira sa No. 24 Boulevard St., Brgy. North Fairview, Quezon City. Sa imbestigasyon ng Quezon City Bureau of Fire Protection, ang sunog ay sumiklab dakong 9:39 pm na nagtagal nang mahigit isang oras …
Read More »Mag-utol na sangkot sa ilegal na droga itinangging tauhan ng Parañaque mayor
ITINANGGI ni Parañaque city mayor Edwin Olivarez, na personal niyang bodyguard ang nahuling magkapatid sa isang operasyon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na sinabing sangkot sa ilegal na droga kamakailan. Matatandaang ikinasa ng NCRPO sa pangunguna ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar ang operasyon laban sa magkapatid na kinilalang sina Salah at Salman Mohamad, residente sa Ninoy Aquino Ave., …
Read More »Duterte dumalaw sa puntod ng ina
DINALAW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang ina sa Davao Public and Roman Catholic Cemetery kamakalawa ng gabi. Ang pagbisita ay kaugnay ng ika-pitong taong paggunita sa death anniversary ni Nanay Soledad “Nanay Soling” Roa Duterte na pumanaw noong 2012. Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence “ Bong” Go, 11:00 pm sila dumating ng Pangulo …
Read More »Comelec handa na sa 2nd round ng BOL plebiscite
HANDA ang Commission on Elections (Comelec) sa pamamahagi ng mga election paraphernalia para sa ikalawang bahagi ng plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL). Sinabi ni Dir. Frances Arabe, Special Monitoring Team Over-all Head, lahat ng election form at mga kagamitan para sa plebisito ngayong araw (6 Pebrero ) sa Lanao del Norte at North Cotabato ay nasuri na kung kompleto …
Read More »14 rape case isinampa vs 18-anyos kelot (13-anyos ilang ulit ginahasa)
SINAMPAHAN ng 14 bilang ng kasong rape at ikinulong ang isang 18-anyos na binatilyo matapos gahasain ang kanyang 13-anyos textmate. Inaresto ang suspek na sinabing no. 1 most wanted person sa Dupax del Sur, Nueva Vizcaya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Paul Atolba ng Regional Trial Court Branch 30 sa Bambang, Nueva Vizcaya. Ipinahayag ni …
Read More »4-anyos nene warat sa 22-anyos kapitbahay
MAAGANG napariwara ang buhay ng isang batang babae na sa musmos na gulang ay walang awang ginahasa ng hayok na kapitbahay sa Pandi, Bulacan kahapon. Kinilala ni Chief Insp. Avelino Protacio, hepe ng Pandi police, ang suspek na si Mark Jason Monilla, 22-anyos at residente sa Brgy. Cacarong, sa naturang bayan. Nabatid sa ulat, ang biktima, isang 4-anyos nene, residente …
Read More »5 patay 40 sugatan sa salpukan ng 2 bus (Sa Compostela Valley)
LIMA ang patay at mahigit 40 ang sugatan nang magbangaan ang dalawang bus sa Compostela Valley nitong Lunes ng hapon. Sa imbestigasyon ng awtoridad, biglang pumutok ang gulong ng Metro Shuttle bus at nawalan ng kontrol sa manibela ang driver, dahilan para mapunta ang bus sa kabilang linya at sumalpok sa Bachelor bus. Agad isinugod sa ospital ang mga sugatan …
Read More »Philippine Reclamation Authority (PRA) isinailalim sa pangulo
TINANGGAL sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kontrol sa Philippine Reclamation Authority (PRA) at inalis din sa kapangyarihan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang pag-aproba sa reclamation projects. Inilipat sa kapangyarihan ng Pangulo ng Filipinas ang kontrol at pamamahala sa PRA maging ang pagbibigay ng ‘go signal’ sa reclamation projects, batay sa Executive Order No. 74 …
Read More »