Saturday , June 22 2024

Bolo at samurai iwinagayway sa simbahan (Kelot timbog sa Nueva Ecija)

ARESTADO ang isang lalaking armado ng bolo at samurai nang magresponde ang mga awtoridad makaraang ireport sa kanila nitong Biyernes, 1 Enero, sa bayan ng Zaragoza, lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay P/Col. Marvin Joe Saro, agad nilang dinakip ang suspek na kinilalang si Joshua Ed De Guzman, 24 anyos, residente sa San Isidro, ng nabanggit na bayan.

Nagdulot umano ng pangamba sa mga nagsisimba ang kahinahinalang presensiya ng suspek na armado ng bolo at samurai at umaaligid sa bisinidad ng San Vicente Parish Church bandang hapon noong unang araw ng bagong taon na agad itinawag sa presinto ng pulisya.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa suspek ang tatlong pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu, dalawang pirasong  kalibre .38 pistola, isang samurai, dalawang bolo, apat na bala ng kalibre .45 baril, mga basyo, at mga cellphone.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Zaragoza PNP ang suspek na nakatakdang iharap sa piskalya sa ihahaing asunto dahil sa paglabag sa Section 11 ng RA 9165, at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms, Ammunition & Deadly Weapons).

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

shabu drug arrest

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *