Friday , June 14 2024
shabu drug arrest

Tulak, timbog sa P.4-M shabu sa Caloocan

SA KALABOSO bumag­sak ang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ma­tapos makompiskahan ng halos P.4 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan Police chief, Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Arvin Amion, alyas Daga, 25 anyos, residente sa Phase 6, Brgy. 178, Camarin Road na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3:40 am nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa ilalim ng panga­nga­siwa ni Col. Mina malapit sa bahay ng suspek.

Nang tanggapin ng suspek ang P7,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu, agad siyang di­nam­ba ng mga operatiba.

Nakompiska sa sus­pek ang halos 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000 ang halaga at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at pitong piraso ng P1,000 boodle money.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *