Wednesday , June 26 2024

Sinopharm covid-19 vaccine itinurok sa Pinoy soldiers (FDA bulag)

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming mga Pinoy, kabilang ang mga sunda­lo, ang nabakunahan ng CoVid-19 vaccine na gawa ng Sinopharm ng China kahit hindi pa aprobado  ng Food and Drug Administration (FDA).

“Marami na ang nagpa-injection dito sa Sinopharm,” sabi ni Duterte kay FDA Director General Eric Domingo sa live briefing kamakalawa ng gabi sa Palasyo.

“Halos lahat ng sundalo natusukan na. I have to be frank and I have to tell the truth. I will not foist a lie. Marami nang nagpatusok,” anang Pangulo.

Aniya, wala siyang narining na anomang negative side effects ng Sinopharm vaccine.

Sinabi ni Domingo kay Duterte na wala pa silang naaresto kahit isang indibidwal na sangkot sa umano’y pagbabakuna sa mga Pinoy ng bakunang gawa ng Sinopharm.

“Wala nga po kaming mahuli. Naka-tatlong raid na po kami sa Makati at saka sa Binondo pero wala naman po kaming nahuli pa,” ani Domingo sa Pangulo.

Taliwas sa pagbibida ni Duterte sa Sinopharm vaccine ang nangyari sa Peru na pansamantalang ipinatigil ang clinical trials nito matapos makaranas ng neurological problem ang isa sa test volunteers na Guillain-Barre syndrome.

Batay sa ulat, ang Guillain-Barre syndrome ang panghihina ng muscles na nagsisimula sa mga paa pataas, patungo sa mga kamay at pagkatapos ay sa buong katawan sa loob lamang ng 72 oras.

Ang nasabing sakit ay may symmetric pattern na paghina ng muscles na nauuwi sa paralysis, ayon sa column ni Dr. Tranquilino Elicanio, Jr.

“Hindi pa malaman kung ano ang dahilan ng Guillain-Barre Syndrome ngunit ipinalalagay na ito ay auto-immune disorder na ang immune system ay nawawalan ng kakaya­hang makilala ang ‘sarili’ at ‘di-sarili.’ Bukod dito, nagpo-produce rin ng antibodies na uma­atake sa sariling tissues. Pina­niniwalaang nade-develop ito pagkaraang magkaroon ng mild infection, maoperahan o kaya’y routine immunization.”

Mapanganib aniya ang sakit sapagkat apektado ang respiratory muscles na maaaring maging dahilan ng pagka-paralysis at respiratory failure. Maaaring mag­karoon ng pagbabago sa presyon ng dugo, iregular na tibok ng puso at sa dakong huli’y ang per­manenteng pagka­para­lisa. (R. NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

arrest, posas, fingerprints

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte …

shabu drug arrest

P.2M shabu kompiskado  
BEBOT, ISA PA, TIKLO SA VALE AT KANKALOO

DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot ang inaresto matapos makuhaan …

SAF hinikayat ni Cayetano para sa ‘transformative’ role sa bansa

PARA kay Senator Alan Peter Cayetano, maaaring makakuha ng inspirasyon ang ating mga kababayan mula …

MATATAG curriculum

Creative & critical thinking ng Pinoy students inaasahang patatalasin ng MATATAG curriculum

KOMPIYANSA si Senador Win Gatchalian na tataas ang antas ng creative at critical thinking skills …

prison rape

Most wanted sa statutory rape
68-ANYOS LOLO TIMBOG SA VALE

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *