Thursday , December 9 2021

2 NPA official arestado sa bahay ng bokal

ni BRIAN BILASANO

ATIMONAN, QUEZON – Dalawang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ang inaresto sa loob ng bahay ng isang bokal nitong Sabado, 26 Disyembre ng taong kasalukuyan.

Ayon sa ulat ng pulisya, nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang dalawang rebeldeng NPA na kinilalang sina Ruel Custodio, alyas Baste, tumatayong finance officer ng grupo, at Ruben Istokado, alyas Oyo/Miles, nagsisilbing political officer, na kapwa inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa Barangay Zone 3, Poblacion, Atimonan, Quezon.

Base sa mapagka­katiwalaang source, dinakip ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa loob umano ng bahay ng isang Rhodora “Dhoray” Tan, kilalang halal na miyembro ng Sanguniang Panlalawigan ng lalawigan ng Quezon at malapit na kaalyado ni Quezon Province Governor Danilo Suarez.

Sa nasabing ope­rasyon, natuklasan ng mga awtoridad ang dalawang hand grenades, isang Bersa Thunder caliber 380 pistol na naglalaman ng 13 bala, isang kalibre .45 pistol na naglalaman ng isang magazine na may anim na bala, at isang Jericho caliber 9mm pistol na may dalawang magazine at ilan pang mga bala. Ang mga nakompiskang armas ay kaagad isinuko sa Atimonan Municipal Police Station (MPC).

Bago ang pag-aresto, una nang nasangkot si alyas Baste sa pangingikil ng ‘revolutionary tax’ sa probinsiya. Noong Hulyo 2019, naharap siya sa kasong kidnapping at sinundan pa ng kasong illegal possession of firearms noong Nobyem­bre 2019.

Samantala, nasangkot si alyas Oyo/Miles sa mga gawaing subersibo at nasampahan ng mga kasong double murder at multiple murder noong buwan ng Setyembre 2014.

Kamakailan, inapro­bahan ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa pama­magitan ng paglagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Resolution No. 12 na nagtuturing sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa hukbong sandatahan nitong New People’s Army (NPA) bilang grupong terorista sa bansa. Ito’y alinsunod sa Section 4 ng Anti-Terrorism Act.

At dahil dito, lahat ng mga ari-arian ng nabang­git na grupo ay maaaring kompiskahin at ipasara ng Anti-Money Laundering Council’s (AMLAC), batay sa Section II ng Republic Act No. 10168 o ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.

About Brian Bilasano

Check Also

DonBelle Donny Pangilinan Belle Mariano

Donbelle hinuhulaang magiging number 1 loveteam sa 2022

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang comedian-director na si John ‘Sweet’ Lapus sa pelikulang Love Is Color …

120821 Hataw Frontpage

Pari gustong ipalit ni Duterte kay Duque

ni Rose Novenario INALOK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dominican priest at molecular biologist Fr. …

Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum …

Rida Robes

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos unahin bago face-to-face classes – Robes

UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task …

Comelec

Ex-CJ sa Comelec
DQS VS BBM RESOLBAHIN

HINIMOK ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division na …

Leave a Reply