Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

OFW, bebot, 1 pa timbog sa P3.4-M shabu

NAHULIHAN ng 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 milyon ang tatlo katao kabilang ang isang overseas Filipino worker (OFW)  sa isang buy bust operation sa Taguig City, nitong Sabado. Nakapiit sa detention cell ng Taguig city police ang mga suspek na sina Joel Undong, 30, tricycle driver; Zainab Pamansag ,27, OFW, at Aiza Abdul ,29. Base sa …

Read More »

Faeldon sinibak sa tigas ng ulo hindi dahil sa korupsiyon

INILINAW ng Palasyo na sinibak si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon dahil sa pagsuway sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi sa isyu ng korupsiyon. “The President fired him because of not following his order. In other words, sinasabi niya sa tao na pina-fire ko ‘yan dahil hindi niya ako sinunod, hindi dahil sa corruption. ‘Yun …

Read More »

Sexy star na pinsan ng ‘Killer Bride’ actress… Deborah Sun huli sa droga

ARESTADO ang veteran actress at dating sexy star na si Deborah Sun, kasa­ma ang tatlo pa sa isi­na­gawang buy bust ope­ration ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Linggo ng madaling araw. Kinilala ni QCPD Project 4 Police Station (PS8) commander  P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro ang naaresto na si Deborah Sun, Jean Louise Porcuna Salvador, sa tunay …

Read More »

Sa ilalim ni Speaker Cayetano… Budget hearings sa Kamara tapos agad (No pork barrel, no ‘insertions’)

NATAPOS “in record time” ng Committee on Appropriations ng House of Representatives, ang mga pagdinig sa mga panukalang gastusin ng iba’t ibang ahensiya ng pamaha­laan, nitong nakaraang linggo na may katiyakang walang nakatagong pork barrel o mga ilegal na ‘insertions’ sa 2020 national budget. ‘Yan ay sa masusing  paggabay ni House Speaker Alan Peter Caye­tano, na naglalayong ma­big­yan ng ligtas …

Read More »

2,000 ‘laya’ sa GCTA ‘panganib’ sa lipunan — Palasyo

ITINUTURING ng Palasyo na banta sa lipunan ang halos 2,000 convicts na napalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­ne­lo, ito ang dahilan kung bakit hindi alintana ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te na maglaan ng pondong halos P2 bilyon para maibalik sila sa New Bilibid Prison (NBP). Sa press briefing kaha­pon, inihayag ni Panelo …

Read More »

P170k droga nakompiska sa 8 suspek sa Maynila

shabu drug arrest

AABOT sa P170,000 halaga ng ilegal na droga ang nakompiska sa walong suspek na nahuli sa isang bahay sa Maynila nitong Miyerkoles. Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Manila Police District ang isang bahay sa Geronimo St., Sampaloc district, na sinabing ginagamit bilang drug den. Naaresto ang pitong lalaki at isang …

Read More »

Police clearance sa Senior Citizens at PWDs libre na sa Maynila

police clearance

LIBRE na ang police clear­ance para sa mga senior citizen at  PWDs na manga­ngailangan bilang isa sa requirements na ipinapasa sa paghahanap ng tra­baho. Inianunsiyo ito ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  kasabay ng paglagda ng Memorandum of  Agreement (MOA) sa pagitan ng City Goverment at McDonald Philippines kaugnay ng pagtatrabaho ng senior citizens at may mga kapansanan sa mga …

Read More »

Publiko puwede nang magreklamo sa text laban sa ‘red tape’

MAAARI nang maghain ng reklamo ng mga paglabag sa Republic Act 11032, o ang anti-red tape act, sa pamamagitan ng text o sa social media, ayon kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Atty. Jere­miah Belgica sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa makasaysayang Café Adria­tico sa Malate, Maynila. Nilagdaan ang Imple­menting Rules and Regu­lations (IRR) ng RA 11032, …

Read More »

Grocery owner patay sa boga, holdaper todas sa ‘lumilipad’ na LPG tank

gun dead

HINDI nakaligtas sa kama­tayan ang isang babaeng negosyante na may-ari ng groceries store nang pa­sukin at makipagbuno sa holdaper sa bayan ng Nor­zagaray, sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi, 3 Setyembre. Ngunit hindi rin naka­takas ang hindi kilalang holdaper dahil inabot siya ng ‘lumilipad’ na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) na ibinato sa kanya ng ‘helper’ ng grocery …

Read More »

Meeting ni Panelo sa Sanchez family, not once, but twice

DALAWANG beses binisita ng pamilya ni convicted rapist-killer at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa Mala­cañang noong nakalipas na Pebrero. Ito ang nakasaad sa logbook ng security guard sa New Executive Buil­ding sa Malacañang Com­plex na kinaroroonan ng Office of the Pre­sidential Spokesman. Nakatala sa logbook, unang nagpunta si Elvira Sanchez sa opisina ni Panelo …

Read More »

Faeldon sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Nicanor Faeldon bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa kontrobersiyal na pagpirma sa release order ni convicted rapist killer at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez. Iniutos ng Pangulo ang imbestigasyon sa pagpapalaya ng BuCor sa 1,700 convicted criminals alinsunod umano sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law maging ang komite na humahawak …

Read More »

Sanggol isisibat, ‘Kana’ nasabat (Sa NAIA Terminal 3)

INAKALANG lusot na, nang makalampas sa Bureau of Immigration (BI), pero biglang lumitaw ang paa ng isang sanggol mula sa sweat shirt ng isang babaeng American national kaya nabigong maisakay sa eroplano ang isisibat na umano’y pamangkin patungong Estados Unidos. Nangyari ito kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, base sa ulat ni Bureau of Immigration …

Read More »

Sa pinalayang heinous crimes convicts… Palit-ulo sa BuCor officials

KAPALIT ng mga pinalayang con­victs ay mga opisyal na nagpalaya sa kanila. Ito ang lumabas sa pagdinig kahapon sa Kamara patungkol sa isyung muntik nang ma­pa­laya ang dating Ca­lauan Mayor Antonio Sanchez at higit 2,000 pinalaya sa kuwesti­yonableng pamamaraan. Ayon sa nga kongre­sista, maaaring makulong nang mahigit 2,000 taon ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor) dahil sa paglabag …

Read More »

Budget bill binawi ni Villafuerte Davao Group umalma

PORMAL na kinuwestiyon ng Appropriations Committee ni Rep. Isidro Ungab ang pagbawi ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte sa panukalang pambansang budget na aniya’y dapat ipinasa ng Kamara sa unang pagbasa. Si Villafuerte ay chair­man ng Committee on Finance at kaaalyado ni House Speaker Alan Peter Cayetano, si Ungab na­man ay kasapi sa Davao group nina Davao Rep. Pulong Duterte. …

Read More »

Balik-Bilibid ng GCTA hindi ilegal — Palasyo

prison

WALANG malalabag na batas kapag ibinalik sa kulungan ang convicted criminals na pinalaya batay sa good conduct time allowance. Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil kung hindi aniya kalipi­kado sa probisyong naka­saad sa Republic Act 10592 o GCTA ang pina­layang bilanggo ay puwe­de siyang ibalik sa kulu­ngan. Bahala na aniya ang Department of Justice at Bureau of …

Read More »

Tiwala ng pangulo kay Faeldon tiniyak ni Panelo

KOMPIYANSA pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faledon kahit sumingaw ang paglaya ng apat na convicted drug lords at muntik na paglaya ni convicted murderer-rapist at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez. “E, hangga’t hindi nagsasalita si Presidente, the presumption is he still have the trust and con­fidence,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo. …

Read More »

Truck driver pisak nang madaganan ng container van

dead

NAGKALASOG-LA­SOG ang katawan ng isang truck driver mata­pos madaganan ng isang container van sa isang warehouse sa Paco, Maynila kahapon. Kinilala ang biktima na si Rogelio Policarpio Jr., 44-anyos. Ayon sa pahinanteng si Richard Baranggain, nagbababa sila ng mga kargamento mula sa nakaparadang container van nang unti-unting gumalaw at tuluyang bumagsak. Huli na nang kanilang malaman na nadaganan na pala …

Read More »

Mabuhay Lane 100% obstruction free — VM Honey Lacuna

Manila brgy

IPINAGMALAKI ni Vice Mayor Honey Lacu­na kahapon na hindi na kailangan pang maki­pag-unahan ng Maynila sa itinakdang 60-day deadline para tumugon sa utos ni President Rodrigo Duterte na ma­bawi ang lahat ng mga kalye mula sa pribadong sektor dahil malinis na ito sa lahat ng uri ng ilegal na estruktura, may dalawang linggo na ang nakararaan. Ayon kay Lacuna, nauna …

Read More »

Babaeng sex worker inatado ng saksak sa loob ng motel

knife saksak

DUGUAN at tadtad ng saksak ang isang babae nang matagpuan sa inupahang motel, Linggo ng madaling araw sa Tondo, Maynila. Tinangkang habulin ang suspek na nagtata­takbo palabas ng Safety Motel sa kanto ng Morio­nes at Mabuhay St., ngu­nit hindi naabutan ng roomboy. Inilarawan  ni P/Sgt. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktima na kinilala …

Read More »

Striker ng PNP Finance sa Camp Crame binoga

gun shot

BINARIL ang isang civi­lian striker ng Philippine National Police (PNP) ng hindi kilalang suspek sa loob ng bar sa Taguig City, nitong Sabado ng madaling araw. Nakaratay sa Medical City Taguig ang biktima na kinilalang si Mario Cabungcal, 39, binata, civilian striker ng PNP Finance sa Camp Crame, Quezon city sanhi ng tama ng bala sa katawan. Inaalam ng awtoridad …

Read More »

OWWA’s Rebate Portal para sa OFWs binuksan na

BINUKSAN kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang Rebate Portal  bilang bahagi ng inilunsad na OWWA Rebate Program. Ang OWWA Rebate Program ay pagtugon sa probisyon ng OWWA Act na layuning mag­patupad ng pagbibigay ng rebate sa matatagal nang mga miyembro ng OWWA. Samantala ang OWWA Rebate Portal ay aayuda sa distribusyon ng OWWA Rebate Program, isang database …

Read More »

Separation pay ng 6000 empleyado ng ARMM dapat bayaran — Hataman

BARMM

NANAWAGAN sa Department of Budget and Management si House Deputy Speaker Mujiv Hataman na bayaran ang separation pay at iba pang benepisyo ng 6000 empleyado na mawawalan ng trabaho sa pagpasok ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ayon kay Hataman, ang dating gobernador ng mawawalang Autononous Region in Muslim Mindanao (ARMM), dapat masiguro ng papasok na BARMM na …

Read More »

Medical aircraft bumagsak, 9 pasahero patay 2 resorts nawasak

HINDI nakaligtas sa kama­tayan ang siyam kataong sakay ng isang BE350 medical evacuation aircraft nang bumagsak sa lungsod ng Calamba, Laguna nitong Linggo ng hapon, 1 Setyem­bre, na tumama at puminsala sa dalawang resort sa lugar. Kinompirma ni Calamba City Mayor Justin Chipeco na isang maliit na eroplano ang bumagsak sa lungsod dakong 3:30 pm. Iniulat na mula sa Dipolog …

Read More »

Estudyante hinablutan ng bag sa jeepney snatcher arestado

arrest posas

SA kulungan bumagsak ang isang 27-anyos lalaki nang daklutin ang bag ng isang coed na naipit sa traffic habang sakay ng pampa­saherong jeep sa Navotas City. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Joshua Mahinay, ng Tondo, Maynila, kakasuhan ng robbery snatching. Batay sa ulat, dakong 11:00 am, sakay ng pampasaherong jeep ang biktimang si …

Read More »

Nanggantso ng lolang negosyante… Bebot kulong sa extortion

arrest prison

SWAK sa kulungan ang isang istambay na bebot na nanggantso at muling natangkang huthutan ang isang senior citizen na businesswoman sa Mala­bon City kahapon ng umaga. Dakong 10:40 am nang madakip ang sus­pek na kinilalang si Cristina Clarito, 33 anyos, residente sa Emilio Jacin­to St., Brgy. Concepcion sa loob ng Immaculate Conception Church sa isinagawang entrapment operation. Ito’y matapos tang­ga­­pin …

Read More »