Wednesday , December 25 2024

Masonry Layout

Pulis-Maynila na nanakit ng bata, wanted kay Balba!

GALIT na ipinag-utos ni Manila Police District (MPD) director P/BGen. Bernabe Balba ang pag-aresto sa isang pulis-Maynila makaraang mag- viral pa sa social media ang ginawang pananakit sa isang 12-anyos binatilyo na nakasira sa side mirror ng kanyang sasakyan, kamakailan sa Pandacan, Maynila. Ayon kay Balba, sisiguradohin niyang matatanggal sa serbisyo ang pulis na si P/MSgt. Dennis Piad, nakatalaga sa …

Read More »

Opinyon ng London-based think tank… Wishful thinking, at pakikialam sa Ph sovereignty

TABLADO sa Palasyo ang pahayag ng London-based think tank na Capital Economics na mas marami pang mamumuhunan ang magnenegosyo sa Filipinas kung papalitan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi magandang lagay ng kanyang kalu­sugan. Tinawag na “wishfuk thinking” ni Presidential Spokesman Salvador Pane­lo ang opinyon ng Capital Economics. Pakikialam aniya sa soberanya at pama­malakad …

Read More »

“Classified info” sa drug war kapag ibinahagi… Leni Robredo diskalipikado habambuhay sa gobyerno

PUWEDENG madiskalipika habam­buhay sa gobyerno si Vice President Leni Robredo kapag ibinahagi ang mga “classified information” sa mga dayuhan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ipinaaalala ng Palasyo kay Robredo na isang krimen ang pag­babahagi ng mga sekreto ng estado sa mga dayu­han at mga organisasyon ay isang krimen batay sa Article 229 ng Revised Penal Code. Giit ni Panelo, …

Read More »

4 pulis timbog sa P.2-M extortion sa drug suspect

ARESTADO ang apat na tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang entrap­ment operation ng Integrity Management and Enforcement Group (IMEG) katuwang ang Regional Intelligence Division (RID) NCRPO at MPD DID makaraang manghingi ng malaking halaga sa kaanak ng naarestong drug suspect, nitong Miyerkoles ng gabi sa loob ng isang presinto sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Kinilala ang mga …

Read More »

2 gabinete sabit sa korupsiyon

IPAG-UUTOS ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang hiwalay na imbestiga­syon sa dalawang miyembro ng gabi­nete na kinom­pirma ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) na dawit sa korupsiyon. “Of course, the Presi­dent will order an inves­tigation, he will validate it,”  ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Ang pahayag ni Panelo ay bilang tugon sa sinabi ni PACC Commis­sioner Greco Belgica na batay sa ginawa …

Read More »

Agarang suspensiyon ng barangay officials hiniling ng abogado

HINILING kahapon ng isang manggagawang nagde-deliver ng mga feeds para sa mga manok sa Hermosa, Bataan, sa pamamagitan ng kanyang abogado, ang agarang suspensiyon ng kapitan ng barangay at ng ilan pang opisyal ng konseho sa Barangay Bacong, batay sa akusasyon na pinaboran nila ang isang negosyante sa nasabing bayan. Ang kahilingan ay ginawa ni Gecel Pineda Alba, batay sa …

Read More »

PECO sanhi ng 1,464 sunog sa Iloilo — BFP

UMABOT sa 1,464 sunog o 50% ng 2,887 ng naitalang sunog sa Iloilo City ay sanhi ng electric poles ng distribution utility na Panay Electric Company (PECO), ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Inamin ito ng BFP sa kanilang ulat sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kalahati ng mga naitatalang sunog sa Iloilo City ay sanhi ng electric poles …

Read More »

Misis nilait sa publiko mister kalaboso

KULONG ang isang truck driver matapos laitin at  akusahang nanlalalaki, sa harap ng publiko at ti­nang­ka pang hampasin ng helmet sa ulo ang kanyang kinakasama sa Malabon City. Kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children’s Act ang isinampa ng pulisya laban sa suspek na kinilalang si Roderick Santos, 46 anyos. Sa imbestigasyon ni P/SSgt. …

Read More »

 Duterte workaholic — Bong Go

Rodrigo Dutete Bong Go

WORKAHOLIC si Pa­ngu­long Rodrigo Duterte kaya hindi sinunod ang payo ng mga doktor na magpahinga muna. Ito ang sinabi ng kanyang longtime aide at ngayo’y Sen. Christopher “Bong” Go sa panayam kahapon sa Palasyo. Bagama’t nasa Davao City aniya si  Pangulong Duterte, hindi nanga­ngahulugan na hindi siya nagtatrabaho. Sa katunayan, ani Go, bukas ay magpu­pun­ta sila sa North Cota­bato ni Pangulong Duter­te para …

Read More »

Pinoys ligtas sa bushfires sa Australia

INIHAYAG ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) na walang nasu­gatan o nadamay na Filipino sa bushfires sa New South Wales, Queen­sland, at Western Australia. Ayon sa DFA, patu­loy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya at Filipino community leaders sa bansang Australia para matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy na naroon at mahigpit nilang imino-monitor ang sitwasyon sa mga apektadong lugar. (JAJA …

Read More »

P.3-M shabu kompiskado sa drug suspect (4 drug pusher huli sa P54K shabu)

shabu drug arrest

NASAKOTE ang tina­guriang top 1 most wanted sa lungsod at nakuha rin ang higit P300,000 halaga ng ilegal na shabu nitong Martes ng gabi, sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Parañaque city police. Kinilala ng pulisya ang inarestong suspek na si Rock Daniel Diocareza, alyas Loloy, 38, walang trabaho, residente sa Tramo St., Irasan Creek­side, Barangay San Dionisio. …

Read More »

P5.7-M shabu nakuha sa 3 tulak sa Maynila

ARESTADO ang tatlong drug personalities kabi­lang ang isang babae sa buy bust operation kaha­pon ng madaling araw sa Tondo, Maynila. Nasabat mula sa suspek na sina Anowar Mocamad, Tato Amiril, at Fatima Garcia, ang P5.7 milyong halaga ng shabu o katumbas ng 850 grams, buy bust money na P16,000 at tatlong cellphones. Ayon kay MPD director P/BGen. Bernabe Balba, mula …

Read More »

Ramon Tulfo nagpiyansa sa 2 kasong libel at cyber libel (Nakabinbing kaso, marami pa)

WALANG nagawa ang kolumnistang si Ramon Tulfo kundi ang maghain ng piyansa para sa kasong libel at cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Sa order noong 8 Nobyembre 2019, pirma­do ni Manila Regional Trial Court Branch 12 Judge Renato Enciso, naglagak ng piyansang P60,000 si Tulfo upang maiwasang makulong habang dinidinig ang kaso. Sa …

Read More »

Sa lindol sa Mindanao… Steel products isasailalim sa mandatory standard certification

MAGPAPATUPAD ng mandatory standard certification sa mga construction materials ang Department of Trade and Industry (DTI). Tiniyak ng DTI na maraming mga produkto ang isasalang sa man­datory standard cer­tification para masiguro na hindi malagay sa panganib ang publiko dahil sa mahinang con­struction materials. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, naglagay na rin sila ng mahigpit na panun­tunan at pinaigting na …

Read More »

Sa pulong ng Gabinete… VP Leni Robredo hindi imbitado

WALA pang balak ang Palasyo na isali sa susunod na pagpupulong ng gabinete si Vice President Leni Robredo kahit cabinet rank ang kanyang bagong posisyon bilang drug czar. Sa ambush interview kay Sen. Christopher “ Bong” Go sa Malacañang kahapon, sinabi niyang aanyayahan si Robredo kung maikakalendaryo o mailalagay sa agenda ng cabinet meeting ang isyu ng ilegal na droga. …

Read More »

UN malabong makialam sa pamamalakad ni VP Robredo sa ICAD — Sotto

NANINIWALA si Senate President Vicente Tito Sotto III na malabong makiaalam ang United Nations sa pamamalakad ni Vice President Leni Robredo bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti Illegal Drugs ( ICAD). Ito ang naging reak­siyon ni Sotto sa lumabas na report na tutulong ang UN kay VP Robredo sa kampanya laban sa ilegal na droga. Ayon kay Sotto, hindi …

Read More »

BBB projects ng gobyerno palpak — Drilon

TAHASANG inihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na pumalpak ang Build Build Build projects ng Duterte administration matapos lumabas na hindi ito naipatutupad nang maayos. Ayon kay Drilon, sa loob ng 75 Build Build Build projects, tanging 9 proyekto pa lamang ang nagagawa ng gobyerno sa loob ng tatlong taon na labis na ikinababahala ng senador. Sa budget delibe­ration …

Read More »

Drilon walang “K” pintasan ang Build, Build, Build; Aquino admin buta sa infra

WALANG karapatan si Senate Minority Leader Franklin Drilon na pinta­san ang Build,Build,Build program ng adminis­trasyong Duterte dahil buta sa proyektong em­pra­es­traktura ang naka­raang administrasyong Aquino na kaalyado ng senador. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat magbalik-tanaw si Drilon sa dating Aquino administration na kinabilangan niya para mapagtanto na wala ni isang infra project na naisakatuparan. “Ito namang si Senator …

Read More »

Bandalismo sa underpass sa Maynila kinondena

MARIING kinondena ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang bandalismo sa ilang underpass sa Maynila na naunang nilinis at pininturahan ng mga tauhan ng city hall. Ito’y matapos mag-viral sa social media ang larawan ng bandalismo na sinasabing kagagawan ng mga miyembro ng grupong Anakbayan. Ayon sa Manila Tourism & Cultural Affairs Bureau (MTCAB), nakalulungkot na sa ganitong paraan ipina­rarating …

Read More »

Sa 2022 presidential bid… Mayor Sara tablado kay Digong

AYAW ni Pangulong Rodrigo Duter­te na sumali sa 2022 pre­siden­tial derby ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Ito ang nakasaad sa press release na inilabas ng Presidential News Desk (PND) kahapon kaugnay sa talumpati ng Pangulo sa birthday party ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kamaka­lawa ng gabi sa San Juan City. Sa naturang okasyon, tiniyak …

Read More »

Dinaig ang China… PH no. 1 rice importer sa mundo

NABAHALA ang Palasyo sa balitang nangunguna na ang Filipinas bilang pinakamalaking rice importer sa buong mundo. Aminado ang Mala­ca­ñang na labis na naka­babahala ang ulat ng United States Depart­ment of Agriculture Services na tinalo ng Filipinas ang China bilang pinakamalaking rice importer sa buong mundo ngayong taon. Base sa ulat, papalo sa tatlong milyong metri­kong tonelada ang aang­kating bigas ng …

Read More »

Term sharing nina Cayetano at Velasco kasado pa rin

SA GITNA ng mga pag-uu­dyok kay House Speaker Alan Peter Caye­tano na huwag para­ngalan ang kasunduang term-sharing dahil sa magandang survey nito, sinabi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kahapon na tuloy pa rin ang kani­lang ”gentle­man’s  agreement.” Ayon kay Velasco, napipintong mag-take-over sa puwesto ni Cayetano pagkatapos ng 15 buwan, hindi pa napapahon pag usapan ang term-sharing pero dapat …

Read More »

3-araw ‘pahinga’ tinanggihan ni Duterte

TINANGGIHAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang payo ng kanyang mga kaibigan, pamilya at doktor na magpahinga muna. Inihayag ito ni Pre­sidential Spokesperson Salvador Panelo, biglang pagbawi sa nauna niyang pahayag na pumayag ang Pangulo na magpahinga sa loob ng tatlong araw. Lilipad ngayong gabi patungong Davao ang Pangulo pagkagaling sa burol ng namapayapang si John Gokongwei, Jr., sa Heritage at …

Read More »

‘Hilig’ ni VP Leni ipagkakaloob ng Presidente

NAKAHANDA si Pa­ngu­­long Rodrigo Duterte na ibigay ang lahat ng ‘hilig’ ni Vice President Leni Robredo. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa kanilang pag-uusap ni Pangulong Duterte noong Sabado, tiniyak ng Punong Eheku­tibo na ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ni Robredo sa ikatata­gum­pay ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno. “Sabi niya ibibigay ko sa kanya bahala na siya …

Read More »

Mayor Isko nabuwisit, Ylaya vendors binawalan (Desmayado at eksasperado sa basura)

TULUYANG ipinagbawal ni Mayor Francico “Isko Moreno” Domagoso ang pagtitinda ng mga vendor na may sidewalk stalls sa Ylaya St., sa Divisoria dahil sa kawalan ng pag­papahalaga sa paglilinis ng kanilang mga basura. Tahasang ipinadama ni Mayor Isko ang eksas­pe­rasyon at pagkades­maya sa kanyang naki­tang nagkalat na basura sa sorpresang inspeksiyon kahapon ng madaling araw. Kahapon ng madaling araw, sorpresang …

Read More »