Tuesday , December 10 2024
buntis pregnancy positive

Batang ina dumami sa panahon ng lockdown

KASUNOD ng Executive Order ng Malacañang na nag­dede­klarang gawing prayo­ridad ang pag­resolba sa teenage pregnancy o maaagang pagbubuntis ng mga kabataan, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang kahala­gahan ng pagtugon sa mga kakulangan ng comprehensive sexuality education (CSE).

Mandato ng Respon­sible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Act of 2012 (Republic Act 10354) ang pagkakaroon ng angkop na reproductive health education. Kabilang sa mga dapat talakayin dito ang mga isyung tulad ng pro­teksiyon mula sa maagang pagbubuntis, pang-aabusong sek­swal, gender-based violence, at responsableng asal.

Upang gabayan ang paghahatid ng CSE, nilabas ng DepEd ang DepEd Order No. 31 s. 2018.

Sa kabila ng pag­sasabatas ng RPRH Act, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga batang ina, batay sa ulat ng Commission on Population and Development (POPCOM).

Ilang ulit nagbabala ang Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na ang pagpapatupad ng lockdown sa panahon ng pandemyang dulot ng CoVid-19 ay maaaring sanhi ng lalong pagdami ng mga batang ina.

Iniulat ng POPCOM na noong 2020, 2,422 sanggol ang isinilang ng mga batang ina sa Cordillera, mas mataas ng halos limampung (46.43) porsiyento mula sa mahigit 1,654 isinilang noong 2019.

Sa taong 2019, ang mga menor de edad na may edad 15-anyos pababa, na naging ina ay mahigit sa 62,510 mula sa 62,341, ayon sa POPCOM.

Inihayag ng komi­syon, mahigit 2,411 mga batang may edad 10 hanggang 14 anyos ang nanganak noong 2019, mas mataas ng tatlong beses mula sa 755 naitala noong 2000.

Sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), lumalabas na sa pagtuturo ng RPRH ay nakita ang kakulangan ng manpower at mga pasilidad, mga training, mga kagamitan sa pagtuturo, koordi­nasyon, at monitoring system.

Ayon sa PIDS, kulang at hindi abot-kamay ang mga training sa-integrastyon ng CSE sa curriculum.

Sinabi ng senador, makatutulong ang Alternative Learning System (ALS) upang mabigyan ang mga batang ina ng pagka­kataon upang muling makapag-aral. Si Gat­chalian ang panguna­hing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11510 o ang Alternative Learning System Act.

 (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *