Wednesday , October 20 2021

P.3-M shabu, boga nasakote sa kelot

KALABOSO ang isang lalaki matapos makom­piskahan ng P340,000 halaga ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu sa isang buy bust operation sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala  ni Southern Police District chief, BGen. Jimili Macaraeg ang suspek na si Sapalon Noran, 26, ng Upper Bicutan, Taguig City.

Base sa ulat ng SPD, dakong 12:55 pm noong Sabado, nang isagawa ang buy bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni Maj. Cecilio Tomas, Jr., at ng Taguig City Police sa Block 55, Lot 7, Manalo St., Upper Bicutan sa nasabing lungsod na ikinaaresto ng suspek.

Binentahan umano ni Noran ng droga ang police poseur buyer na dahilan ng kanyang pagkaka­dakip.

Nakuha sa suspek ang 50 gramo ng hinihi­nalang shabu, weighing scale, cellphone, P1,000 buy bust money, at 60 pirasong boodle money; isang caliber magnum 357 at anim na bala ng naturang baril.

Si Noran ay nasa kustodiya ng DDEU-SPD at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

101821 Hataw Frontpage

Exclusive: Pinay sa Kuwait patay sa ‘sadiki’ bday girl nag-suicide (Nalason sa selebrasyon)

HATAW News Team ISANG 26-anyos overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait ang na-comatose hanggang tuluyang …

Smart, BTS

Pagbayad ng Smart-PLDT ng daang milyong piso sa foreign endorsers hinagupit ng kongresista

BINATIKOS ng isang partylist congressman ang top executives ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga …

Quezon Province

Gob ‘sabit’ sa dinukot na ‘saksi’ sa heinous crime (‘Biktima’ gustong suhulan)

MULING mahaharap sa panibagong kasong kriminal si Quezon Province Gov. Danilo Suarez matapos ituro ng …

No Entry, mall, indoor dine-in, Covid-19

17-ANYOS PABABA BAWAL PA RIN SA MALL, DINE-IN RESTO

MANANATILING bawal sa mga mall at dine-in restaurants sa Metro Manila ang mga kabataang may …

Leave a Reply