Sunday , September 29 2024

Masonry Layout

Mayor Isko nabuwisit, Ylaya vendors binawalan (Desmayado at eksasperado sa basura)

TULUYANG ipinagbawal ni Mayor Francico “Isko Moreno” Domagoso ang pagtitinda ng mga vendor na may sidewalk stalls sa Ylaya St., sa Divisoria dahil sa kawalan ng pag­papahalaga sa paglilinis ng kanilang mga basura. Tahasang ipinadama ni Mayor Isko ang eksas­pe­rasyon at pagkades­maya sa kanyang naki­tang nagkalat na basura sa sorpresang inspeksiyon kahapon ng madaling araw. Kahapon ng madaling araw, sorpresang …

Read More »

P22-M tulong inihandog ng Valenzuela sa Mindanao

bagman money

NAGKALOOB ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng P22 milyong financial assistance para sa mga biktima ng lindol sa probinsiya ng Cotabato at Davao del Sur sa pamamagitan ng Quick Response Fund (QRF) ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF). Agad nagpulong ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) noong 30 Oktubre 2019, matapos ang naganap na …

Read More »

Pekeng pulis ‘nagpakuha’ ng shabu kalaboso

shabu drug arrest

KULONG ang isang lalaking nagpulis-pulisan para magpa­kuha ng shabu at magnakaw ng cellphone sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga. Robbery at usurpation of authority ang nakatakdang ikaso sa suspek na kinilalang si Richard Torres Gregorio, 32 anyos. Dakong 8:30 am, tinawagan ang biktimang si Migs Ivan de Guzman Peregrino, 24 anyos, sales promoter, ng Brgy. Balubaran ng isang alyas Onad at …

Read More »

Shake vendor ‘nagpahimas’ swak sa rehas

prison

DERETSO sa kulungan ang isang shake vendor nang tangkaing ipahimas ang kanyang ari sa 16-anyos estudyante na umupo upang magpa­hinga sa tabi ng kanyang tindahan sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Carlos Martos, 25 anyos, resi­dente sa Reyes St., Brgy. Bangkulasi na sinam­pahan ng kasong acts of …

Read More »

2 batakero ng shabu huli sa sementeryo

drugs pot session arrest

HULI sa akto ng mga pulis ang isang babae at isang lalaki sa aktong bumabatak ng droga sa loob ng sementeryo sa Pasay City, kamakalawa. Nasa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Ma. Suzette Bueno, 36 anyos,  miyembro ng kilabot na Commando Gang; at Mark Andrew Veloria, 23 anyos, binata, pawang nasa drug watchlist, kapwa …

Read More »

Dispersal sa RFC picket line marahas, 4 sugatan, 23 arestado

SUGATAN ang apat katao habang 23 ang inaresto sa marahas na dispersal ng picket line sa pabrika ng Regent Foods Corporation (RFC) sa lungsod ng Pasig nitong Sabado ng umaga, 9 Nobyembre. Sumiklab ang karaha­san dakong 9:00 am nang i-disperse ng mga guwar­diya ng RFC ang mga nagpoprotestang traba­hador ng snack manu­facturer para sirain ang picket line sa Jimenez St., …

Read More »

“SAF 44” hiniling ng VACC muling buksan ng Ombudsman (Ehekutibo ‘di makikialam)

WALANG plano ang Palasyo na makialam sa trabaho ng Ombuds­man. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos hilingin ng Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) sa Ombudsman na muling buksan ang kaso nang pagpatay sa 44 kagawad ng Special Action Force (SAF) sa  Mamasapano, Maguindanao noong 2015 dahil may bagong ebi­den­siya laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III …

Read More »

Vendors tablado kay Yorme Isko ngayong Pasko

TALIWAS sa nakasa­nayan tuwing Pasko na naglipana ang vendors sa buong lungsod ng Maynila, tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­go­­so na mananatiling zero vendors ang main thoroughfares ng May­nila partikular sa Divisoria. Seryosong pahayag ni Isko, “tapos na ang maliligayang araw na ang mga vendor ay ‘panginoon’ sa mga kalsada sa Maynila.” “Nakagawian na kasi ‘yan. ‘Pag panahon …

Read More »

Malacañang nakiramay sa pagpanaw ni Gokongwei

NAGPAABOT ng paki­kiramay ang Palasyo sa naulilang pamilya ng business tycoon na si John Gokongwei Jr. Ayon kay presidential spokesman Salvador panelo, kinikilala ng taong bayan ang kuwento ng buhay ni Gokongwei kung paano nagsimula at naging matagumpay na negosyante. Isa rin aniyang generous philan­thropist  si Gokongwei na aktibo sa mga kawanggawa. Sinabi ni Panelo, si Gokongwei ang isang katangi-tanging …

Read More »

VP Leni hayaang mamuno sa war on drugs — Solon

SA KABILA ng mga pangamba ng oposisyon laban sa pagtangap ni Vice President Leni Robre­do sa posisyon bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), isang kongresista ng administrasyon ang nana­­wagang bigyan si Robredo ng panahon upang ipakita ang kan­yang kakayahan. Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., nararapat bigyang tsansa si Robredo na ipakita ang kanyang kakayahang baguhin …

Read More »

Drug czar Leni suportado… Access sa intel reports ayos lang — Palasyo

HINDI kabado ang Palasyo kahit magkaroon ng access sa intelligence report si Vice President Leni Robredo bilang drug czar. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala namang itinatago ang gobyerno sa mga record at nakabukas ito sa publiko. “Unang-una wala namang itinatago ang gobyerno sa mga record, nakabukas naman ‘yan. ‘Yung intelligence report na sinasabi wala rin masama doon dahil …

Read More »

9 sangkot sa droga timbog sa buybust

shabu drug arrest

ARESTADO ang siyam katao na nasa drug watch­list ng pulisya sa isinagawang magka­hiwalay na buy bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, kama­kalawa ng gabi. Batay sa ulat ni  P/SSgt. Carlos Erasquin, Jr., dakong 11:30 pm nang isagawa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa bahay ng suspek na kinilalang si …

Read More »

Chinese kulong sa pambubugbog ng bebot

arrest posas

KALABOSO  ang isang Chinese national makaraan ipagharap ng reklamo ng pambubugbog ng kanyang nobya sa himpilan ng pulisya sa Las Piñas City. Kinilala ang pulisya ang suspek na si Bainian Cao, 35 anyos, residente sa Bgy. Almanza Uno, Las Piñas City. Sa imbestigasyon, nangyari ang pambubugbog sa bahay ng suspek sa Maui Building, Ohana Residences. Ayon sa biktimang si alyas …

Read More »

US Embassy sarado sa 11 Nobyembre

SARADO sa publiko ang United States Embassy sa Filipinas at konektadong mga tang­gapan sa Lunes, 11 Nobyembre. Bilang pag-obserba sa Veterans Day, itinakda itong pista opisyal o holiday sa Amerika. Balik normal ang ope­rasyon ng Embahada at mga konektadong opisina sa Martes, 12 Nobyembre. Ang Veterans Day ay taunang ginugunita ng Amerika tuwing 11 Nobyembre. Ito ang araw ng unang bakbakan …

Read More »

Notoryus na tulak patay, 4 drug peddlers timbog

dead prison

TODAS ang isang hinihinalang notoryus na drug pusher habang apat na drug peddlers ang naaresto sa magkaka­hiwalay na anti-illegal drug raid na isinagawa ng Bulacan PNP hanggang kahapon, 7 Nobyem­bre. Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Rolando Oledan, residente sa Phase- 5 NHV, Barangay Tigbe, sa bayan ng Norzagaray, lalawigan …

Read More »

4 persons of interest tinukoy sa pagpatay sa DOLE official

APAT ang itinuturing na persons of interest ng Manila Police District (MPD) sa pagpatay sa opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes ng hapon. Batay sa nakalap na footages mula sa CCTV ng MPD, makikita kung paano tinambangan ng una at pangalawang persons of interest ang biktimang si Helen Dacanay, 59, Senior Labor Officer, residente sa Blk …

Read More »

Circus sa bicam, ikinabahala ni Cayetano

NAGBABALA si House Speaker Alan Peter Caye­tano sa mga mam­babatas na ang kagus­tohan ni Sen. Panfilo Lacson na buk­san sa midya ang bicameral meetings sa  panu­kalang P4.1 tril­yong national budget para sa 2020 ay magi­ging circus. Ani Cayetano, nag-aalala siya na ang mga miting na ito ay magi­ging paraan para umek­sena ang mga kongre­sista. “We have to be very realistic on …

Read More »

Pagpaslang sa broadcaster kinondena ng Palasyo

KINONDENA ng Pala­syo ang pagpatay kay radio broadcaster Dindo Generoso ng dyEM 96.7 Bai Radio sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon. Tiniyak ni Com­muni­cations Secretary Martin Andanar mabibigyan ng hustisya ang sinapit ni Generoso. “This senseless and unwarranted act will not go unpunished. We will take the necessary action to ensure justice for Mr. Generoso’s family,” aniya. Bilang co-chair ng …

Read More »

Isko Moreno balik-pelikula tandem si Coco Martin

BALIK-PELIKULA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso! Makakasama ni Mayor Isko ang isa sa mga sikat na aktor na si Coco Martin para sa entry sa 2019 Metro Manila Film Festival. Tampok ang dalawa sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon,” na mapanonood ngayong Pasko. Ayon kay Moreno, gaga­nap siya bilang alkal­de sa naturang pelikula. Bagamat maikli ang role ay …

Read More »

Crackdown sa tibak base sa reklamo — Palasyo

WALANG nakikitang masama ang Palasyo sa isinasagawang “crack­down” ng mga awtoridad laban sa mga aktibista. “The government policy is always to investigate complaints on criminal activities and if they have evidence, then they will take actions,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Giit ni Panelo, kung may mga ebidensiyang nagpapakita na sangkot sila sa krimen, okey lang na manmanan ng …

Read More »

Abogado ni Joel Cruz nangamote sa ebidensiya, Kasong estafa vs Dupaya ibinasura ng piskalya

Kathy Dupaya Joel Cruz

HINDI sustenable ang ebidensiyang iniharap ng kampo ng tinaguriang ‘lord of scents’ na si Joel Cruz laban sa Brunei-based businesswoman na si Kathelyn dela Cruz Dupaya kaya ibinasura ng piskalya ng Quezon City ang kasong estafa laban sa huli. Sa resolusyong inilabas ng piskalya, isinaad na “The case lacks any evidence of any false pretense or fraudulent act of which …

Read More »

Para sa 2020… P17.8-B Manila executive budget aprobado na

INAPROBAHAN na ng Sangguniang Panglung­sod ang P17.8 bilyong executive budget sa taong 2020 para sa lungsod ng Maynila. Si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang tuma­yong  presiding officer sa Konseho na nanguna sa pagpasa sa nasabing pondo sa ika-33 regular session gayondin si Majority floor leader at 3rd District Councilor Atty. Joel Chua. Makatutulong ang inilaang pondo para sa mga …

Read More »

8 pulis sa NCRPO huling natutulog ng Red Team surveillance group

WALONG pulis na nakatalaga sa mga lungsod ng  Makati, Caloocan, at Valenzuela ang nahuli sa aktong natutulog ng Red Team surveillance group na ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Miyerkoles ng madaling araw. Sinabi ni NCRPO director P/BGen. Debold Sinas, ang apat na pulis na nakatalaga sa Makati City, dalawa sa Caloocan City at dalawa rin sa …

Read More »

Hepe ng DTI Lab sa Cavite tulog sa oras ng trabaho

NAISPATANG natutulog kahit oras ng trabaho ang isang nagngangalang Jay (nasa cubicle) sa loob ng laboratory na nagsusuri ng mga produktong sumasailalim sa mandatory certification ng Department of Trade and Industry (DTI)M sa Dasmariñas, Cavite. Nauna na umanong inireklamo na kahit nasa laboratory premises ang ilang staff ay naglalaro lamang kahit office hours. Wala umanong biometric sa nasabing laboratory, kaya …

Read More »

Asin tax dapat asintado — Quimbo

KINUWESTIYON ni Marikina City (2nd Dist) Rep. Stella Luz Quimbo ang gustong mangyari ng Depar­tment of Health na patawan ng buwis ang asin bilang paraan sa pagkontrol ng non-communicable diseases o NCDs. “Sa panukalang ito, tamang pag-asin-ta ang tingin kong kailangan,” ani Quimbo. Ang NCDs ang leading cause of death sa Filipinas at sa buong mundo. Ayon sa World Health Organization, 68% ng …

Read More »