Friday , January 27 2023

2 misis, 3 kelot huli sa aktong nagsa-shabu

NAAKTOHAN ang dala­wang misis kabilang ang tatlo pang kasamahan nito habang sarap na sarap sa pagsinghot ng hinihinalang shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela  City Police ang mga naarestong suspek na kinilalang sina Leonora Sioco, alyas Wewen, 47 anyos, Helen Domingo, 52 anyos, Melvin Cabuyao, 41 anyos, factory worker, Enrico San Juan, alyas Bunso, 43 anyos, at ang foreman na kinilalang si Jiolito Ursal, 54 anyos.

Batay sa ulat ni SDEU investigator Pamela Joy Catalla kay Valenzuela City police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 1:15 am nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU ng validation matapos ang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug activities sa Block 3 Lot 8, Mansanas St., Brgy. Balangkas ng nasabing lungsod.

Dito, naaktohan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay ni Domingo, dahilan upang sila’y arestohin.

Nakompiska sa mga suspek ang tinatayang dalawang gramo ng hinihinalang shabu, nasa P13,600 ang halaga, ilang drug paraphernalia, 5 cellphones at P220 cash.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi …

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa …

dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …