Sunday , February 5 2023
Malaysian, 7 drug suspects timbog (Entrapment operation ikinasa sa Pampanga) Micka Bautista

Entrapment operation ikinasa sa Pampanga
MALAYSIAN, 7 DRUG SUSPECTS TIMBOG

ARESTADO ang walong drug suspects kabilang ang isang Malaysian national na nakumpiskahan ng mga ahente ng PDEA Central Luzon ng P102,000 halaga ng hinihinalang shabu nitong nakaraang Huwebes, 14 Oktubre sa Brgy. Sto. Niño, Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni PDEA-3 Director Bryan Babang ang mga nadakip na sina Stephanie Emaas, alyas Tisay, 31 anyos; Jordan Dela Cruz, 30 anyos;  Milanio Leyva, 57 anyos; Edmundo Monzor, 62 anyos; Mark Anthony Pasukin, 31 anyos; Jonel Salvador, 30 anyos; Aurelio Naigui, 60 anyos; at Misa Asen, 45 anyos, isang Malaysian national, pawang mga residente sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Babang, nag­simula ang operasyon sa impormasyong ibinigay ng isang mamamayan tungkol sa malawakang pagtutulak ng shabu ng grupo.

Nagresulta ang ikinasang entrapment operation sa pagkakumpiska ng mahigit 15 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang ang nagkakahalaga ng P102,000; iba’t ibang drug paraphernalia; at buy bust money.

Nakatakdang ihain sa korte ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga arestadong suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Naty Castro

Bansag na ‘terorista’ ng ATC kay Doc Naty pinalagan

KINONDENA ni House Deputy Minority leader Rep. France Castro ng ACT Teachers party-list ang pagbabansag …

Rex Gatchalian DSWD

Rex Gatchalian bagong DSWD secretary

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., si  Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian (1st district) …

money thief

2 Australiana, ninakawan ng Nigerian sa QC condo

TINANGAY ng isang Nigerian ang US$39,000 ng dalawang Australiana na kaniyang katransaksiyon sa negosyo sa …

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng bagong konsehal ng pamahalaang bayan …

Bulacan Police PNP

8 tulak, 5 wanted inihoyo ng pulisya

MAGKAKASUNOD na naaresto ang walong hinihinalang mga notoryus na tulak ng ilegal na droga at …