Thursday , June 1 2023
Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin ang basang kili-kili ng isa sa presidentiables na si dating senador Bongbong Marcos.

Base sa kumalat na tweet ng aktres, ”Yuck!  Baskil.  Maraming ninakaw sa bayan pero dugyot.”

Kilala kasing vocal si Janine sa pagsasabi ng kanyang mga nararamdaman at obserbasyon sa mga nangyayari sa paligid niya kaya siguro ginawan siya nito.

Kaagad naman nitong klinaro, ”Hey everyone! This is fake. I never tweeted this. Kung kilala niyo ako, hindi ko naman talaga katunog ito. Hindi tayo mababaw. Hindi importante ang itsura o panlabas na anyo ng isang politiko. Dun tayo sa facts lang, lalo na ngayong eleksyon. Mag-iingat sa fake news, guys!”

Kaagad din siyang ipinagtanggol ng Twitter user na si @Lola Bashang Kowts Ä0”Anyone na magpapakita sakin na nagtweet talaga ng ganito si Janine? Husayan nyo.”

Marami kasi ang naniwalang sinabi nga iyon ng aktres tulad ni [email protected]_, ”Ket sika garod? Dugyot ka lang garoden naglaad ka pay (ikaw kaya?  Dugyot ka rin, hindi ka pa nagsasabi ng totoo.).”

Sinundan ni Ar Dagandara @DagandaraHarvey, ”Gutierrez pa naman sayang…”

Marami pa kaming nabasang sa thread ni @Lola Bashang Kowts Ä0 na hindi magaganda na talagang kinuyog si Janine ng supporters ni BBM.

About Reggee Bonoan

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

Arjo Atayde Maine Mendoza Alden Richards

Alden nakiusap sa AlDub relasyon ni Maine kay Arjo irespeto

NAKIUSAP si Alden Richards sa fans nila ni Maine Mendoza na irespeto ang relasyon ng dating kapareha kayCong Arjo …

Ice Seguerra

Ice nalungkot, masaya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA si Ice Seguerra sa mabilis na nagpahayag ng saloobin sa biglaang …