Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Mall operations sa MM binawasan

Metro Manila NCR

IPINATUPAD ng malalaking mall sa Metro Manila ang pagbabago sa oras ng kanilang operasyon dahil sa umiiral na community quarantine sa rehiyon upang kontrolin ang pagkalat ng COVID-19. Ayon kay Metro Manila Council chair Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ipatutupad ang adjusted mall hours mula 11:00 am hanggang 7:00 pm lamang simula kahapon, Marso 15. Ang nasabing adjustment ay inihayag …

Read More »

Bagong oras ng curfew ipinatupad sa Maynila

NAGPATUPAD na ng bagong oras ng curfew ang lungsod ng Maynila. Sa isinagawang Special session ng Manila City Council, pinahaba ang curfew hours sa Maynila mula 8:00 pm hanggang 5:00 am. Alisunod ito sa kautusan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) at sa pinaiiral na community quarantine sa Metro Manila. Kinompirma ni …

Read More »

Nag-iisang distributor ng koryente sa Iloilo City… ERC tumindig pabor sa More Power

NANINDIGAN ang Energy Regulatory Com­mission (ERC) na ang More Electric and Power Corp (More Power) ang nag-iisang distribution utility sa Iloilo City na may legislative franchise gaya ng itinatakda ng batas at nag-iisang kompanya na inisyuhan nila ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) para mag-supply ng koryente sa buong Iloilo City. Ayon kay ERC Chair­man Agnes Devanadera, kahit …

Read More »

Kahit sa China nagsimula… Duterte pasasaklolo sa Beijing vs CoViD-19

KAHIT sa Wuhan, Hubei, China nagsimula ang coronavirus disease na prehuwisyo sa iba’t ibang panig ng mundo, magpapasaklolo si Pangu­long Rodrigo Duterte sa Beijing para kontrolin ito kapag lumala ang sitwasyon sa Filipinas. Sa kanyang public address kagabi sa Pala­syo, tiniyak ni Pangulong Duterte, ang ayuda ng China ang kanyang hihili­ngin kapag nagkaroon ng public disturbance dulot ng COVID-19 imbes …

Read More »

Guest nagpositibo sa COVID-19… Lockdown sa Wack Wack ipinatupad

NAGBABA ng lockdown ang Wack Wack Golf and Country Club sa lungsod ng Mandaluyong simula kahapon, 11 Marso, matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-2019 ang isang banyagang guest ng isa sa mga miyembro nang makauwi sa Singapore. Sa isang sulat na ipinadala ng Wack Wack sa kanilang mga miyem­bro noong Martes, 10 Marso, sinabi ng Presi­dente nitong si …

Read More »

Energy committee ni Velasco butata (P46-B makokolekta ng ibang House committees sa power firms)

MISTULANG etsa­puwera at inilampaso si House Committee on Energy Chairman Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ng House Committee on Public Accounts and Public Accountability at House Committee on Good Government nang makakolekta ng P46 bilyones sa mga utang ng power firms mula sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM). Kahapon, itinuloy nina House Committee on Public Accounts and Accountability …

Read More »

COVID-19 test kits sagot ng PhilHealth

SAGOT ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang halaga ng paggamit ng coronavirus 2019 (Covid-19) test kits sa mga ospital upang maibsan ang agam-agam ng publiko. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang COVID 19 tests sa mga ospital ay sasak­lawin ng PhilHealth, bukod pa sa gastusin para sa quarantine at isolation. “Batid ng Pangulo ang pag-aalala ng taong bayan …

Read More »

State of Public Health Emergency idineklara ni Digong

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of public health emergency matapos lagdaan ang  Proclamation 922 ilang oras matapos iulat ng mga awtoridad ang karag­dagang sampung kompirmadong kaso ng 2019 coronavirus disease o COVID-19 sa bansa. Sa sampung nakom­pir­mang kaso, pito ay nasa pagamutan, dalawa ay gumaling na, habang isa ang namatay, na nabatid na isang turistang Chinese. Inilabas ang …

Read More »

Grid officials ‘dedma’ lang sa utos na systems audit… SEN. WIN PIKON NA SA NGCP

MULING ipatatawag ng Senate committee on energy ang mga opisyal ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) makaraang mabigo ang kompanya na sumailalim sa mandatory system audit. Ayon kay Senador Sherwin “Win” Gatcha­lian, maraming dapat ipaliwanag ang NGCP sa Senado dahil sa kabila ng extension na ibinigay ng komite, nabigo pa rin ang kompanya sa system audit. “Initially, the …

Read More »

Halimuyak CEO Nilda Tuason, proud sa kanilang produkto

NA-SURPRISE ang CEO ng CN Halimuyak Philippines na si Ms. Nilda Tuason sa ginanap na birthday celebration ni Klinton Start. May part kasi rito na kinantahan siya ni Klinton with matching birthday cake pa, then, biglang dumating ang sisters niyang sina Jenniefer Mercado at Christine Pearl Mercado, kaya speechless siya. “Kasi dati naka-attend na ako ng birthday ni Klinton pero same group lang …

Read More »

China’s 3,000 PLA sa ‘immersion mission’ sa PH ipinabeberipika

PHil pinas China

NAALARMA ang Palasyo sa ulat na may 3,000 miyembro ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang kasalukuyang nasa Filipinas. Isiniwalat kamakalawa ni Sen. Panfilo Lacson na nakatanggap siya ng report na may 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng PLA ang nasa bansa at maaaring nasa immersion mission. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakatitiyak siya na kumikilos ang militar upang …

Read More »

Imbestigasyon sa POGOs iniutos ng Pangulo

WALANG plano si Pangu­long Rodrigo Duterte na magbaba ng suspensiyon sa operasyon ng offshore gaming operations sa kabila ng mga ulat na pagkaka­sangkot sa mga ilegal na aktibidad. “If there is anything wrong with the system on POGO, then we have to review it, evaluate it, and then streamline it, improve it. All agencies involved must do their job so …

Read More »

Hindi kawalan kung mawawala ang POGOs — Win

PAGCOR POGOs

TINITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi kawalan sa bansa kung mawawala o tulu-yang ipasasara ang Phi-lippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa pagdinig ng senado ukol  sa alegasyon ng pag-labag sa anti-money laun-dering matapos mabuking na nagpapasok ng milyon-milyon dolyar sa palipa­ran ang mga Chinese national na dumarating sa bansa na kalaunan ay nagiging empleyado ng Philippine Off-shore Gaming Operators …

Read More »

AMLC ginisa sa senado

Anti-Money Laundering Council AMLC

IGINISA ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon ang opisyal ng Anti-Money Laundering Council ( AMLC) sa isina­gawang pagdinig ng senado ukol sa sa alegasyon ng paglabag sa anti-money laundering matapos mabuking na nagpapapasok ng milyon-milyong dolyar sa paliparan ang mga Chinese national na du-ma­rating sa bansa na kalaunan ay nagiging empleyado ng Philippine Offshore Gaming Opera-tors (POGOs). Sa …

Read More »

Sunog sa Malabon… 3 sugatan, 150 pamilya nawalan ng tirahan

TATLO  katao, kabilang ang isang fire volunteer ang nasugatan habang nasa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy,  dakong 3:00 am nang sumiklab ang sunog sa bahay na inuupahan ni Lita Quitlong sa Letre, Brgy. Tonsuya, hanggang mabilis …

Read More »

Espekulasyon sa chopper crash itigil — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na iwasan gumawa ng mga espekulasyon kaugnay sa pagbagsak ng helicopter na lulan ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kahapon sa San Pedro, Laguna. “We ask the public to refrain from making speculations relative to the circumstances as we wait for the official results of the probe on the incident,” sabi ni …

Read More »

Kawad ng koryente dapat sa ilalim ng lupa na — solon

MATAPOS ang kalunos-lunos na insidente kahapon sa Laguna na sumabit sa kawad ng koryente ang helicopter na sinasakyan ng hepe ng Philippine National Police, nanawagan muli si Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera Dy na ipasa na ang panukalang ilagay sa ilalim ng lupa ang mga kawad ng koryente at iba pang kable na nakakabit sa poste. Aniya, kung walang kawad …

Read More »

Drug busts sa Bulacan… 2 tulak patay, 25 arestado

dead prison

BANGKAY na tumambad ang dalawang hinihinalang drug peddlers matapos manlaban sa mga inilatag na serye ng drug operations ng Bulacan police hanggang kahapon ng umaga, 5 Marso. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang unang namatay sa drug sting sa lungsod ng Meycauayan na si Jay-Arthur Mateo alyas Kalbo, kabilang …

Read More »

Jeep, truck nagbanggaan… Contractor, estudyante patay, 18 sugatan

road traffic accident

DALAWANG pasahero ang namatay habang 18 iba pa ang sugatan nang bumangga ang kanilang sasakyan sa hulihang bahagi ng nakaparadang truck kamakalawa ng gabi, 4 Marso, sa Marcos Highway, Barangay dela Paz, sa lungsod ng Pasig. Kinilala ang dalawang namatay na sina Joseph Andaya, 45 anyos, contractor, residente sa lungsod ng Caloocan; at Jenny Ann Colinares, 21 anyos, estudyante, nakatira …

Read More »

Diakono ng INC itinumba sa kapilya

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang diakono ng Iglesia Ni Cristo matapos tambangan at pagbabarilin ng dalawang magkaangkas na armadong suspek sa harap ng kapilya kamakalawa ng gabi, 4 Marso, sa bayan ng Guagua, sa lalawigan ng Pampanga. Mariing kinondena ng mga kapatiran sa pana­namp­alataya ng INC ang pagpaslang sa biktimang kinilalang si Allan Sta. Rita, isang pribadong kontratista, at diakono …

Read More »

Karo ng patay gamit sa pagtutulak ng ‘bato’… Mag-asawa, 8 tulak tiklo

ARESTADO ang 10 hini­hinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang na ang mag-asawa na ginagamit ang karo ng patay sa pag­de­deliber ng shabu, sa pinatinding Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) PNP sa ikinasang buy bust operation ng Macabebe Police Anti-Drugs Special Operation Unit, sa magkakahiwalay na lugar sa  bayan ng Macabebe, sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa ulat ni …

Read More »

Van ni Kim ChiU, sadyang inabangan ng tandem

TARGET talaga ng riding-in-tandem ang sinasakyang van ng aktres na si Kim Chiu mula sa paglabas  sa subdivision hanggang paulanan ng bala ng baril pagdating sa traffic light sa kanto ng Katipunan Ave., at CP Garcia Ave., Barangay UP Campus, Quezon City, nitong Miyerkoles ng umaga. Ito ang lumilitaw sa imbestigasyon ng binu­ong Special Investigation Task Group (SITG) Kim Chui  …

Read More »

Chopper bumagsak sa Laguna 2 PNP Generals kritikal

NANANATILING walang malay ang dalawang high-ranking police generals matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter kasama si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa sa bayan ng San Pedro, lalawigan ng Laguna, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga nasa kritikal na kondisyon na sina Maj. Gen. Mariel Magaway, PNP Director for Intelligence; at Maj. Gen. Jose Maria Ramos, Director …

Read More »

‘Tampo’ sa Iceland tinapos ng Palasyo

TINAPOS ng Palasyo ang ‘pagtatampo’ sa mga bansang lumagda pabor sa resolusyon ng Iceland na humirit na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Human Rights Council dahil sa extrajudicial killings bunsod ng drug war. Sa inilabas na memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong 27 Pebrero 2020, tinanggal na ang suspension order ni Pangulong Duterte at nakahanda …

Read More »

Bagsak-presyong bigas asahan — NEDA

Rice Farmer Bigas palay

INAASAHANG babagsak ang presyo ng bigas sa P34 hanggang P35 kada kilom sa ikalawang taon na pag-iral ng Rice Tariffication Law. Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Mercy Sombilla sa press briefing sa Palasyo kaha­pon. Ang kasalukuyan ani­yang presyo ng bigas na P36 kada kilo ay mas maba­ba sa target na P37, at pinakamababa …

Read More »