Monday , October 14 2024

Curfew hours tinanggal para sa mall operations

SIMULA ngayong araw ng Huwebes, 4 Nobyembre 2021, tatanggalin na ang pagpapatupad ng curfew hours kaugnay ng operasyon ng mga shopping mall sa Metro Manila.

Ito ang inaprobahan ng Metro Manila Council (MMC), ang policy making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa bisa ng MMDA Resolution No. 21-25, tinanggal na ang pagpapatupad ng curfew hours mula 12:00 am hanggang 4:00 am.

Ito ay dahil sa ipatutupad na adjustment mall operating  hours sa Metro Manila para sa buwan ng Kapaskuhan.

Anila, upang ang mall goers at mall employees ay magkaroon ng sapat na oras sa kanilang pag-uwi ng  bahay.

Sinabi ni MMDA chairperson, Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., base sa pakikipagpulong nila sa mall owners and operators, simula 15 Nobyembre, ang operasyon ng mga shopping mall sa Kalakhang Maynila ay  magiging 11:00 am hanggang 11:00 pm.

Ngunit ang curfew hours para sa mga menor de edad ay magiging hurisdiksiyon ng local government  upang patuloy na maipatupad ang CoVid-19 protocol.

Ayon sa MMDA, patuloy na ipatutupad ang pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing.

Ang pagtatanggal ng curfew hours sa Metro Manila ay dahil na rin sa pinagkasunduan ng mga Metro mayors. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …