Tuesday , August 9 2022
Navotas
Navotas

Navotas nakapagtala ng pinakamababang Covid-19 active cases

NAKAPAGTALA ang Navotas City ng bagong record na may pinakamababang aktibong kaso ng CoVid-19 ngayong taon.

Ayon sa ulat ng City Health Office, ang Navotas ay mayroong 31 aktibong kaso nitong 2 Nobyembre na mas mababang rekord noong 6 Pebrero na may 33 kaso.

“Just this Saturday, during our situationer, we expressed our intention to beat our lowest number of active cases this week. And the Navoteños delivered!” ani Mayor Toby Tiangco.

“OCTA Research has also classified Navotas as ‘very low risk.’ We congratulate and thank each Navoteño, especially our frontliners, for doing their utmost to help keep our city safe from CoVid,” dagdag ng alkalde.

“Ang importante po ay ‘wag tayong magpabaya para hindi masayang ang sakripisyo ng lahat. Pakiusap ko po na magkaisa tayong lahat. Lalo pa nating ingatan ang ating sarili para bumaba nang todo ang mga kaso at ‘di na mabigyan ng pagkakataon na tumaas ito ulit, na siyang magpapahirap na naman sa buhay nating lahat. Bigay todo na tayo sa pag-iingat sa sarili para matapos na ang pandemya,” ani Tiangco.

Hinikayat ni Tiangco ang mga Navoteño na magpabakuna laban sa CoVid-19.

“We have started our vaccination for 12-17 years old, with or without comorbidity. We have allocated 300 slots per day. Parents or guardian, who have yet to get their vaccine, may accompany their child and have themselves vaccinated, too. However, they need another adult to assist them in case they experience side effects,” pahayag niya.

Nagbukas ang Navotas ng tatlong site para sa pediatric vaccination. Kailangan magtakda ang magpapabakuna ng appointment sa pamamagitan ng https://covax.navotas.gov.ph/ at pumili sa Navotas City Hospital, Kaunlaran High School, o Tumana Health Center bilang kanilang vaccination site. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …