Thursday , December 26 2024

Masonry Layout

Eskapo ni Duterte ‘di totoo — Palasyo (Año positibo ulit sa CoVid-19)

ni ROSE NOVENARIO HINDI umeskapo ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte at nananatili lamang sa Davao City, ayon sa Palasyo. “There is no truth that President Rodrigo Roa Duterte left the country this weekend,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa text message sa Palace reporters kahapon. Nakatutok aniya ang Punong Ehekutibo sa sitwasyon ng coronavirus disease (CoVid-19) sa bansa. …

Read More »

Pagsasanay sa pandemya dapat isama sa K-12 curriculum — solon

HINIMOK ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Department of Education (DedEd) na isama sa curriculum ng K-12 ang pagtuturo patungkol sa pandemya. Paliwanag ni Herrera, ang kasalukuyang krisis dulot ng CoVid-19 ay nagbibigay diin sa pangangailangang magkaroon ng pagsasanay ang mga estudyante mula Kindergarten hangang Grade 12 upang maging handa sa mga darating na krisis …

Read More »

Tinarakan ng hunting knife ni mister kalaguyo ni misis patay

Stab saksak dead

Bago nagawang makalayo at makatakas, nadakip ng pulisya ang isang lalaki matapos patayin sa saksak ang pinaghihinalaang kalaguyo ng kaniyang asawa sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan, noong Biyernes, 14 Agosto. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police director, kinilala ang suspek na si Dexter Sabijon, 37 anyos, residente sa Sitio Puyat, Barangay Tartaro, …

Read More »

Jueteng bistado sa nahuling kobrador

NADAKIP ng Manila Police District (MPD) ang isang kobrador ng easy two o jueteng sa isinagawang operasyon, kamakalawa ng tanghali sa Balut, Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ng MPD Station 1, dakong 12:30 pm nang ikasa ang operasyon laban sa ilegal na sugal hanggang naaktohang nangingilak ng taya ang suspek na si Eduardo Nebreja, 58 anyos, sidecar boy, residente sa …

Read More »

3 miyembro ng Agustin crime group nasakote

ARESTADO ang tatlong miyembro ng Agustin Crime Group makaraang mag­positibo ang isina­gawang buy bust operation ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ni MPD Abad Santos Station (PS-7) commander P/Lt. Col. Harry Lorenzo, nakapiit sa kanilang presinto ang mga suspek na kinilalang sina Roniel Agustin, 27 anyos, at kapatid nitong si Raymat, 23, kapwa residente sa Dagupan Ext., Tondo; at …

Read More »

Bike tinangkang nakawin kelot deretso sa presinto

KALABOSO ang 35-anyos lalaki nang maaktohang ginagamitan ng bolt cutter ang naka-padlock na bisikleta upang tangayin sa entrance gate ng Pasay Public Market sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi. Nakakulong sa Pasay Police Station ang suspek na si Rey Bandalan, residente sa 1418 Tramo St., Barangay 46, Pasay City sa reklamo ng biktimang si Jomari Bendicio, 26 anyos, sales …

Read More »

10 medtechs kailangan sa Maynila

NAGHAHANAP ng 10 medical technologists ang lungsod ng Maynila para sa laboratoryo ng Sta. Ana Hospital kaugnay ng pagsisikap na makontrol ang krisis sa kalusugan dulot ng pandemyang CoVid-19. Base sa anunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nangangailangan ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng mga medical technologist na itatalaga sa laboratoryo ng polymerase chain reaction (PCR) machine. Ibinida ni Mayor …

Read More »

Turismo magbebenepisyo sa P10-B pondo ng TIEZA  

SISIGLA, umano, ang industriya ng turismo sa bansa sanhi ng P10-bilyong pondong ibinuhos ng pamahalaan sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).   Ayon sa chairman ng House committee on good governance and public accountability Jose Antonio Sy-Alvarado malawak ang mararating ng pondong ito sa sektor ng turismo.   Sa isang pahayag, sinabi ni Sy-Alvarado na ang pondo’y “will …

Read More »

Teachers, pamilya tinamaan ng COVID-19 (Sa Baguio City)

Covid-19 positive

HALOS wala nang dalawang linggo bago magsimula ang klase sa 24 Agosto, nagpositibo sa CoVid-19 halos lahat ng miyembro ng pamilya ng mga guro sa lungsod ng Baguio. Dahil dito, nagdesisyon ang isang miyembro ng pamilya na ilabas ang kaniyang pagkakakilanlan upang mapabilis ang contact tracing at mailahad ang kanilang karanasan kaugnay ng sakit. Nagsimula umano ito nang isa sa …

Read More »

11 miyembro ng SJDM City police DEU inasunto ng NBI

San Jose del Monte CSJDM Police

SINAMPAHAN ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang buong drug enforcement unit (DEU) ng San Jose del Monte City Police Station sa lalawigan ng Bulacan.   Lumalabas sa imbestigasyon ng NBI Death Investigation Division (NBI-DID), sa anim na napatay ng mga pulis na sinasabing nanlaban sa drug operation ay sadya umanong dinukot, pinaslang, at tinaniman ng mga ebidensiya. …

Read More »

DILG sa Senado: P5-B pondo ilaan sa contact tracers

SA PATULOY na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng CoVid-19, umapela ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Senado na ilaan ang P5 bilyon mula sa P162 bilyong pondo na malilikha sa ilalim ng “Bayanihan to Recover as One” bill, sa pagkuha at pagsasanay ng may 50,000 contact tracers upang palakasin ang contact tracing capability at maiwasan …

Read More »

Mask na may face shields pa overkill ‘yan —Sen. Imee

SINABI ni Senadora Imee Marcos na hindi pa huli ang lahat para baguhin ang kautusan na mandatory o obligado nang magsuot ng face shields ang lahat ng commuters at mga empleyado bukod sa face masks simula sa Sabado.   “Puwedeng localized o voluntary, pero pag mandatory ay overkill na ‘yan. May iba pa bang bansa na nagrerekomenda na sabay gamitin …

Read More »

Missing sedan ng cager na ex ng TV host nabawi ng HPG-SOD

NAREKOBER ng mga tauhan ng Highway Patrol Group Special Operations Division (HPG-SOD) sa pamumuno ni P/Cpt. Edgar Regidor Miguel ang nawawalang sasakyan ng dating karelasyon ng TV host/actor na si Vice Ganda na si PBA cager Calvin Abueva, nitong nakaraang gabi ng 12 Agosto 2020. Esklusibong napag-alaman ito ng pahayagang HATAW mula sa isang mapagkakatiwalaang source. Sa impormasyong nakalap, may …

Read More »

‘Pabayang’ power firm tablado (Sa Iloilo City)

WALANG basehan ang apela ng Panay Electric Company (PECO) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na maibalik ang kanilang Certificate of Convenience and Necessity (CPCN)  at mapayagang muling makapag-operate bilang Distribution Utility (DU) sa Iloilo City dahil wala nang legal na kapangyarihan para gawin ito. Ito ang paglilinaw ni dating Parañaque congressman Gus Tambunting bilang reaksiyon sa inihaing supplemental motion for …

Read More »

Palasyo natuwa sa ‘3rd stage trial’ ng Sputnik V vaccine (From Russia with love)

IKINAGALAK ng Palasyo ang pagkokonsidera ng Russia sa Filipinas sa kanilang pinauunlad at ngayon ay nasa “third stage trial” na bakuna laban sa CoVid-19. Ito ang patunay ng tumitibay na kooperasyon ng dalawang bansa matapos tahakin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “independent foreign policy” para sa bansa, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Cooperation on public health, especially at a …

Read More »

Pagpatay sa NDFP peace consultant, itinangging dahil sa anti-terror bill (Bangkay ‘hostage’ sa punerarya?)

dead

WALANG kinalaman sa Anti-Terrorism Law ang pamamaslang kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant at chairman ng Anakpawis na si Randall “Randy” Echanis. Ito ang inihayag kahapon ni Quezon City Police District (QCPD) director P/BGeneral Ronnie Montejo matapos sabihin ng mga militanteng grupo na nagsisimula na ang bagsik ng anti-terror law na may kaugnayan sa pamamaslang kay …

Read More »

Mega web of corruption: Sabwatan ng IBC-13 management at RII Builders busisiin

ni Rose Novenario HALOS ilang buwan pinagkaabalahan ng Kamara ang paghimay sa mga isyung itatampok upang mapagkaitan ng prankisa ang ABS-CBN habang niraragasa ng pandemyang CoVid-19 ang Filipinas. Sa hindi malamang dahilan, ang matinding kapabayaan ng gobyerno sa isang state-run media network gaya ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) ay tila hindi napapansin ng mga mambabatas, Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at …

Read More »

Plunder vs Philhealth officials – solon (Sa nawawalang P153-B pondo)

Philhealth bagman money

PLUNDER ang dapat ikaso laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa natuklasang eskema kaugnay ng nawawalang mahigit P153 bilyon sa kaban ng ahensiya. “And I submit to this committee, this in fact is plunder. ‘Yung bilyon-bilyong nawala ay plunder. At ang rekomendasyon ko kasuhan hanggang sa regional level dahil lalabas po riyan kung sinong ospital …

Read More »

SPMC todong pondo ibinuhos ng Philhealth’ (Kahit hindi epicenter ng CoVid-19)

WALANG nakikitang kakaiba ang Palasyo sa pagbuhos ng pondo ng PhilHealth sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City kompara sa Metro Manila na itinuturing na epicenter ng coronavirus disease (COVOD-19) sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, base sa ulat ng Department of Health (DOH) ang SPMC ang pinamakalaking government hospital sa buong Filipinas na may 1,500-bed …

Read More »

CSJDM Lalamove riders gutom  

San Jose del Monte City SJDM

ISANG grupo ng Lalamove riders ang nakatengga sa tulay ng Sapang Alat sa City of San Jose del Monte sa pangalawang araw ng lockdown na ipinapatupad ng pamahalaang lungsod. Ayon kay Roque Tan, isa sa mga riders, hindi na sila puwedeng lumabas sa bayan dahil pagbalik ay isasailalim sila sa 14-araw quarantine period. “Dalawang araw na kaming gutom,” ani Tan …

Read More »

OP engineer ipinakakastigo sa Palasyo (Sa ‘inhumane quarantine facility’)

TINIYAK ng Palasyo na iimbestigahan ang isang opisyal ng Office of the President dahil sa hindi makataong pagtrato sa dalawang empleyado na nagpositibo sa coronavirus disease (CoVid-19). Isiniwalat ng HATAW, mahigit dalawang linggong inilagay sa tambakan ng Malacañang ang dalawang kawani mula sa Office of the President (OP) Engineering Office ng kanilang boss na si Edgardo Torres. Nang pumutok sa …

Read More »

Malate chief cop patay sa atake (2 MPD top official positibo sa CoVid-19)

MALUNGKOT na kinompirma ni Manila Police District (MPD) director BGen. Rolando Miranda na namatay ang isa sa kanyang police station commander matapos isugod sa Manila Medical Center nang makaramdam ng paninikip ng dibdib kamakalawa ng gabi sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng pang-unang lunas si Lt. Col. Michael Garcia, station commander ng MPD Malate …

Read More »

‘Purging’ palutang ni Roque sa pagpaslang kay Echanis (Joma muling idiniing int’l terrorist)

NAGPALUTANG ng intriga ang Palasyo kaugnay sa pagpatay kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant Randall Echanis kamakalawa sa Novaliches, Quezon City. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi makatuwiran na pagbintangan ang administrasyong Duterte na nasa likod ng pagpaslang kay Echanis dahil may record ang kilusang komunista sa pagpupurga sa kanilang hanay. “Huwag sana pong …

Read More »

Mega web of corruption: IBC-13 real properties naglahong tila bula (Mula 10 naging 8 digits na lang)

ni Rose Novenario            NAGLAHONG parang bula ang mga lupain na pagmamay-ari ng state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13). Ang IBC-13 ay direktang nasa superbisyon at kontrol ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) mula pa noong 2010. Batay sa 2018 Annual Audit Report ng Commission on Audit (COA), umaabot na lamang sa P79,002,954 ang halaga ng “land and land improvements” ng IBC-13. …

Read More »

“Tigil sesyon muna” panawagan ng solon na infected ng CoVid-19

NANAWAGAN sa liderato ng Kamara ang isang kongresista na tinamaan ng CoVid-19 na itigil muna ang sesyon sa Mababang Kapulungan habang wala pang maayos na pamamaraan upang mapigilan ang paglaganap ng virus sa Batasan Complex. “I fully support the idea to suspend the sessions once all COVID-19 mitigation measures have been passed,” ani Deputy Speaker at Surigao del Sur 2nd …

Read More »