Friday , May 27 2022
Blackmail nude Voyeurism Sextortion cyber

Sa Butuan
CYBERSEX DEN SINALAKAY 8 MENOR DE EDAD NASAGIP

NAILIGTAS ang walong biktimang may edad 14 hanggang 16 anyos nang salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang cybersex den sa Purok 7, Brgy. Limaha, lungsod ng Butuan, Agusan del Norte, nitong Sabado, 29 Enero.

Magkatuwang na ikinasa ng National Bureau of Investigation – CARAGA office at Regional Police Women and Children Protection Center ang operasyon base sa impormasyon mula sa Federal Bureau of Investigation, USA.

Ayon sa FBI, binabantayan nila ang naturang cybersex den na nabatid na may mga kliyenteng dayuhang pedophiles.

Nadakip ang hinihinalang operator ng cybersex den habang nagawang makatakas ng isa niyang kasamahan bitbit ang isang 3-anyos biktima.

Ayon sa mga awtoridad, sangkot ang cybersex den sa online trafficking of children at child pornography sa nakalipas na tatlong taon.

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …