Thursday , December 26 2024

Masonry Layout

Kredibilidad ng military sinisira ni Velasco (Sa pagtatanggol sa red-tagging vs Makabayan Bloc)

ITINURING ng isang batikang abogado na panghihimasok at pangmamaliit sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawa ni House Speaker Lord Allan Velasco nang tahasan nitong ipagtanggol ang Makabayan Bloc ng Kamara sa naging akusasyon ni AFP Southern Luzon Command chief, Gen. Antonio Parlade na ang mga progressive solons ay may kaugnayan sa Communist Party of the …

Read More »

P10-B gastos sa senate bldg ‘wag gamitin sa isyu ng DDR (Buwelta ni Sotto)

Senate BGC bldg money

BINUWELTAHAN ni Senate President Tito Sotto si Albay Rep. Joey Salceda at sinabihang “unfair”na punahin nito ang Senado sa paggasta ng P10 bilyon para sa ipinatatayong bagong gusali ng senado sa Bonifacio Global City habang ang P2 bilyong gagastusin para sa pagtatatag ng kinakailangang Department of Disaster Resilience (DDR) ay kanyang tinututulan. Ayon kay Sotto, hindi patas na ikompara ang …

Read More »

Lupa gumuho 5 patay, 9 nawawala (Sa Nueva Ecija)

BINAWIAN ng buhay ang lima-katao habang nawawala ang siyam na iba pa sa isang landslide sa mga sitio ng Kinalabasa, Compound, at Bit-ang, sa Barangay Runrunu, bayan ng Quezon, sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, nitong Huwebes ng hapon, 12 Nobyembre. Sa paunang ulat mula kay PRO2 Information Officer P/Lt. Col. Andree Abella, naganap ang pagguho ng lupa sa Barangy Runrunu …

Read More »

15 bayan, Lungsod sa Pampanga lubog sa baha (Ulan ni Ulysses walang tigil)

SINISI ang tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses, na nagging sanhi ng malawakang pagbaha sa ilang mga barangay ng 14 bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Pampanga nitong Huwebes, 12 Nobyembre. Kabilang sa mga binahang bayan ang Macabebe, Masantol, Sasmuan, Candaba, San Luis, Minalin, Sto. Tomas, Lubao, Guagua, Apalit, San Simon, Sta. Ana, Mexico, at Bacolor, kasama ang …

Read More »

OFWs inspirasyon sa kampanya laban sa “kafala”

MALULUNGKOT at masasakit na pinagdaanan ng ilang milyong overseas Filipino workers (OFWs) na walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang mga sarili ang naging inspirasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) para isulong ang “anti-kafala” campaign simula pa 2017. “Ang tapang at malasakit ng mga Filipino sa pangunguna ng Pangulo, mga NGO, mga diplomat, at ang milyon-milyong OFWs na dumanas ng hirap …

Read More »

Doktor, PSG itinuro ni Duterte

HINDI pinapayagan ng kanyang mga doctor at security na lumabas sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi siya mahagilap sa kasagsagan ng mga nagdaang bagyo. Nag-viral muli sa social media ang hashtag #NasaanAngPangulo habang binabayo ng bagyong Ulysses, at lubog sa baha at landslide ang iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon. “There are those who say that we’re not …

Read More »

Ulysses mas ‘matindi’ kaysa Ondoy

 HATAW News Team BINUHAY ng bagyong Ulysses ang ‘multo’ ng bagyong Ondoy nang hambalusin ng rumaragasang hangin at ulan ang Metro Manila, Rizal at iba pang lugar sa bansa na apektado ng pananalasa ng bagyong may international name na Vamco, simula nitong Miyerkoles , 11 Nobyembre ng gabi hanggang kahapon. Gaya noong Ondoy, Marikina ang iniulat na pinakamatinding sinalanta ng …

Read More »

3 dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig — Pagasa (Sa pananalasa ni Ulysses)

NAGSIMULANG magpakawala ng sobrang tubig ang tatlo sa mga dam sa Luzon na Binga, Magat, at Angat dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses nitong Huwebes, 12 Nobyembre. Ayon kay state hydrologist Richard Orendain, nagsimula nang umapaw ang Binga Dam sa Benguet, at Magat Dam sa Cagayan na pangunahing pinagkukuhaan ng tubig para sa irigasyon sa Luzon. “Iyong …

Read More »

PH mangungutang ng $300-M pambili ng CoVid-19 vaccine

MANGUNGUTANG ng $300 milyon ang administrasyong Duterte para ipambili ng bakuna laban sa CoVid-19. Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kamakalawa ng gabi. “Nandito na ang bakuna. So it’s being sold. Iyong iba sa —- I don’t know, it would be not good to assume that there’s a black market for that. But Sonny says that …

Read More »

Palasyo tutok kay Ulysses

bagyo

TINUTUTUKAN nang husto ng Palasyo ang galaw ng bagyong Ulysses at sinuspende ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa public shools sa Regions II, CALABARZON, MIMAROPA IV, Cordillera Administrative Region at National Capital Region simula kahapon 3:00 pm hanggang ngayong araw. Ang desisyon ng Malacañang ay batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management …

Read More »

11.11 sale pumatok shoe store ipinasara (Tindahan sa Cebu dinagsa)

IPINATIGIL ng pulisya at mga opisyal ng lungsod ng Cebu ang operasyon ng isang tindahan ng mga sapatos matapos dagsain ng mga tao nang mag-anunsyo ng 11.11 sale ang JS Footwear. Makabibili ng tatlong pares ng sapatos sa halagang P998 sa 11.11 sale ng nasabing tindahan. Hindi pinayagang magbukas kahapon, 11 Nobyembre, ang JS Footwear, sa Sanson Rd., Barangay Lahug, …

Read More »

HR chief na dating news writer sa Pangasinan patay sa pamamaril (Kasabay ng ambush kay Maganes)

dead gun police

KASABAY ng ambush na ikinamatay ng 62-anyos mamamahayag na si Virgilio Maganes, sa Villasis, Pangasinan, binawian din ng buhay ang isang dating news writer at kasalukuyang hepe ng human resource department ng lokal na pamahalaan ng San Jacinto, sa lalawigan ng Pangasinan, nang barilin ng hindi kilalang suspek nitong Martes din ng umaga, 10 Nobyembre. Kinilala ni San Jacinto Police …

Read More »

Babaeng hukom, 44, hininalang binaril ng clerk of court (Suspek sinabing nagkitil sa sarili)

HATAW News Team SA SILID kung saan tinitimbang ang katarungan, dalawang buhay ang kinitil ng armas na mas madalas ay instrumento ng inhustisya. Kahapon, Miyerkoles, 11 Nobyembre, ginulantang ang Maynila ng ulat na isang babaeng hukom, kinilalang si Judge Maria Teresa Abadilla, ang sinabing binaril ng kanyang clerk of court na kinilalang isang Atty. Amador Rebato sa loob ng tanggapan …

Read More »

Final Report ng “matagumpay” na SEA Games isinumite ng SEA Games Organizing Committee

Nagsumite ng final report na nakapaloob sa isang libro ang South East Asian Games Organizing Committee kay PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino and Philippine Sports Commission (PSC) Chair William “Butch” Ramirez sa isang simpleng seremonya sa Taguig City. Matapos ang labing-apat na taon, naghost ulit ang Pilipinas ng South East Asian Games …

Read More »

DDS kay Velasco: Kakampi ba o kaaway?

HINDI nagustohan ng supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte na Die Hard Duterte Supporters (DDS) ang naging pagkampi at pagtatanggol ni House Speaker Lord Allan Velasco sa red-tagging sa Makabayan Bloc na malinaw umanong pagbalewala sa Pangulo at pagmamaliit sa kakayahan ng military sa pangangalap ng impormasyon laban sa CPP-NPA. Sa YouTube Channel na Banat Balita ng DDS sinabi sa ginawang …

Read More »

P10-B BGC senate building maluho kaysa P2-B DDR (Senado binira ni Salceda)

Senate BGC bldg money

HINDI napigilan ni House committee on ways and means chairman, Albay Rep. Joey Salceda na pasaringan ang Senado at ikompara ang ginawang paggasta ng P10 bilyon para makapagpapagawa ng modernong senate building sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City habang pinanghihinayangang gastusan ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) na pinaniniwalaang  pangmatagalang solusyon sa panahon ng kalamidad na …

Read More »

Wanted sa Region 10 rapist na Padre de pamilya arestado sa Maynila

arrest prison

NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Provincial Regional Office 10, ang isang 49-anyos tatay na wanted sa Cagayan de Oro City dahil sa panggagahasa sa kanyang sariling anak, kamakalawa ng madaling araw sa Balut, Tondo, Maynila. Ayon sa ulat ng MPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Maj. Romeo Anicete, nakalawit ng kanyang …

Read More »

Mister nag-amok patay

dead gun police

NAG-AMOK ang isang mister at hinamon ng barilan  ang sinomang makita ngunit namatay matapos barilin ng nag­respondeng pulis makaraang pagbantaan na babarilin ang mga awtoridad sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw. Dead on the spot ang suspek na kinilalang si Charlie Cardona, nasa hustong gulang, idinek-larang patay ng Valenzuela City Risk Reduction and Management Office Rescue team sanhi ng …

Read More »

Christmas carolling, bawal — DILG

IPAGBAWAL ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagka-carolling ngayong nalalapit na Yuletide season dahil sa banta ng CoVid-19 sa buong bansa. “Based on studies and statistics, the spread of CoVid-19 is more likely to occur in mass singing like choir and caroling because singers have to remove their masks as they sing and viruses are released …

Read More »

Yorme tiwalang ‘Manila is in good hands’ kay VM Honey

SIGURADO si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang kanyang mga masimulang programa ay ipagpapatuloy ni Vice Mayor Honey Lacuna sa oras na natapos ang kanyang panunungkulan bilang alkalde. Paniwala ko mauubusan ako ng oras… pero sigurado ako, pagdating ng araw, si  (Vice Mayor) Honey itutuloy ‘yun,” pahayag ni Moreno sa harap ng mga  residente na kanyang binista sa Binondo. …

Read More »

Lopez, Quezon, muling binaha (TD Tonyo umariba)

HINDI pa halos humuhupa ang baha sa ilang lugar sa bayan ng Lopez, sa lalawigan ng Quezon dulot ng mga nagdaang bagyo, binahang muli ang ilang barangay dahil sa mga ulan na dala ng tropical depression Tonyo. Kabilang sa mga binahang lugar ang mga barangay ng Rizal, Del Pilar, at Magsaysay, kaya nagbabangka na umano ang mga residente. Simula nitong …

Read More »

VAT suspendihin sa low-cost housing (Panawagan ng kongresista)

NANAWAGAN si House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera sa Department of Finance (DOF) na suspendihin ang pagpataw ng 12-porsiyentong value-added tax (VAT) sa low-cost housing habang ang bansa ay nasa panganib ng kahirapan sa ekonomiya dulot ng pandemyang CoVid-19. Nagkaroon ng palugit na tatlong taon sa VAT ang low-cost housing sa ilalim ng  Republic Act 10963, o ang Tax Reform …

Read More »

US president-elect Joe Biden binati ni Digong Duterte

NAGPAABOT ng mainit na pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Vice President Joseph Robinette “Joe” Biden, Jr., sa pagkahalal na bagong pangulo ng Estados Unidos. “On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to former Vice President Joseph “Joe” Biden on his election as the new President of the United States …

Read More »

‘Online’ selling ng shabu, fraud sa socmed ‘yari’ sa Kamara

NAGING talamak ang paggamit ng social media sa transaksiyon ng illegal drugs sa bansa sa panahon ng pandemyang coronavirus disease (CoVid-19) upang hindi masilat ang kanilang ‘epektos’ sa mga nagkalat na checkpoint sa buong bansa. Ito ang nakarating na impormasyon sa Kongreso kaya nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa tumataas na kaso ng panlolokong online kasama ang pagbebenta ng illegal drugs. …

Read More »