MAY agam-agam si Senate President Vicenete Sotto III na maaapektohan ang magiging desisyon ng mga mambabatas sa pagpayag ng civil union para sa same-sex couples. Ito ay matapos ipahayag ni Pope Francis ang kaniyang suporta sa pagsasama ng parehong kasarian. Ayon kay Sotto, matagal nang nangyayari sa Filipinas ang pagsasama ng mga homosexuals ngunit maraming rehiyon at sektor pa rin …
Read More »Masonry Layout
Teacher solon sa Kongreso: P9.66-B tinanggal sa DepEd 2021 budget ibalik
HINILING ni Assistant Minority Leader, ACT Teachers Rep. France Castro na ibalik ang kabuuang P9.66 bilyong halaga ng ng mga tinanggal na items para sa Department of Education’s (DepEd) 2021 budget habang ang House Bill (HB) 7227 o ang 2021 General Appropriations Bill (GAB) ay naaprobahan sa second reading nitong Biyernes, 16 Oktubre. Ipinasa ni Castro ang proposed amendments sa …
Read More »PH Amba to Brazil imbestigahan – Duterte
BINIGYAN ng basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbestigasyon kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na pinauwi sa bansa bunsod ng ulat ng pambubugbog sa kanyang kasambahay. Kinompirma ito ni Sen. Christopher “Bong” Go sa isang kalatas kahapon. Sinabi ni Go na ang pagsisiyasat ay alinsunod sa mga probisyon ng Foreign Service Act of 1991. Nauna nang inihayag ni …
Read More »IATF vs PhilHealth mess pinamamadali
PINAYOHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang Inter-Agency Task Force (IATF) na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para mag-imbestiga sa PhilHealth mess na madaliin ang kanilang ginagawang imbestigasyon at agad irekomenda ang preventive suspension upang sampahan ng kaukulang kaso ang mga dati at aktibong opisyal ng ahensiya na sangkot sa katiwalian. Ipinaalala ni Go, ang rekomendasyon ng Senado sa pamamagitan …
Read More »Cebu Pac flexible booking option pinalawig ng 2-taon travel fund at unli-rebooking (Hanggang 31 Disyembre 2020)
PINAHABA ng Cebu Pacific (CEB) ang coverage ng kanilang flexible booking option para sa mga pasaherong bibiyahe hanggang 31 Disyembre 2020. Ani Candice Iyog, CEB VP for Marketing and Customer Experience, patuloy silang nakikinig sa kanilang mga pasahero upang patuloy din nilang mapaganda ang kanilang serbisyo at matugunan ang mga pangangailangan ng ‘everyjuan.’ Kaugnay nito, minabuti ng CEB na pahabain …
Read More »Red-tagging ni Parlade sa media supot – NUJP (Kayabangan lang pero walang ebidensiya)
WALANG kaduda-dudang mabibigo si Southern Luzon Command (Solcom) commander at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., sa layuning takutin ang media sa pamamagitan ng red-tagging sa mga mamamahayag. Tiniyak ito ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kasunod ng akusasyon ni Parlade na na-infiltrate na ng mga rebeldeng …
Read More »Bantay Bayan sa Tarlac pinagkalooban ng ayuda
KATUWANG ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa ilalim ng programang Assistance in Crisis Situation (AICS), binigyang ayuda ng pamahalaang lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang unang batch ng mga Bantay Bayan sa 17 barangay na kabilang sa kabuuang 76 barangay ng siyudad, sa lalawigan ng Tarlac. Ayon kay Mayora Angeles, napakahalaga ang ginagampanang …
Read More »Pampanga ninja cop inilipat sa Angeles City
PINAYAGAN ng Senate Blue Ribbon Committee na ilipat sa Angeles City Jail ang sinabing leader ng Pampanga ‘ninja cops’ dahil sa humanitarian considerations. Sinabi ni Senator Richard Gordon na kasalukuyang nasa mapanganib na lugar si Police Maj. Rodney Raymundo Baloyo IV. May malalakas na tao raw kasi ang maaari niyang makalaban sa kinaroroonan. Bukod rito ay diabetic umano si Baloyo …
Read More »Sapat na pondo para sa cancer control ipinangako
IPINANGAKO ni House Speaker Lord Allan Velasco na magkakaroon ng sapat na pondo sa Republic Act 11215 or the National Integrated Cancer Control (NICC) Act of 2019 upang puksain ang nakatatakot na sakit ng cancer sa bansa sa ilalim ng panukalang P4.506-trilyong budget para sa 2021. “The importance of this law and its full implementation cannot be overstated. We have …
Read More »Bagong money laundering pinangangambahan ni Marcos
PINANGANGAMBAHAN ni Senador Imee Marcos na magamit sa pinakabagong modus ng money laundering ang mga personal protective equipment (PPE), testing kits, disinfectants, respirators, surgical tools at inaasahang bakuna kontra CoVid-19. Paliwanag ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, dahil sa kagyat at mataas na demand sa buong mundo ng medical supplies at mga equipment kontra sa pandemya, maluwag …
Read More »P56.9-B para sa Bayanihan 2 pinalarga na ng Palasyo
BINIGYAN ng go signal ng Palasyo ang paglalabas ng P56.9 bilyon mula sa sa Bayanihan 2 law para ipantustos sa mga programa kontra-CoVid-19 ng mga ahensiya ng pamahalaan. Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangyarihan si Budget Secretary Wendel Avisado para aprobahan ang hinihiling na Bayanihan 2 funds ng mga ahensiya ng pamahalaan …
Read More »16-anyos dalagita niluray ng tanggerong katagay
SA LABIS na pagtitiwala sa mga kaibigan, isang dalagita ang nagahasa ng isa sa kanyang mga kaibigan matapos malasing sa isang inuman sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 27 Oktubre. Sa ulat na ipinadala ng Meycauayan City Police Station (CPS) kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kinilala ang suspek sa panggagahasa na si Stanley Aquino, …
Read More »Paghahati sa bulacan sa 6 distrito, aprubado na
Pumasa na sa Senate Committee on Local Government ang panukalang batas gawing anima ng legislative districts ng lalawigan ng Bulacan. Batay sa House Bill 6867 na sinang-ayunan ng limang kinatawan ng Bulacan, mula sa kasalukuyang apat na distrito ay hahatiiin na sa anim na distrito ang lalawigan. Lumagda bilang co-authors ang limang kinatawan na sina Reps. Jose Antonio Sy-Alvarado, Gavini …
Read More »2 gun runner, todas sa enkuwentro sa Rizal (Pinagbentahan ng armas nagkalat)
PATAY sa enkuwentro ang dalawang hinihinalang ‘gun runner’ habang nagkalat ang libo-libong perang pinaniniwalaang pinagbentahan ng armas, nang magkabarilan nitong Miyerkoles ng madaling araw, 28 Oktubre, sa Sitio Kawayan Farm, sa bayan ng Pililla, lalawigan ng Rizal. Kinilala ni P/Maj. Joel Custodio hepe ng pulisya ang isa sa namatay base sa identification card na nakuha sa kaniyang katawan, na si …
Read More »Sa Catanduanes 3 nawawalang mangingisda natagpuang patay
NATAGPUANG wala nang buhay ang tatlo sa mga mangingisdang naiulat na nawawala sa kasagsagan ng bagyong Quinta, sa dalampasigan ng Barangay Cagdarao, sa bayan ng Panganiban, lalawigan ng Catanduanes, nitong Miyerkoles, 28 Oktubre. Ayon kay Reggie Castro, hepe ng Panganiban Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), natagpuan ang mga katawan nina Francis Bañez, 47; Dante Potenciano, 43; at …
Read More »2 tulak timbog sa P.6-M shabu
BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng droga matapos makuhaan ng mahigit sa P.6 milyong halaga ng shabu makaraang masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na sina Michael Manalaysay, 41 anyos, residente sa M. Domingo St.. Barangay Tangos North …
Read More »Convenience Store Sarado (Sa pagsuway sa “No QR Code No Entry policy”)
IPINASARA ng City Business Inspection and Audit Team (CBIAT) ng Valenzuela ang isang convenience store dahil sa hindi pagsunod sa No QR Code No Entry kaugnay ng paggamit ng contract tracing application ng lungsod. Kinandadohan ng mga kawani ng CBIAT ang Alfamart sa La Mesa, Ugong dahil sa hindi pagsunod sa itinakdang paggamit ng ValTrace app. Ayon kay Mayor Rex …
Read More »Sa Pasay City 150 katao sa public cemetery & crematorium ipinaalala
PINAALALAHANAN ng Pasay city government ang mga nais dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay na 150 katao lamang ang pinapayang pumasok sa Pasay Public Cemetery and Crematorium. Habang sa Sta. Clara de Montefalco cemetery ay 50 lamang ang maaaring pumasok nang sabay-sabay. Layon nito na mapanatili ang health protocols sa loob ng mga nabanggit na sementeryo. Nagpaalala rin …
Read More »Parañaque LGU pinuri ng DOH
IKINATUWA ng Department of Health (DOH) ang walang tigil na kampanya ng Parañaque city government sa pagtugon sa CoVid-19 kasunod ng malaking pagbaba ng aktibong kaso ng virus sa lungsod. Ito’y matapos bumagsak sa 94 ang active cases ng CoVid-9 nitong nakalipas na mga araw. Sinabi ni Dr. Corazon L. Flores, hepe ng Metro Manila-Center for Health Development, nagampanan ni …
Read More »Oplan Bura Tatak inilunsad sa Bilibid
INILUNSAD ng Bureau of Corrections (BuCor) ang Oplan Bura Tatak sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Sabay rin ang ginawang bura tatak sa persons deprived of liberty (PDL) sa iba’t ibang penal colony na nasa ilalim ng Bureau of Corrections. Inupahan ng BuCor ang mga tattoo artist upang tumulong sa Oplan Bura Tatak. Gamit …
Read More »PNP-CIDG inalerto vs ‘con-artists’ na gumagamit sa DILG
INALERTO ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at mga local government executives laban sa panibagong sindikato ng mga extortionist at con-men. Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, marami silang natatanggap na report mula sa DILG regional at field offices at mga LGUs na nakatanggap sila …
Read More »‘Cashless transactions’ sa tollgates, ipatutupad sa 1 Disyembre
UPANG bigyan ng mas mahabang panahon para makapagpakabit ng radio frequency identification (RFID) stickers sa kanilang mga sasakyan, iniurong ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng ‘cashless payment’ sa lahat ng expressway sa bansa. Ayon kay DOTr Asst. Sec. Mark Steven Pastor, imbes sa 2 Nobyembre, ay iniatras nila sa 1 Disyembre ang pagpagpapatupad ng cashless transactions sa tollgate …
Read More »38 katao, mga bata, ‘nalason’ sa Aurora (Sirang gata ng niyog naihalo sa sorbetes)
ISINUGOD ang may 38 katao, kabilang ang ilang mga bata, sa Casiguran District Hospital sa lalawigan ng Aurora matapos magpakita ng mga sintomas ng pagkalason. Ayon sa isang inang si Julie Ann Jandok, nahihilo ang kaniyang anak, nanghihina, namumutla at nagsusuka kaya dinala niya sa pagamutan. Pagdating sa Casiguran District Hospital, nalaman niyang 37 iba pang pasyente ang nagpakita ng …
Read More »Welder arestado (Pagnanakaw nakunan ng CCTV)
SA TULONG ng closed circuit television (CCTV) camera, arestado ang isang welder matapos makunan ang ginawa nitong pagpasok at pagnanakaw sa bahay ng kanyang kapitbahay sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Marcial Demata, 36 anyos, residente sa 2/F ng Bernabela Realty Residence sa Blk 1 Lot 12 Pampano St., Baranagy …
Read More »Sa pananalasa ng bagyong Quinta: P2.1-B pinsala sa agrikultura ‘State of Calamity’ idineklara sa Oriental Mindoro
DAHIL sa pinsalang dinanas ng lalawigan dahil sa bagyong Quinta, idineklara ng pamahalaan panlalawigan ng Oriental Mindoro ang ‘state of calamity.’ Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, tinatayang umabot sa P2.1 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa bagyo. Naitala rin ng lalawigan ang mahigit sa 5,000 nawasak at 27,000 napinsalang kabahayan. Dagdag ni Dolor, higit sa P20 milyong …
Read More »