Sunday , December 21 2025

Classic Layout

Mga kontraktor sinusuba nga ba ng Parañaque LGU?

NOONG una ‘e pinagdududahan natin ang mga reklamong natatanggap natin sa text, sa email at phone call. Pero nang ilang kontraktor na ang nakakausap natin at pirmis ang kanilang pagsusumbong na sila ay hindi nakasisingil sa Parañaque local government ‘e wala nang dahilan para hindi natin sila paniwalaan. Ang una nilang reklamo, ang dami nilang pinagdaraanan bago makakuha ng project …

Read More »

Malaki ang problema ng partido ni PNoy sa 2016

KUNG si PNoy ay naluklok sa Malakanyang dahil sa sympathy vote sa pagkamatay ng kanyang ina, dating Presidente Cory Aquino, noong 2010, mukhang symphaty vote rin ang magbabagsak sa partido niya sa 2016. At nanganganib siyang mangyari sa kanya ang ginawa niya kay ex-Pres. Gloria M. Arroyo. Sa takbo ng pangyayari ngayon, matapos ang karumal-dumal na pagmasaker sa 44 PNP-SAF …

Read More »

Kaso vs SAF killers ihanda na (Utos ni PNoy sa DoJ)

MAKARAAN umani ng kaliwa’t kanang batikos, iniutos na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagsasampa ng kaso laban sa mga rebelde na sangkot sa sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Ayon kay Department of Interior and Local Government Sec. Mar Roxas, iniutos mismo ni Pangulong Aquino kay Justice Sec. Leila De …

Read More »

Bulok na trapo si Bongbong?

SANA hindi na nagsasalita ang mga Marcos tungkol doon sa mga street people na dinala sa Batangas, kasi baka nakakalimutan ni Bongbong na noong panahon ng tatay niya, tuwing may darating na bisita, pinalalagyan ng pader ng nanay niya ang lugar ng mahihirap, gaya sa Paco at Pandacan sa Quirino Highway, lalo na roon sa Parañaque at Pasay na malapit …

Read More »

US ‘di sangkot sa Mamasapano OPS – Palasyo

ITINANGGI ng Malacañang na sangkot ang Amerika sa operasyon ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Giit ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang katotohanan ang impormasyon na may kinalaman ang US at hindi humingi ng tulong ang Filipinas sa ibang bansa sa pagpaplano at pagsasakatuparan  ng  operasyon laban sa Malaysian bomb maker na si Zulkifli “Marwan” …

Read More »

Psychopath ba si B.S. Aquino?

MARAMI sa mga kababayan natin ang demora-lisado sa pang-iisnab ni Pangulong Benigno Si-meon Aquino nitong nagdaang Miyerkoles sa Villamor Air Base nang dumating ang katawan ng 42 bayaning pulis na pinagmalupitan at minasa-ker ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsa-moro Islamic Freedom Fighters sa Maguindanao kamakailan. Hindi natin akalain ang kawalan ng pakikiisa ni B.S. Aquino sa bayang nagluluksa. Marami …

Read More »

5-anyos paslit napatay sa OPS sa Mamasapano

KINONDENA ng isang child rights group ang sinasabing pagtatakip ng administrasyon sa pagkamatay ng isang 5-anyos batang babae sa sagupaan ng PNP Special Action Force (SAF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao. Isiniwalat ng Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, lumabas sa imbestigasyon ng Suara Bangsamoro na napaslang si Sarah Panangulon makaraan paulanan ng bala ng SAF ang …

Read More »

BBL dapat isantabi muna – Lim

NANINIWALA si dating  Manila Mayor Alfredo Lim na dapat munang isantabi ng administrasyong Aquino ang pagsusumikap na maipasa ang Bangsamoro Basic Law hangga’t hindi nadadakip at nasasampahan ng kaso ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na lumahok sa madugong enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao. Ayon sa dating alkalde na retiradong police general, …

Read More »

Internet café owner itinumba

AGAD binawian ng buhay ang isang may-ari ng internet cafe makaraan barilin sa ulo ng isang lalaking kanyang nakatalo sa loob ng kanyang shop sa Sitio El Pueblo, Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Frederick Geronimo, 39, residente Sitio El Pueblo, Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan. Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nasa loob ng …

Read More »

Pahinante nadaganan ng 20 foot container sa pier

PATAY ang isang 20-anyos pahinante nang madaganan ng 20-foot container  habang idinidiskarga ng isang forklift operator sa Pier 8, North Harbor, Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang si Emeterio Beto y Tulalian, residente ng Permanent Housing, Balut, Tondo. Kusang sumuko ang suspek na forklift operator na kinilalang si Sonny de Pedro y Igos, 43, residente ng San Jose Del Monte, …

Read More »