Sunday , December 14 2025

Talamak na droga sa Dasmariñas, Cavite dapat nang tuldukan!

MUKHANG dapat nang mag-tandem ang mag-asawang Mayora Jenny Barzaga at Representative Elpidio “Pidi” Barzaga para labanan ang lumalalang pagkalat ng illegal na droga sa kanilang bayan, Dasmariñas, Cavite. Mismong ang 39-anyos na apo na ni Congressman Barzaga kasama ang apat na iba pa ang natimbog ng mga awtoridad habang nagpa-pot session sa isang bahay sa Dasmariñas, Cavite. Lima katao, nahulihan …

Read More »

‘Fixers’ sa Bistek Ville sa QC?

ANO ba itong sinasabing Bistek Ville sa Quezon City? Isa po itong pabahay sa mga mamamayan ng Quezon City. Proyekto ito ng Ama ng Lungsod na si Mayor Herbert “Bistek” Bautista. Pabahay – low cost housing para sa mga idinemolis na bahay sa squatters area sa lungsod. Ayos pala ang proyektong ito ha. Magkakabahay na ang mga masasabing walang tirahan …

Read More »

Starlet with no manners

AKALA natin, arte lang ‘yung mga kabalahuraang  ipinakikita ng starlet na si RR Enriquez sa isang comedy show sa telebisyon. ‘Yun bang kabalahuraan gaya ng pambu-bully o ginagawang katatawanan ang isang tao gaya ng ginawa nila sa isang pasahero ng FX UV Express at kanilan pang i-post sa kanyang facebook at instagram. Ayon mismo kay RR, ini-post lang niya dahil …

Read More »

Advice ‘di order ang ibinigay ko — Purisima

NILINAW ni dating PNP Chief Alan Purisima, tanging pagbibigay ng ‘advice’ lamang at hindi orders ang kanyang naging bahagi sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao. Sa kanyang pagharap sa Senate Public Order Committee hearing, dumistansya si Purisima sa kontrobersya sa nasabing operasyon na ikinamatay ng 44 SAF commandos sa pagsasabing “during my preventive suspension, I did not give any orders …

Read More »

‘Taklesa’

HANGGA’T binabatikos si President Aquino ay handa naman umano siyang ipagtanggol ng kanyang bunsong kapatid, ang aktres at TV host na si Kris Aquino. Tulad ng matalik niyang kaibigan, ang nagbitiw na Philippine National Police Chief, Director General Alan Purisima, nasa sentro ng kontrobersiya ang Pangulo bilang Commander-in-Chief bunga ng pagkasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF). …

Read More »

Lihim na kantiyaw kay Sevilla mula sa mga naka- floating

LIHIM na kinakantiyawan si Customs Commissioner John Sevilla ng mga “floating” na district/port collector sa administration niya. Ito ay sa dahilang bagsak din ang kanyang revenue collection sa 2014 ng P42 bilyon laban  sa target na P406 bilyon. Siyempre may mga alibi si Sevilla na tila ang trato niya sa mga professional na district/port collector, they have outlived their usefulness …

Read More »

Koreana utas sa 2 holdaper sa coffee shop

PATAY noon din ang isang Koreana makaraang barilin ng isa sa dalawang holdaper sa loob ng isang coffee shop sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kahapon. Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Mi Kyung Park, 40, residente ng Eastwood Regrant Tower, Brgy. Bagumbayan ng lungsod. Sa imbestigasyon, dakong …

Read More »

Bulgarian nat’l itinumba sa bus terminal

PINAGBABARIL hanggang mapatay ng hindi nakilalang kalalakihan ang isang babaeng Bulgarian national habang papasakay ng bus sa terminal sa Bypass Road, Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Lina Vasileva-Hristova, 65, naninirahan sa Marian Subdivision, Brgy. Poblacion, sa naturang bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, kabababa lamang sa tricycle ng biktima kasama ang kaibigang si Jhoana Durana …

Read More »

2 nakipaglamay paglalamayan na rin (Tepok sa ligaw na bala)

PATAY ang 50-anyos lalaki at 3-anyos batang babae na sinasabing tinamaan ng ligaw na bala habang nasa lamayan sa Taguig City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Pasig Medical City ang mga biktimang sina Lino Buenaflor, 50, at Xyriel Andal, 3, ng Kalayaan St., Brgy. Ususan, Taguig City . Ang dalawa ay tinamaan ng bala mula sa …

Read More »

Epileptic tigok sa atake habang ‘high’ sa solvent

NANGISAY ang isang epileptic makaraan tumama ang ulo sa bumper ng isang sasakyan nang atakehin ng kanyang sakit habang sumisinghot ng solvent kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Ang hindi pa nakikilalang biktima ay tinatayang 25 hanggang 30-anyos, 5’3 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng T-shirt na puti at walang sa-pin sa paa. Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo, dakong …

Read More »

Kabataan inaanyayahan sa araw ng Balagtas 2015

TINATAWAGAN ang mga kabataan na aktibong makilahok sa Araw ni Balagtas 2015. Ito ay pagdiriwang ng ika-227 anibersaryo ng kaarawan ng bayaning makata na si Francisco “Balagtas” Baltazar sa Abril 2, 2015 na may temang “Si Balagtas at ang Kabataan.” Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang mga aktibidad na mangyayari sa pook na malapít sa puso ni Balagtas, …

Read More »

Kawal ng SAF sa Cebu pinarangalan ni Roxas bilang mga bago bayani

NAGSADYA si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa Cebu nitong Sabado upang dalawin ang pamilya nina PO1 Romeo Cempron at PO1 Windel Candano na kabilang sa 44 kasapi ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP – SAF) na namatay sa Mamasapano, Maguindanao. Pinayuhan ni Roxas ang asawa ni Candano na si Michelle na ilaan ang panahon …

Read More »

Estudyante kritikal sa kuyog ng mag-utol (Seksing ka-table pinag-agawan)

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 20-anyos  estudyante makaraan bugbugin at saksakin ng magkapatid at isa pang lalaki dahil sa selos sa ka-table na babae  sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Tondo Medical Center  ang biktimang si John Patrick Sy, ng 2 Dela Cruz, St., Brgy. Tinajeros, Malabon City. Agad naaresto ang magkapatid na suspek kinilalang sina Dennis, …

Read More »

Bebot binoga sa mukha

PATAY ang isang 27-anyos babae makaraan pasukin at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Diana Rose Lapiza, ng 50 Packweld Village, Brgy. Marulas ng nasabing lungsod. Isang alyas Bob at sinasabing tulak ng droga sa lugar ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad na mabilis na tumakas makaraan isagawa …

Read More »

Marwan nagplano ng Papal bombing  (Ayon kay Napeñas)

KINOMPIRMA nang sinibak na Special Action Force (SAF) chief na si Chief Supt. Getulio Pascual-Napeñas, si Marwan ang nasa likod ng planong pagpapasabog ng bomba sa convoy ni Pope Francis nang bumisita sa Filipinas noong Enero 15-19, 2015. Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Napeñas, nakatanggap sila ng intelligence report na may mga tauhan si Marwan na maglulunsad ng bombing …

Read More »