rr maierhoeferAKALA natin, arte lang ‘yung mga kabalahuraang  ipinakikita ng starlet na si RR Enriquez sa isang comedy show sa telebisyon.

‘Yun bang kabalahuraan gaya ng pambu-bully o ginagawang katatawanan ang isang tao gaya ng ginawa nila sa isang pasahero ng FX UV Express at kanilan pang i-post sa kanyang facebook at instagram.

Ayon mismo kay RR, ini-post lang niya dahil gusto niyang magpatawa.

Gawin ba namang katatawanan ang isang taong naghahanap ng tulog mula sa maghapong pagod sa pagtatrabaho?!

Nalimutan yata ni RR ang kasabihang — magbiro sa lasing, huwag lang sa bagong gising?!

Hay naku RR, marami nang tumimbuwang dahil sa pagbibiro sa mga bagong gising.

Buti ikaw at ang kasama mong isa pang balahura ay na-bash lang sa social networking site, ‘yung iba D-O-S talaga as in dead-on-the-spot.

Nag-sorry naman si RR at inamin naman niya ang kanyang pagkakamali sana’y ay tanggapin na ito ng kanyang mga basher.

Sana’y magsilbing aral na ito sa kanya at sa iba pa na mahilig gumawa ng ganitong klaseng pambu-bully.

Sabi nga, “some people can buy their own cars… but class can never be bought and breeding is never for sale.”