Tuesday , January 13 2026

Entertainment

Matinee idol umungol lang sa kama ang alam

Blind Item, Mystery Man in Bed

ni Ed de Leon MAY bago na palang ka-fling ang dating matinee idol na hindi na sikat. Ito iyong gay politician na sira ang ngipin at dating nakarelasyon din ng isang male bold star na gumawa ng porno sa DVD. Noon hindi niya pinapansin ang gay politician. Marami  siyang pintas dahil sira raw ang ngipin. Eh noong iwanan na siya ng gay politician na malaki ang tiyan, …

Read More »

Kawalang suporta ni DJ Mo sa anak ni Bunny ‘di na bago

Bunny Paras Moira Mo Twister

HINDI na bago iyong kuwentong walang suportang ibinibigay si Mohan Gumatay, o DJ Mo, sa naging anak nila ni Bunny Paras na si Moira kahit na noong may sakit iyon at nasa malubhang kalagayan. Hindi ba may panahon pa ngang may inilabas na video ang isang tv talk show na nagpunta si Bunny sa tinitirahan ni DJ Mo sa US, pero ni hindi siya hinarap? Kaya …

Read More »

Ai Ai ‘di lumevel sa ‘kamoteng’ parinig ni Audie 

Aiai delas Alas Audie Gemora Pokwang

HATAWANni Ed de Leon MARAMI ang nagsasabing politically motivated ang statement ng stage actor at director na si Audie Gemora  nang sabihin niyang sa tingin niya mas magaling na komedyante si Pokwang kaysa kay Aiai delas Alas. Lumabas ang comment ng stage director matapos aminin ni Aiai kung sinong presidentiable ang kanyang iboboto, na kalaban naman ng tuwirang ineendoso ng director at ni Pokwang. Simple …

Read More »

Iza kay VP Leni — Tunay na lider, maaasahan may kalamidad man o wala

Iza Calzado Leni Robredo

PINURI  ni Iza Calzado si Vice President Leni Robredo dahil lagi itong naririyan para sa mga Filipino lalo na sa panahon ng krisis.Ayon kay Iza, dapat piliin ng mga Filipino sa darating na halalan sa Mayo ang lider na gaya ni VP Leni kaysa iba na palaging wala tuwing may kalamidad.Anang aktres na siyang gaganap na unang Darna sa nalalapit na Darna series, “Kanino ba dapat ipasa …

Read More »

Marc Cubales, masayang maging bahagi ng benefit show na Covid Out, Ate Gay In

Marc Cubales Ate Gay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KILALA sa pagiging pilantropo si Marc Cubales, kaya swak na swak siya sa benefit show na Covid Out, Ate Gay In na tinatampukan ng talented at super-kuwelang komedyanteng si Ate Gay. Ang show ay mula sa TEAM (The Entertainment Arts & Media) at pamamahalaan ni Direk Obette Serrano. Ito ay gaganapin sa Thursday, April 28, 8pm sa Music …

Read More »

Sheree, dream maging director at idirek si Piolo Pascual!

Sheree Piolo Pascual

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang napaka-seksing si Sheree dahil dahil tuloy-tuoy ang ibinibigay sa kanyang projects ng Viva. Nakangiting saad niya, “Happy po ako na tuloy-tuloy ang mga project ko sa Viva. After nitong Island of Desire, starring Christine Bermas, marami pang naka-line-up na projects. “Like, kasama po ako sa guest on Flower of Evil, na siyang bagong …

Read More »

Calista handang-handa na sa Vaxx-To-Normal Concert

Calista Feat

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MATAPOS ang matagumpay na media launch ng Calista noong Marso 8, 2022, at performance sa Philippines’ first-ever P-Pop Convention, noong Abril 9-10, tutok naman ngayon ang Calista, ang hottest girl group ng bansa, sa kanilang Vaxx to Normal concert, sa Abril 26 sa Araneta Coliseum. Ayon sa kanilang manager na si Tyronne Escalante, “Calista is training for 12 hours, 8:00 a.m.-8:00 p.m.—workshops, voice lessons, dance …

Read More »

Bela Padilla nakabibilib, malalim na direktor  

Bela Padilla Zanjoe Marudo JC Santos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PASADONG-PASADO ang unang directorial job ni Bela Padilla. Naipakita niya ang talento at husay sa pagdidirehe sa 366 ng Viva Films na mapapanood na sa Vivamax sa Abril 22.  Kahanga-hanga si Bela na napagsabay niya ang pag-arte at pagdidirehe. Idagdag pa na siya ang nagsulat ng kuwento nito. Leading man niya sa 366 sina JC Santos at Zanjoe Marudo.   Isa kami sa nagkaroon ng pagkakataong mapanood ang 366 via …

Read More »

John Nite, Sephy, at DJ Janna Chu Chu na-enjoy ang Rancho Bravo

John Nite DJ Janna Chu Chu Sephy Francisco

MATABILni John Fontanilla NAG-HOLY WEEK sina John nite, Barangay LSFM DJ Janna Chu Chu, at singer na si Sephy Francisco sa napakagandang Rancho Bravo Natural Farming sa Teresa, Rizal nina Pete and Cecille Bravo. Kasama nilang nagbakasyon siang ilang miyembro ng Ka-fam na sina Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon, Ninang Erlinda Sanchez, Ninong Benjamin Rosario Montenegro with Xiantel, Tita Marita and Tito Dan, Tita Theng Corbe, Christian Corbe, Arwyn Rodrigo at ang buong pamilya nina …

Read More »

Sharon-Regine bet magsama sa talk show — Isama pa natin si Juday!

Regine Velasquez Judy Anne Santos Sharon Cuneta

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWA pa lang kaming naghahain ng tanong kay Sharon Cuneta, para na kaming nag-talk show sa mga sagot niya na naghahalinhinan pa sila ni Regine Velasquez sa kanilang mga kuwento. Magkasama ang dalawa sa presscon para sa muli nilang pagsalang ng live sa entablado sa June 17 and 18, 2022, this time sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel sa Newport City. …

Read More »

Pia nilait-lait sa pagbandera ng ibinotong pangulo

Pia Wurtzbach

MATABILni John Fontanilla NAKATIKIM ng panlalait ang 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach nang i-post nito sa kanyang social media accounts kung sino ang ibinoto niya sa pagka-pangulo ng Pilipinas. Ibinoto ni Pia bilang pangulo si Vice President Leni Robredo bilang overseas absentee voter sa UAE. Nagsimula ang Overseas Absentee Voting noong April 10 at matatapos sa May 9. Post ni Pia sa kanyang Instagram, “Today, I am even …

Read More »

Pagbabalik-Kapuso ni Rufa Mae suportado ng asawa

Rufa Mae Quinto GMA

RATED Rni Rommel Gonzales MULING kagigiliwan ng viewers ang mga sikat na linyang, “Todo na ‘to!” at “Go, go, go!” sa pagbabalik-Kapuso ni Rufa Mae Quinto, na isa na ngayong Sparkle star. Nagulat din mismo si Rufa Mae sa bilis ng mga pangyayari na isa na siyang Sparkle star. Ayon kay Rufa, matapos lamang ang ilang pag-uusap sa talent arm ng Kapuso Network, mayroon na agad siyang …

Read More »

MUP 2022 coronation mapapanood sa GMA

Miss Universe Philippines 2022

RATED Rni Rommel Gonzales SA mga hindi makakapanood ng coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 sa April 30, walang problema dahil mapapanood ito sa GMA-7 sa May 1. Ayon sa MUPH Organization, ipalalabas sa GMA-7 ang koronasyon sa May 1,  9:00 a.m.-12:00 pm.. Magaganap ang pagpapasa ni reigning queen Beatrice Luigi Gomez ng korona sa SM Mall of Asia Arena. Si Miss Universe queens Pia Wurtzbach kasama sina Iris Mittenaere at Demi-Leigh Tebow ang magiging …

Read More »

Sanya at star player ng Blazers nagkita

Sanya Lopez AJ Benson Maxine Medina

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKITA at nagkakilala nang personal sa unang pagkakataon sina Sanya Lopez at star player ng De La Salle-College of Saint Benilde na si AJ Benson sa Game On-Sports Studio of Champions. Sa panayam, ikinuwento nina Sanya at Maxine Medina (na parehong nasa First Lady ng GMA), alumna ng De La Salle-College of Saint Benilde, ang panonood nila ng laban ng Mapua Cardinals at College of Saint …

Read More »

Marissa Sanchez ipinagdasal si Ping Lacson

Marissa Sanchez Ping Lacson Tito Sotto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IKINAGULAT ng netizens ang paglantad ni Marissa Sanchez ukol sa sinusuportahan niyang pangulo sa darating na eleksiyon. Inihayag ng singer/aktres ang buong suporta niya kay Ping Lacson na tumatakbong pangulo kasama si Tito Sotto bilang ikalawang pangulo sa darating na halalan sa Mayo.  Sa isang campain rally kamakailan ng Ping-Tito tandem, biglang inihayag ni Marissa ang suporta niya kay Lacson. Ipinaliwanag …

Read More »

McCoy kinarir ang pagpapabuti ng kanilang buhay ni Elisse 

McCoy de Leon Elisse Joson McLisse

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA namin ng personal si McCoy de Leon. Alam namin ang kabutihan ng kanyang puso at alam namin kung gaano ka-importante sa kanya ang pamilya. Kaya hindi na kami nagtaka nang sabihin ni Elisse Joson ang pagkarir ng aktor sa kung ano-ano ang pwedeng gawin para mas mapabuti pa ang kanilang buhay lalo’t may anak na sila, si Baby …

Read More »

Xian Lim to Kim Chiu: I love you and I’m crazy about you

Kim Chiu Xian Lim

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga ISINAPUBLIKO ni Xian Lim sa pamamagitan ng Instagram post ang kanyang pagmamahal at paghanga sa minamahal niyang girlfriend na si Kim Chiu kasabay ng pagbati sa kaarawan nito noong April 19. Ipinost ni Xian ang pictures ng sweet moments nila ni Kim kasama ang caption na, “To my person that makes my heart beat faster and slower at the same time. To …

Read More »

Kim Chiu naiyak sa birthday message ni VP Leni

Leni Robredo Kim Chiu

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga HINDI makapaniwala si Kim Chiu at inaming naiyak siya sa natanggap na video greetings para sa kanyang 32nd birthday nitong April 19 mula kay Vice President Leni Robredo, na tumatakbong Pangulo sa darating na halalan sa Mayo. Ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram ang video message ni VP Leni. “Kim, happy happy birthday! Magkasunod pala ang birthday natin. But I want …

Read More »

Direk Joel kay Sean — Magkakaroon siya ng award sa pelikula ko

Sean de Guzman Joel Lamangan

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS magbida sa Anak ng Macho Dancer, magbibida muli si Sean de Guzman sa isang social crime drama movie na may woking title na Fall Guy na si Direk Joel Lamangan din ang magdidirehe. Ang Fall Guy ay istorya ng isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay isinulat ni Troy Espiritu, ipinrodyus nina Len …

Read More »

Holy Week vacation nina Ice at Liza ‘nasira’

Liza Diño Ice Seguerra

HARD TALKni Pilar Mateo BIYERNES Santong Biyernes Santo, umariba sa aming Facebook ang posts nina Film Development Council of the Philippines (FDCP)Chairman Liza Diño Seguerra at mister nitong si Ice Seguerra ang reklamo sa ginawa sa kanila ng John’s Hammock Vacation House sa Tagaytay. Say ni Ice, “Imagine being so excited dahil finally, makakapag-bakasyon ka na kasama nang buong pamilya mo tapos pagdating mo roon sa kung saan kayo …

Read More »

Kaseksihan ni Kim Rodriguez pinanggigilan ng netizens

Kim Rodriguez

MATABILni John Fontanilla PINAINIT ni Kim Rodriguez ang social media nang mag-post ito ng napaka-seksing larawan niya habang nasa beach. Kuha ang larawan sa isang liblib na isla sa Batangas na suot ni Kim ang pulang two piece bikini bra na talaga namang nagpainit sa mga kalalakihang nakakita ng kanyang larawan. Kasama ni Kim na nagbakasyon noong Holy Week ang kanyang mga …

Read More »

17 Sparkada talents inilunsad

Sparkada GMA Sparkle

I-FLEXni Jun Nardo SEVENTEEN new and fresh  talents ang mga bagong batch ng Sparkada (Sparkle GMA Artist Center) ang ilulunsad sa mga susunod na araw ng network. Ilan sa mga ito sina Jeff Moses, Tanya Ramos,  Larkin Castor, Caitly Stave, Dilek Montemayor, Vince Maristela. Vanessa Pena, Saviour Ramos,  Roxi Smith at iba pa. Eh dahil bahagi na si Johnny Manahan ng GMA Artist Center, for sure, nakitaan …

Read More »

Toni trending sa BBM babalik sa Malacanang

Toni Gonzaga Bongbong Marcos

I-FLEXni Jun Nardo TRENDING again ang host-actress na si Toni Gonzaga sa Twitter. May kinalaman ito sa pahayag niya sa Cebu sa rally ng Uniteam. Naglabasan sa social media ang statement ni Toni na, “Konting-konting panahon na lamang at magbabalik na si BBM sa kanyang tahanan – ang Malacanang.” Sari-saring batikos ang komento kay Toni sa Twitter.  Pero si Toni, deadma sa lahat, huh! …

Read More »

Ermita pimp bugaw ng mga male sexy star

Blind Item Corner

ni Ed de Leon MATINDI pala ang raket ngayon ng isang Ermita pimp. Nagbubugaw siya ng mga male sexy star sa mga madatung na bakla, pero hindi lahat iyon ay totoo. Mayroon talaga siyang contact sa iba, pero ginagamit niya pati iyong wala namang nalalaman sa raket niya. Contact din daw niya ang isang “talent manager “ng mga baguhang bagets model na inirereto nila …

Read More »

Bagong serye ng KathNiel acid test sa kanilang tambalan

Kathryn Bernardo Daniel Padilla 2 Good 2 Be True Kathniel

HATAWANni Ed de Leon ISANG acid test para sa KathNiel (Kathryn Bernado-Daniel Padilla) ang kanilang susunod na serye. Kailangan nating tanggapin na kung minsan sikat man ang artista, kung masasabak sa isang proyektong limitado ang audience, nangangamote rin. Isang magandang example na nga si Daniel na hindi mo pagdududahan ang kasikatan, pero noong nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) nangamote ang kanyang nasamahang indie …

Read More »