Tuesday , July 5 2022
Joseph Marco Herlene Budol Hipon Girl

Joseph Marco bagong leading man ni Hipon Girl sa Puregold’s online series

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA wakas, tuloy na tuloy na ang naudlot na pagpapalabas ng pinagbidahang serye ni Herlene Budol mula Puregold, na ipinrodyus ng award winning filmmaker na si Chris Cahilig at idinirehe ng critically acclaimed na si Victor Villanueva, ang Ang Babae sa Likod ng FaceMask. 

Bubulaga na simula June 11, 2022 ang isang online series na nagtatampok sa isang bagong love team na tiyak magbibigay-kilig at katatawanan, sina Herlene at Joseph Marco.

Ang Ang Babae sa Likod ng Face Mask ay 13-episode romantic comedy na magpapakita sa kakaibang talento ni Herlene sa pag-arte. Makikita rito ang pagiging witty at kakaibang charm niya sa pagganap bilang si Malta. Si Malta na mayroong magandang mata na siyang nakapagpa-ibig at nagustuhan ng karakter ni Joseph, si Sieg.

 “Napaka-exciting na opportunity ang ibinigay ng Puregold sa akin,” ani Herlene. “Gusto ko ipakita sa lahat ng followers at Hiponatic supporters ang kakayahan ko bilang isang leading lady.”

Sinabi ni Herlene na masaya siya na nakatrabaho niya si Marco. “Sobrang lucky ako na kasama ko si Joseph Marco para sa show na ito. Siyempre, you always want to work with the best, kaya ang saya ko talaga noong nalaman ko na si Joseph Marco ang leading man ko. 

Ang exciting talaga,” sambit naman ni Marco. “I’m super honored that Puregold chose me to the leading man for the show. It’s been an absolute joy working with Herlene, and I think the viewers will be able to feel how much fun we had working together through the screen.”

Bagamat first time nagkatrabaho sina Herlene at Marco kita agad ang chemistry ng dalawa. 

“Ang classic ng kuwento,” ani Budol. “Nakakikilig, nakatatawa, lahat ng gusto mo sa isang series, mayroon kami rito.”

 Ang Babae…ang bagong handog ng Puregold’s online series na isang inspirational story mula sa  classic Filipino TV ng past decades. Kaya tiyak na marami ang magbabalik-alaala sa palabas na ito at tiyak marami ang maiinlab. 

“The ever-present face mask is now a symbol of hope and self-love for our lead in this new series. And we hope to entertain a large number of viewers online especially given the Pinoy’s fondness for light, romantic comedies,” ani Puregold marketing manager Ivy Piedad

Kaya asahan ang matawa, maiyak, at kiligin sa  Ang Babae sa Likod ng Face Mask na mapapanood via Stream sa  digital series for free sa YouTube Puregold Channel tuwing Sabado, 6:00 p.m.  June 11, 2022.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Jake Zyrus Charice Pempenco

Jake Zyrus deadma sa ina sa kanyang Transman Journey

MATABILni John Fontanilla PALAISIPAN sa mga netizen ang hindi pagkakabanggit ni Jake Zyrus sa kanyang ina sa …

Geneva Cruz

Geneva sa tumawag ng trying hard— It’s a reflection of how bad you feel about yourself

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Geneva Cruz ang isang netizen na tumawag sa kanya ng …