Thursday , April 18 2024
Benz Sangalang Janelle Tee Denise Esteban Felix Roco

Benz Sangalang, palaban sa hubaran at erotic scenes sa Secrets ng Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NGAYONG June 10 na ang world premiere ng pelikulang Secrets sa Vivamax at super-excited na si Benz Sangalang sa first lead film assignment niya bilang Viva artist.

Pero nadoble ang excitement ng hunk actor nang ibinalita sa kanya ng manager niyang si Jojo Veloso na kilala rin sa tawag na Mudrakels, na sa June 9 ang umpisa ng paggiling ng kamera sa follow-up movie niya na ipinangako sa kanya ni Boss Vic del Rosario. Ito ang Sitio Diablo ni Direk Roman Perez Jr. na pagbibidahan ng kanyang kapatid sa Philmoda na si AJ Raval.

Ang magiging lead actor dito ay si Kiko Estrada.

Halos hindi na makatulog si Benz sa sobrang excitement dahil ultimate dream niya ang mapasali sa mga action film projects ng Cult Director ng Filipinas na si Direk Roman. As a matter of fact, may tinanggihan daw si Benz na project in favor sa proyektong ito.

Ano ang reaction niya na may action film na siyang gagawin sa Vivamax?

“Sa totoo lang, sobrang saya po siyempre dahil kahit paano mapapatunayan ko na versatile actor ako. Na hindi lang sa pagpapa-sexy ako puwede, kundi maging sa action at kontrabida role,” nakangiting pahayag ni Benz.

Itinuturing ng guwapitong aktor na malaking challenge sa career niya ang pelikulang ito.

“Okay lang din naman po sa akin na maging kontrabida, kasi from bida sa Secrets ay magiging kontrabida ako sa Sitio Diablo, challenging po ito para sa akin,” matipid na pahayag pa niya.

Anyway, hinggil sa pelikula nilang Secrets, makikita rito ang madilim na kuwento hinggil sa sexual experimentation at pagnanasa.

Para sa sexy movie na ito, kinuha ang mga young at daring actors na sina Benz, Janelle Tee, at Denise Esteban, na hindi takot ipakita ang lahat para sa kanilang mga role. At ang seasoned actor na si Felix Roco ang kumumpleto sa all-out, no holds barred cast ng pelikula.

Aminado si Benz na pinaghandaan niya ang pelikulang ito, kaya naman proud siyang ipasilip ang kanyang kahubaran dito na pinamahalaan ng premyadong director na si Direk Jose Javier Reyes

Ano ang mga kaabang-abang na pampa-init at erotic scenes sa movie nilang Secerets?

“Ang aabangan po nila rito iyong sikreto ko po, hehehe. Pero hindi ko po masabi talaga, dahil mai-spoil iyong movie, hahaha!”

Nabanggit ni Benz na mag-eenjoy ang mga bading, matrona, at barako sa makikita sa kanilang pelikula.

“For sure po na maraming mag-eenjoy dahil halos palagi kaming nakahubad dito, madami talagang nude scenes na masisilip sila sa movie namin at wild din kasi sila Janelle at Denise dito.”

Paano niya ide-describe ang love scene nila ni Janelle rito?

“Bale, romantic po iyong aming pinaka-bed scene, compare sa ibang Vivamax movies na wild. Pero daring po siya at siyempre ay pampagana sa mga barako ito kapag napanood nila.

“Masasabi ko rin na passionate po ang love scene namin ni Janelle, kumbaga ay may paggalang pero sensual pa rin naman po talaga,” sambit pa ni Benz.

Exciting mapanood kung ano ang magiging resulta ng chemistry ng cast on screen. Kaya humanda na sa deepest at darkest discoveries sa Secrets sa June 10, sa Vivamax.

About Nonie Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Jillian Ward

Serye ni Jillian nakikiangkas sa ratings ng Showtime?

RATED Rni Rommel Gonzales ISA pang fake news ay ‘yung mga kumakalat na kesyo “nakikiangkas” …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

BarDa, Ruca, JulieVer pinababalik sa Canada para muling mag-concert

RATED Rni Rommel Gonzales FAKE news ang mga kumakalat na balitang flop ang Sparkle show tour sa …