Friday , November 22 2024

Bulabugin

‘Transition gov’t’ ng mga paring Katoliko

KAYA siguro nagsusumbong si PNoy kay Pope Francis ‘e…parang pinagtutulungan siya ng mga alagad ng simbahan sa ating bansa. Kumbaga, simbahan na nga lang sana ang pwedeng pagsumbungan ni PNOy, pero hayan at nananawagan at kinokombinsi pa ang ilang sektor na suportahan ang panawagan nilang PNoy resign o transition government?! At sino naman ang ipapalit nila, aber?! ‘Yan ang hirap …

Read More »

Ang mga ‘laro’ sa Parañaque City

AY sori po, hindi ito basketball, chess o kahit anong sports… Ang ‘LARO’ na tinutukoy natin ay ang mga ilegal na sugal gaya ng 137 o jueteng ni Joy Rodriguez at ang lotteng operations nina Willy Kalagayan at Rene Ocampo. Nandiyan din ang saklang patay nina Daku, Boy Vidas at Emeng. E how about video karera, hindi na kailangan itanong …

Read More »

HR Chair Madam Etta Rosales kakaiba ka talaga!

NOONG araw, taon 1984, tuwang-tuwa ako kapag nakikinig ako sa radyo, sa programang “Titser ng Bayan” na ang mga pangunahing anchor ay sina Ms. Loreta “Etta” Rosales at Fidel Fababier. Kapwa sila magagaling na lider ng mga guro.  Kung hindi tayo nagkakamali, kabilang sila sa mga nagtatag ng Alliance of Concerned Teachers o ACT noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand …

Read More »

MPD-PS4 Commander can not be reached daw palagi!?

‘YAN ang isa sa mga reklamo sa Manila Police District(MPD) Sampaloc station 4. Madalas daw kasi na cannot be located sa kanyang opisina sa Sampaloc police station itong si P/Supt. IDLIP ‘este’ MUARIP? Ayon sa source ng Bulabugin sa presinto kuatro, pati raw ang pipirmahang papeles at order ay natatambak muna sa mesa ni Kernel Muarip bago n’ya mapirmahan. Hindi …

Read More »

Building attendant dumanas ng kalupitan sa kamay ng APD

DOBLE dagok ng kamalasan ang sinapit ng pobreng building attendant (BA) na kinilala sa apelyido niyang Bero, sa malupit na mga kamay ng ilang kagawad ng Airport Police Department (APD) na nakatalaga sa Light Reaction Security (LRS). Sa impormasyon na nakalap ng Bulabog boys natin sa NAIA at mula mismo sa bibig ng mga kasamahan ng biktima, ‘kinalawit’ umano ng …

Read More »

PNoy nagkakanlong sa ‘Executive Privilege’ (Sa pagkakapaslang sa Fallen 44)

IT’S the other way around talaga. Imbes ang commander-in-chief ang nagbibigay ng proteksiyon sa kanyang mga tauhan, si PNOY ngayon ang ikinakanlong sa mga palitan ng pahayag nina suspended PNP chief, Dir. Gen. Alan Purisima at PNP-SAF Director, Gen. Getulio Napenas sa nagdaang dalawang pagdinig sa Mataas at Mababang Kapulungan sa Kongreso. Naglabas na ng sama ng loob si PNP …

Read More »

100 co-passengers sa Saudia flight ng nurse na may MERS-CoV hindi pa rin nailo-locate

Nagbabala ang ilang medical authority na maging maingat sa panahong ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa nailo-locate ang mahigit 100 pasahero ng SAUDIA FLIGHT 860 noong Pebrero 1, na kinalulunanan din ng 32-anyos Pinay nurse na natagpuang mayroong Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV). (Siguraduhin po ninyong nakasuot ng surgical mask lalo na kung pupunta sa matataong lugar …

Read More »

Illegal terminal sa Elliptical Road QC namamayagpag pa rin

MAGALING rin talaga magtago ng kailegalan ang isang alyas ULO diyan sa Quezon City Hall. Mantakin ninyong ilang metro lang ang distansiya sa city hall ng Elliptical Road ‘e naitatago pa kina Mayor Herbert “Bistek” Bautista at Madam Joy Belmonte ang mga ilegal na terminal ng mga jeep?! Ang ipinagtataka natin, bakit hinahayaan ang mga ilegal na terminal sa bungad …

Read More »

Bi-Intel agent naka-tongpats sa notorious korean gangster!?

Matapos natin i-expose ang katarantaduhan sa ating bansa ng isang notorious na Koreanong si PATRICK JUNG aka SHI-BAL, may natanggap tayong balita na nagyayabang pa raw ang nasabing Koreano at kailanman ay hindi raw siya kayang takutin sa pamamagitan ng diyaryo at maging ng immigration. Ipinagmamalaki raw ng ungas at mabantot na Koreano na wala raw siyang Immigration violation kaya …

Read More »

Aiai – Richard romantic-comedy concert kanselado na!

ISA tayo sa mga nakahinga nang maluwag, nang mabalitaan natin na maging si Ms. AiAi (delas Alas) ay umatras na rin sa kanilang concert ni Richard Yap. Nang mabalitaan natin ang nasabing concert (Pebrero 12, 8pm, The Theater, Solaire Resort & Casino), binalak din natin manood. Bukod sa magaling na performer talaga si AiAi ‘e personal na rin naman natin …

Read More »

Coach at parent ng ADDU ang unang lumalabag sa mission ng RIFA?!

ANG Rizal Football Association (RIFA) ay kinabibilangan ng mga football team mula sa mga kilalang private schools sa buong bansa. Ang sabi sa kanilang website, ang kanilang mission ay: “To teach cooperation and teamwork, help develop positive social skills and develop respect for others.” Pero sa isang insidenteng inireklamo sa inyong lingkod, hindi natin nakita ang misyon na ito ng …

Read More »

‘Palengke’ hearing sa Kongreso

HINDI nga nagkabisala ang ating haka-haka. Hindi lang naging chopsuey kundi naging palengke pa ang ginagawang imbestigasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kahapon. Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa House investigation. Sumakit lang ang ulo ko! Hindi ko alam kung bakit tila gustong umiyak ni PNP OIC General Leonardo Espina. Gusto ba niyang umiyak nang mga oras na iyon …

Read More »

Re-stamping ng RA-7919 holder, pinagkakaperahan ngayon sa BI

May mga reklamo tayong natanggap tungkol sa  talamak na areglohan at pamemera raw ng ilang tulisan diyan sa registration at re-stamping ng mga foreigners na may ASIO o R.A. 7919. Simula kasi nang pagdiskitahan ni Comm. Fred Mison na ipakalkal ang mga papeles ng mga foreigner na may hawak na ASIO, nabisto raw na napakaraming aberya o ‘tama’ ng mga …

Read More »

Glass wall ng Resorts World Casino Delikado

KAMAKALAWA, tatlo katao ang nasaktan at nasugatan nang mabagsakan ng glass wall habang naglalaro sa silat ‘este slot machine ng Resorts World Casino sa Pasay City. Tatlong babae, dalawa sa kanila ay senior citizen ang nasaktan at nasugatan. Agad nang silang naitakbo sa ospital (suwerte pa po iyon), mabuti naman at hindi malubha ang kanilang kalagayan. Pero ang nakatatakot diyan,  paano …

Read More »

Mala-‘Harem’ na opisina sa Bureau of Immigration Main Office

07NALULUNGKOT tayo sa nangyayari ngayon sa Bureau of Immigration (BI) na parang dumarami ang mga kontrobersiyal na isyung pinag-uusapan tungkol sa tanggapan ng isa sa mataas na opisyal diyan. Marami na umanong BI employees ang nakapapansin doon sa isang tanggapan ng isang mataas na opisyal na pawang piling-piling babaeng empleyada ang inia-assign. Kumbaga, pang-beauty queen ang gusto ni Immigration official …

Read More »

Talamak na droga sa Dasmariñas, Cavite dapat nang tuldukan!

MUKHANG dapat nang mag-tandem ang mag-asawang Mayora Jenny Barzaga at Representative Elpidio “Pidi” Barzaga para labanan ang lumalalang pagkalat ng illegal na droga sa kanilang bayan, Dasmariñas, Cavite. Mismong ang 39-anyos na apo na ni Congressman Barzaga kasama ang apat na iba pa ang natimbog ng mga awtoridad habang nagpa-pot session sa isang bahay sa Dasmariñas, Cavite. Lima katao, nahulihan …

Read More »

Starlet with no manners

AKALA natin, arte lang ‘yung mga kabalahuraang  ipinakikita ng starlet na si RR Enriquez sa isang comedy show sa telebisyon. ‘Yun bang kabalahuraan gaya ng pambu-bully o ginagawang katatawanan ang isang tao gaya ng ginawa nila sa isang pasahero ng FX UV Express at kanilan pang i-post sa kanyang facebook at instagram. Ayon mismo kay RR, ini-post lang niya dahil …

Read More »

Babala: Mag-ingat sa mga nanghaharang na Le Ondell Ent. Sales agents sa mga mall! (Attn: DTI)

MARAMI na po tayong nababalitaan na ganitong malasadong estilo ng pagbebenta sa mga mall ng kung ano-anong klaseng kitchen/appliance items. Ganito ang modus operandi na ang huling nabiktima ay isang kaanak ng Bulabugin. Diyan sa CW Home Depot sa kanto ng Macapagal Blvd., at Senator Gil Puyat (Buendia) Extension naganap ang estilong holdap ng mga sales agent ng Le’ Ondell …

Read More »

Papanagutin ang may kasalanan sa Mamasapano massacre

KAHAPON ng umaga, nagbigay ng pahayag si Mayor Lim sa programa ni Ted Failon, tungkol diyan sa nangyaring massacre sa Maguindanao sa mga pulis. Sabi ni Mayor kahapon ng umaga, sa programa ni Ted Failon, dapat talagang huntingin ‘yang mga sangkot d’yan na MILF at mga lider nito, buhay ng mga pulis ang nawala at dapat na pagbayaran ‘yun, kapag …

Read More »

SILG Mar Roxas The Real Team Player

IN FAIRNESS kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, siya ngayon ang hindi maepal na gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III. Hindi maepal kasi gawa nang gawa lang. At hindi nangangailangan ng praise release. Nakikita natin sa kanya ang kaseryosohan na damayan at kalamayin ang pamilya ng mga napaslang na kagawad ng Philippine National Police – Special Action Force …

Read More »

Dalawang IOs at tatlong CAs sumabit sa pag-iisyu ng mission order

ANO na kaya ang nangyari sa mga kasong kidnapping, extortion at robbery na inihain laban sa limang (5) operatiba ng Bureau of Immigration (BI) na nasangkot sa isang illegal raid sa isang condominium sa Makati City? Umaksiyon na ba si Immigration Commissioner Siegfred Mison laban sa pag-abuso nina immigration officers Steve Parcon, Ma. Irene Arsenia Bello, Faizal Macabuat, Eulalio Padua …

Read More »

Seguridad sa Kalibo Int’l Airport nalulusutan!

NAKAPANGANGAMBA ang mga bagong pangyayari nitong mga nakaraang linggo sa ating mga pangunahing paliparan sa bansa. Kaugnay ito ng SEGURIDAD. Of all issues naman talaga — SECURITY pa. Ngayon pa namang naghahanda ang bansa sa gaganaping Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Iloilo International Convention Center (IICC) sa taon na ito. Ang Kalibo International Airport (KIA) ay isa sa …

Read More »