Wednesday , August 10 2022

Si Boyet del Rosario na ba ang ka-tandem ni Mayor Tony Calixto sa 2016?

calixto del rosarioSA POLITIKA mayroong nagtatagumpay sa kasabihang dinadaig daw ng maagap ang masipag…pero may nasisilat rin, kasi may katapat na kasabihan ‘yan ‘yung — ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.

Hindi natin alam kung narinig o nabasa na ba ang mga kasabihang ito ng isang Boyet Del Rosario d’yan sa Pasay City.

Si Mr. Boyet del Rosario, ay isa sa mga trusted man ni unbeatable Pasay Yorme Tony Calixto at kasalukuyang hepe ng Pasay BPLO.

Walastik!!! Juicy position pala ang hawak ni Yet-bo!?

Anyway, kapansin-pansin kasi ngayon sa Pasay City ang sala-salabat na mukha ‘este tarpaulin ni Boyet Del Rosario na bumabati ng Happy Valentine’s.

E napakasipag palang bumati nitong si Boyet del Rosario. Kung puwede lang niyang lagyan ng tarpaulin ang bahay bahay sa Pasay City, ‘e gagawin niya siguro?

Ang lihim umano ng kasipagan na ito ni Boyet ‘e dahil very confident daw ang mama at very sure siya na siya ang mapipiling vice mayoralty candidate ni Mayor  Antonino “Tony” Calixto.

Hmmnnnn… kaya?!

Knowing Mayor Calixto, hindi siya magdedesisyon nang walang matibay na basehan.

Mas malamang na magpa-survey muna siya kung sino kina incumbent vice mayor Marlon Pesebre, Konsehal Richard Advincula, dating Konsehal Onie Bayona at Boyet Del Rosario ang malapit sa ‘puso’ ng mga Pasayeño at malamang na makasungkit ng malaking boto.

Na kay Mayor Calixto rin ang tagumpay ni Boyet kung didiin sa kanya sa eleksyon 2016.

By the way, napanood kaya ni Mr. Boyet del Rosario ‘yun nag-trending sa social media na retrato ng isang opisyal sa Pasay city hall na pumipinta ng baraha (baccarat) sa Resorts World VIP casino, tatlong taon na ang nakararaan? 

Kaya paalala lang natin kay Mr. Boyet Del Rosario, hinay-hinay lang. Huwag kang magmatulin dahil baka matinik ka nang malalim.

Ano sa tingin ninyo, Mayor Tony Calixto?!

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply