Sunday , August 14 2022

Bi-Intel agent naka-tongpats sa notorious korean gangster!?

112614 betty chua immigrationMatapos natin i-expose ang katarantaduhan sa ating bansa ng isang notorious na Koreanong si PATRICK JUNG aka SHI-BAL, may natanggap tayong balita na nagyayabang pa raw ang nasabing Koreano at kailanman ay hindi raw siya kayang takutin sa pamamagitan ng diyaryo at maging ng immigration.

Ipinagmamalaki raw ng ungas at mabantot na Koreano na wala raw siyang Immigration violation kaya wala raw basis para siya ay arestohin.

Talaga lang ha!?

Para kay Koreanong Patrick topak, hindi pala immigration violation ang maging coddler ka ng PUGANTE gaya ni LEE SANG TE.

E paano naman ‘yung kaso na inabuso niya at sinaktan noon na babae sa isang club diyan sa Roxas Blvd? Pasok na pasok sa pagiging undesirable alien si Patrick Jung aka topak, ‘di ba!?

SOJ Leila de Lima, ‘yang mga ganyang klase ng foreigner sa ating bansa ay patuloy na mang-aabuso kung hindi bibigyan ng leksyon!

E sino naman ba ang ipinagmamalaking konek at tongpats nitong si Patrick Jung diyan sa immigration???

Paglabas daw ng ating unang expose kay Patrick ‘shi-bal’ Jung, dali-dali raw na nag-report ang kanyang ka-tongpats na isang Intel agent sa bureau para sabihin na nabanatan siya sa pahayagan na ito.

Ganyan ka-close ang dalawang pakners-in-crime na ‘yan!

Well, Immigration Commissioner Fred Misua ‘este Mison, I will challenge your intelligence if you can find out who among your men assigned at the BI Intelligence unit is Patrick Jung’s coddler/protector?

At kung wala ‘este mahina talaga ang Intel mo, tawagan o i-text mo lang ako at sasabihin ko sa iyo kung sino ang hinayupak na ‘yan!

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply