Saturday , August 13 2022

Napaiyak ang mga pulis kay OIC PNP Chief Espina

00 pulis joeyPINALAKPAKAN ng mga pulis at maging ng mga ­obsevers sa loob at labas ng session hall  ng House investigation sa Mamasapano “massacre” ang emosyonal na pagsalita ni Officer-in-Charge PNP Chief Leonardo Espina nitong Miyerkoles.

Nagulat din ang lahat nang tumayo si ex-SAF Director Getulio Napenas mula sa kanyang puwesto at naglakad palapit kay Espina para yakapin ang lumuluhang opisyal. Tinapik-tapik din ni Espina sa pisngi si Napenas na napaiyak na rin.

Ang sabi raw ni Napenas kay Espina.  ”Thank you, Sir!”

Sa labas ng session hall, marami ang lumuha sa naging madamdaming pagsasalita ni Espina. Bumilib sila sa huli.

Maging sa mga police station na naka-mo-nitors sa kanilang TV set ay lumuha raw ang mga pulis, nagpalakpakan. Txt sa akin ng mga pulis.

Naging viral sa social media ang pagluha nina Espina at Napenas.

Ang reaksyon ng netizens, karapat-dapat na maging ama ng PNP si Espina. Dahil matindi raw ang malasakit sa kanyang mga pulis.

Si Espina ay magreretiro na sa susunod na limang buwan, July. Hopefully ay permanenteng maitalaga na siya ni PNoy. Hopefully…

Pakinggan natin ang damdamin ng mamamayan:

– Joey, ang tunay pong kapayapaan kung uunahing puksain ang mga MILF, BIFF, Abu Sayyaf at MNLF pati na ang mga private army dahil sila ay bantang mga mamamayan. Ang dapat humawak ng sandata ay ang kawal ng Pilipinas. Kapag napuksa sila, makikita natin ang pagbabago at kapayapaan. – 0946959…

– Morning Sir Joey, avid reader ako ng Police Files. Gusto  ko lang iparating sa lahat ng nag-organize ng BBL na yan na ‘wag na ituloy yan dahil hindi naman peace ang gusto ng  BBL na yan kundi power. Dahil matagal na sanang nangyari yan kung kapayapaan pa ang gusto nila. Kahit ano pa ang gawin ng ating gobyerno sa kanila, manggugulo parin ang mga yan. Hangga’t di nila maangkin ang buong Pilipinas ‘di titigil ang mga  demonyong yan. Ang ginawa nila sa SAF na parang baboy na kinatay nila, mas malala pa mangyari ‘pag maaprub ang BBL na yan… dahil may power na sila eh. Kaya dapat lang na ‘di magpauto ang Presidente natin dyan. – 09081475…

 – Joey, ngayon lang ako nag-text sayo. Ang mga moro, ibig sabihin ng moro mga bandidong Muslim. Ni Koran ng Islam hindi nila iginagalang. Ang alam lang nilang sabihin ‘Allah is the Greatest’ pag pumapatay sila. Kalahi man nila o ibang religion, wala silang sinasanto. Hindi dapat matuloy ang BBL lalong gugulo ang Mindanao. -09753915…

 – Ako’y balik Islam, pare, dating Christian. At ngayon convert to Islam na. Kaya pakinggan at abangan nalang ang pagdinig sa Senado bago tayo maghusga! At para naman sa mga makakati ang dila na nananawagan na giyerahin nalang ang MILF, sila nalang ang magsundalo para masubukan ang tapang nila, di ba pare? Sa lahat ng dumalo sa pagdinig sa Senado (kahapon), si Catapang lang ang may pinakamagandang sinabi. Dahil sabi niya, 490 ang namatay sa gobierno, 1000 sa MILF at 800 inosenteng sibilyan. So, kailangan pa bang dagdagan yun?

 Pikon na sa Malacañang Ginoong Venancio,

Nakakapikon na talaga ang Malacañang sa mga inilalabas na statement! Hindi ko alam kung saan kinukuha ni Lacierda ang mga pinagsasabi niya tungkol sa viral video ng over-kill na SAF Commandos na kagagawan ng mga miyembro ng BIFF at MILF! Napaka-tanga lang… dahil sasabihin na walang puso ang nag-upload ng video, samantalang nais lang naman ng taong yon ilabas ang katotohanan sa likod ng karumal-dumal na pagpaslang sa 44 na PNP-SAF. Utang na loob lang Pangulong Aquino, ang dami ng problema ng Pilipinas tapos mayroon ka pang hangal na tagapagsalita at mga tagapayo, isama mo na rin sa pagtanggal sa pwesto si OPAPP Presidential Advisor na si Teresita Deles  at  Etta Rosales ng Commission on Human Rights. Pilipino kami, gusto rin namin ng kapayapaan! Hindi nga sagot ang all-out war sa karahasan sa Mindanao pero mas lalong hindi sagot doon ang Bangsamoro Basic Law na ginagawa lang shield o safe haven ng mga terorista na tinatago ng MILF! At isa pa Lacierda kung hindi terorista ang MILF? Ano sila? Ano ang tawag mo sa pumapatay at nambubomba ng kapwa Pilipino? Santo?! Huwag kayo magbulag-bulagan o magbingi-bingihan sa totoong nangyayari sa bansang ito! Ikinararangal ko maging isang Pilipino pero isinusuka ko ang mga taong nagpapatakbo sa nasyong ito! Gumising kayo! Marami ng taong naghihirap at lalo pang maghihirap dahil sa mga pulpol at ganid sa kapangyarihan na nasa posisyon! Maawa kayo sa mga taong humihingi ng hustisya! Hindi natutulog ang Diyos! Darating ang araw na kung anong ginawa ninyo sa kapwa nyo ay tiyak na babalik sa inyo! [email protected]

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

‘Wag naman…

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATINDI ba ang galit mo kay Quezon City Mayor Joy Belmonte? …

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply