NOONG araw, taon 1984, tuwang-tuwa ako kapag nakikinig ako sa radyo, sa programang “Titser ng Bayan” na ang mga pangunahing anchor ay sina Ms. Loreta “Etta” Rosales at Fidel Fababier. Kapwa sila magagaling na lider ng mga guro. Kung hindi tayo nagkakamali, kabilang sila sa mga nagtatag ng Alliance of Concerned Teachers o ACT noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, binansagang DIKTADOR ng mga militanteng aktibista.