Sunday , August 14 2022

100 co-passengers sa Saudia flight ng nurse na may MERS-CoV hindi pa rin nailo-locate

090414 mers corona virus

00 Bulabugin jerry yap jsyNagbabala ang ilang medical authority na maging maingat sa panahong ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa nailo-locate ang mahigit 100 pasahero ng SAUDIA FLIGHT 860 noong Pebrero 1, na kinalulunanan din ng 32-anyos Pinay nurse na natagpuang mayroong Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV).

(Siguraduhin po ninyong nakasuot ng surgical mask lalo na kung pupunta sa matataong lugar gaya sa mall, playground, at iba pa).

Hindi umano na-detect ng scanners sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pasyente dahil wala siyang mga sintomas nang dumating sa bansa.

Kinabukasan pa niya naramdaman ang nasabing mga sintomas kaya agad siyang nagpunta sa doktor. Sumailalim sa iba’t ibang uri ng laboratory test at ang unang resulta ay lumabas nitong Pebrero 9.

Pebrero 10 ay agad na siyang inilagak sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Gayon man hindi maisailalim sa ibang pagsusuri ang nasabing pasyente dahil natuklasan na siya pala ay nagdadalang-tao.

Ngayon po, para naman po sa kapakanan ng buong bansa, seguridad ng kalusugan naman po ang pinag-uusapan dito, MAGKUSA na po ‘yung mga nakasabay na pasahero sa SAUDIA flight 860 na magpunta sa pinakamalapit na medical facility sa inyong lugar para matiyak ninyo na hindi kayo nahawa ng virus.

Kaysa naman buong pamilya pa ninyo ang maapektohan.

Inuulit ko po, siguraduhing nakasuot ng surgical mask kung kayo ay magpupunta sa matataong lugar lalo na’t hindi pa nagkakaroon ng clearance ang mahigit sa 100 pasahero ng nabanggit na flight.

Ingat, ingat po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply