This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
07NALULUNGKOT tayo sa nangyayari ngayon sa Bureau of Immigration (BI) na parang dumarami ang mga kontrobersiyal na isyung pinag-uusapan tungkol sa tanggapan ng isa sa mataas na opisyal diyan.
Marami na umanong BI employees ang nakapapansin doon sa isang tanggapan ng isang mataas na opisyal na pawang piling-piling babaeng empleyada ang inia-assign.
Kumbaga, pang-beauty queen ang gusto ni Immigration official na nakikita n’ya sa loob ng kanyang tanggapan.
‘Yun bang tipong nasa HAREM siya.
Usap-usapan nga na kakaiba raw talaga ang sexual ‘este working habit ni Immigration bossing.
Parang lalagnatin yata siya kapag hindi maganda ang nakikita niya.
Kakaiba nga raw talaga ang LIBIDO ‘este estilo ni Immigration bossing.
‘E kung ganyan pala ang working habit ni Immigration official, medyo nakatatakot ‘yan ‘di ba?
Ano kaya sa palagay mo, Immigration Commissioner Siegfred Mison!?