Glass wall ng Resorts World Casino Delikado

RWMKAMAKALAWA, tatlo katao ang nasaktan at nasugatan nang mabagsakan ng glass wall habang naglalaro sa silat ‘este slot machine ng Resorts World Casino sa Pasay City.

Tatlong babae, dalawa sa kanila ay senior citizen ang nasaktan at nasugatan. Agad nang silang naitakbo sa ospital (suwerte pa po iyon), mabuti naman at hindi malubha ang kanilang kalagayan.

Pero ang nakatatakot diyan,  paano kung napuruhan ‘yung tatlo lalo na ‘yung dalawang senior citizen?!

Mantakin ninyo naglaro lang ng slot machine nabagsakan pa ng glass wall?!

SONABAGAN!

Nakakasiguro ba tayo na hindi na mauulit ang insidenteng ito sa RW Casino? Safe & sound ba talaga ang structure nila?

Na-inspection na bang mabuti ‘yan ng Pasay engineering office?

Resorts World Casino, ang laki ng kinikita ninyo sa mga kliyente ninyo pero hindi man lang ninyo maiprayoridad ang kaligtasan nila?!

Huwag naman kayong puro ganansiya!