Thursday , June 4 2026

Bravo… Sen. Alan Peter Cayetano!!!

00 pulis joeySA ikalawang araw kahapon ng Senate investigation sa Mamasapano, Maguindanao “massacre”  na 44 PNP-SAF ang nasawi at 15 ang sugatan, lumilinaw na sa atin kung sino-sino ang mga may depekto sa madugong operasyon para kunin ang teroristang sina Marwan at Abdul Basit Usman sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)  at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

(Ang BIFF ay breakaway group ng MILF. Ang MILF naman ay breakaway group ng Moro National Liberation Front (MNLF). Humiwalay ang MILF sa MNLF nang mabuo ang Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) na pinamunuan noon ng wanted ngayon na si Nur Misuari).

Sa ulat, napatay daw si Marwan at nakatakas si Usman na isa rin sa lider ng BIFF.

Sa takbo ng imbestigasyon kahapon ng mga senador, si Sen. Alan Peter Cayetano ang hinangaan ko sa  mga matatapang niyang pagtatanong sa mga opisyal ng AFP, PNP, Government Peace Panel at sa kinatawan ng MILF. Diretsahan… kaya naman natameme at nataranta ang mga opis-yal na kanyang ginisa. I like it! Walang kinilingan…

Naisip ko tuloy na hikayatin ang masa na subukang maging pangulo ng bansa si Cayetano. Why not?

Nasubukan na natin magluklok ng presidente na relihiyosa (Cory Aquino), nasubukan na natin ang military general (Fidel Ramos), nasubukan na natin ang artista (Joseph Estrada) at nasubukan na natin ang titser at ekonomista (Gloria Arroyo), so bakit hindi naman natin subukan ang  abogadong pangulo? And that’s Alan Cayetano na wala pang kaso ng katiwalian. Ano sa tingin ninyo, mga suki?

Pakinggan natin ang damdamin ng mamamayan sa hearing kahapon:

– Joey, nanood ako ng senate hearing. Ang sinasabi ng Muslim spokesman (representative) na hindi sila terorista at hindi nila kinakanlong ang mga terorista. Pero makikita naman sa mga ground troops yan. katabi lang nila si Marwan,  hindi nila mahuli? Catapang resign!!! – 09186265…

 – Joey, bumilib ako kay Cayetano (Alan) sa kanyang mga pagtatanong. Dapat ganun lahat ng mga senador, may ngipin ang pagtatanong, diretsa. – 09434449…

 – Ka Joey, ako’y anti-Peter Alan Cayetano, ngunit sa punto ng MILF at BBL, tama sya. Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga traidor na MILF. Ang BBL ang maging tulay upang magkaroon sila ng sariling gobyerno at paghiwalay sa Pilipinas. Payag din ba ang MNLF? Giyera yan! I grew up in Baguer, Libungan, Cotabato at naging  klasmeyt, barkada ko si Mayor Hadji Tucao Mastura sa ndu. Kaya alam ko ang ugali ng mga moro at Manobo. – Caloy, 09206047…

 – Joey, yang hearing na yan sa Senado wala parin matatanggap na hustisya mga kaanak. Sino ang kakasuhan at huhulihin nila?

Joey, dapat alerto ang ating kapulisan at kasundaluhan dahil ang nasa isipan ng mga pinuno ng mga MILF ay giyera kung giyera. Nagpupulong sila ngayon. – 092688811…

 – Sir Joey, paki-sabi sa mga tumitira sa MILF na ‘wag silang ganun, hindi lahat ng MILF ay masama. – 09207918…

 – Gud am, Joey. Huwag aprubahan ang BBL. Gusto nila maghiwalay ang Mindanao. Sus traidor ang moros. Kawawa lang ang hindi Muslim. Kahit anong tulong o pakainin sa iyong kamay traidor parin. – 09275136…

 – Ka Joey, sana naman ‘wag magpadala ang ating mga mambabatas sa BBL. Hindi peace talk ang kanilang hinangad. Kung maipapasa na ang BBL, may plano na naman silang hakbang sa ating gibyerno. Sabi pa ng kaibigan naming Muslim na dati rin siyang MILF, wag raw talaga magtiwala sa mga rebel moro na yan dahil hindi alam ang takbo ng utak ng mga MILF commander. Tulad  sa ginawa ni Nur Misuari sa Zamboanga. Naloko niya ang gobyerno kaya wag nang magpapaloko uli, ‘wag nang ituloy ang BBL. – 09101763…

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …