This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
IN FAIRNESS kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, siya ngayon ang hindi maepal na gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III.
Hindi maepal kasi gawa nang gawa lang. At hindi nangangailangan ng praise release.
Nakikita natin sa kanya ang kaseryosohan na damayan at kalamayin ang pamilya ng mga napaslang na kagawad ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF), tinatawag ngayong Fallen 44.
Mula sa kanyang pagdalaw sa norte, sa ibang lugar sa Metro Manila at kalapit na lalawigan na naroon ang nakaburol na kabilang sa Fallen 44, hanggang sa Cebu, nakita natin ang pagsisikap na ginagawa ni Mar Roxas para huwag sisihin ng bawat pamilya ang gobyerno.
Kumbaga, ang concern ni Secretary Mar ngayon ay kung paano matitiyak ng pamahalaan na
Mabubuhay nang maayos at hindi mauuwi saw ala ang pangarap ng mga pinaslang na Fallen 44.
Kung ano man ang sinasabi ng mga tao na pagkukulang ni PNoy ay pilit na inaayos at ginagawa ni Mar kung ano ang kanyang kakayahan para mapanatag ang loob ng mga naulila.
At ginagawa niya ito nang tahimik.
At diyan tayo pinabibilib nang husto ni Secretary Mar.
Maraming salamat, Secretary Mar Roxas. Isa kang tunay na lingkod ng bayan sa ginagawa mong ‘yan.