Thursday , April 25 2024

Building attendant dumanas ng kalupitan sa kamay ng APD

APD LRSDOBLE dagok ng kamalasan ang sinapit ng pobreng building attendant (BA) na kinilala sa apelyido niyang Bero, sa malupit na mga kamay ng ilang kagawad ng Airport Police Department (APD) na nakatalaga sa Light Reaction Security (LRS).

Sa impormasyon na nakalap ng Bulabog boys natin sa NAIA at mula mismo sa bibig ng mga kasamahan ng biktima, ‘kinalawit’ umano ng mga miyembro ng APD-LRS si BA Bero sa Arrival Curbside ng NAIA Terminal 1, isang araw ng Sabado (January 3 dakong umaga).

Ang mga BA ay service provider doing dirty jobs at the airport wearing red shirts. Ang dahilan kung bakit ‘dinakma’ si BA Bero ay inakusahan umano na ‘namamasahero’ sa lugar kung saan siya ‘dinampot’ na parang basahan.

Wala namang masama siguro kung nasa tamang proseso ang pag-aresto na ginawa ng mga APD personnel kay BA Bero. Pero ang masakit sa kalooban niya ay sinaktan pa umano siya at ikinulong habang nakaposas ang dalawang kamay?

Hanep huh!!!

Parang suspected terrorist pala ang dating ni BA Bero. Kung may katotohanan na sinaktan si BA Bero ay foul naman ‘yan mga ‘tol! Bukod sa hindi kayo sigurado na ‘namamasahero’ anong karapatan ninyong manakit?

Nang mabalitaan ni Mr. Ronald Rellama, ang group leader ng BA Outside Area ang nangyari sa isa niyang tauhan, agad siyang nagtungo sa APD-LRS Headquarters na matatagpuan sa ilalim ng Arrival/Departure Fly-Over.

After a few minutes of testifying that the man they accosted and manhandled is not engage in any shenanigans at the airport, saka lang pinalaya ang kawawang si BA Bero na tila nasobra-han ng ‘masahe’ habang nasa pangangalaga ng mga hot blooded APD-LRS.

Pero dear readers, hindi pa riyan natapos ang kalbaryo ni BA Bero. Ang pinakamasakit, ‘sinibak’ siya sa trabaho kung kaya’t sobra-sobra ang hinagpis niyang nararamdaman sa kasaluku -yan. Kaya naman ang plano ni BA Bero ay humi-ngi ng tulong sa isang kilalang hard hitting broadcaster para sa kaukulang ayuda sa pagsasampa ng necessary charges against the airport police.

AGM ret. Gen. Vicente Guerzon, ano kaya kung ilaban natin sa Mamasapano rebels ang mga APD-LRS na ginawang miserable ang buhay ni BA Bero?

Sa parte naman ng pamunuan ng APD, wala ba kayong balak na paimbestigahan ang nasa-bing insidente. Kawawa naman ang tao, nagulpi na, nawalan pa ng source of income.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *