Monday , August 15 2022

Presidenteng may kamay na bakal ang ating kailangan  

00 pulis joeyGRABE na ang nangyayari sa ating bansa.

Dumoble ang korupsyon sa gobyerno. Lahat ng transaksyon, bago pirmahan at aprubahan, kailangan ng padulas.

Ang mga pulis natin sa presinto, pag hiningan mo ng tulong, hindi kikilos pag walang hatag. Tapos ang mga ilegal sa kanilang erya, naka-timbre! ‘Pag nakahuli ng mga kriminal, kahit droga, ibinabangketa!

Ang mga project ng mayor, gobernador, kongresista, senador at mga cabinet secretaries may tongpats, kickbacks o komisyon.

Kaya ang bansa natin, imbes na pasulong ay paurong  dahil sa mga corrupt at mandarambong na mga opisyales ng pamahalaan!

Kaya naisip ko tuloy ang diktador na si Ferdinand Marcos. Sa kanyang rehimen, matino ang mga opisyales ng  gobyerno. Masarap ang buhay nang marami. Ang pulis at militar respetado. Walang gaanong kriminalidad, walang droga at walang armadong grupo na nangmamasaker ng sibilyan, pulisat militar. Ito’y dahil sa kanyang kamay na bakal.

Oo, sa kalagayan ng Pilipinas ngayon, kailangan natin ng isang Marcos. Hindi na obra sa atin ang malambot na Presidente at lalong hindi puwede ang artistang lider.

Sino sa tingin ninyo ang dapat nating ihalal sa 2016 na tulad ni Marcos na may kamay na asero? Txt txt txt…

BBL para sa kapayapaan sa Mindanao

– Happy Valentine’s, Sir Joey. Ang dami po mga masasakit na salita tungkol sa moro. Muslim din po ako. Ang tunay na katahimikan ng ating bansa, ang usapang pangkapayapaan. Hindi naman po matahimik ang bansa kung di maaprobahan ang BBL. -09264468…

Nananawagan ng all-out war dapat sumama sa giyera

– Sir Joey, ayan na… at hinamon na ng BIFF ang mga epal na politikong puro mga hambog, na armasan ang kanilang mga sarili at makipag-giyera sa BIFF. At sana sumama narin ang txters na mayayabang na nananawagan ng all-out-war. Tingnan natin hanggang saan ang tapang at pagpuputak nila. Para sa nagte-text na puksain ang MILF, MNLF, BIFF at Abu Sayyaf, gunggong yun at walang utak. Since martial law until now ay hindi parin yan kayang puksain ng gobierno ang mga nasabing grupo. Dahil lalo silang dumami… at yung nananawagan ng all-out-war kayo nalang ang humawak ng armas at makipag-giyera sa Mindanao. Wag kayong dakdak nang dakdak, mga duwag! – 09292455…

Kotong Police Mobile ng MPD

Sir, kagabi (Biyernes) mga 9:30 papunta kami sa City Garden. Sa J. Bocobo ako dumaan tapos kanan ako ng Arquiza St. Pagliko ko ng Mabini, naunahan ko po yung police mobile patrol sa pagliko ko. Galing naman siya ng P. Faura, Mabini. Pinara po ako nung pulis, kasi counter flow daw po ako. Sir Joey, kahit po kayo dumaan dun wala po kayo makita na karatula na one-way po yun daan. Then sabi ko ilang beses na po me dumaan dun at may dumadaan at nagsasalubungan. Pinilit talaga nung pulis na GUINO nakita ko name na counterflow ako. Pinakita niya ang violation kung magkano yung 1st offense, P2K po. Sabi ko, Sir pasensya na po akala ko talaga 2-way yun. Pano ‘to?, sabi niya. tapos nag-offer sya. O sige ganito nalang, may fake ako license dito, ito nalang ipapasok ko at yung license ko ibabalik nya sa akin, magbigay nalang me ng P1K. Sabi ko, Sir company driver lang ako, wala akong pera. O sige ganito nalang, sabi niya. Kinalahati na yung P2K, tapos kalahati na ulit yung P1K, eh di P500 nalang. Mababang violation nalang daw po yun. Nagbigay nalang po me, kasi talagang kotong hanap nila e. Sir Joey, sana yung mga ganitong pulis ang ipadala sa Mamasapano, Maguindanao, hindi yung mga matitino nating mga pulis. Sana po ma-entrapment ang 2 pulis na ‘to, mga walanghiya. Pinakakain sa mga pamilya nila galing sa kawalanghiyaan nila. Hindi ko lang po kasi nakuha mobile number eh. – 09161322…

Paano mo nga naman irerespeto ang ganitong pulis? Tsk tsk tsk…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

‘Di holiday ngayon; tanungin n’yo pa si JPE

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINITA ng Commission on Audit (COA) ang Department of …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

‘Wag naman…

AKSYON AGADni Almar Danguilan MATINDI ba ang galit mo kay Quezon City Mayor Joy Belmonte? …

Sipat Mat Vicencio

Mga sama ng loob ni Imee

SIPATni Mat Vicencio KUNG meron mang pinakamalungkot na nilalang sa balat ng lupa ngayon, walang …

Sipat Mat Vicencio

Poe nagulat sa pagkambiyo ni Bongbong sa DDR

SIPATni Mat Vicencio NABUHAYAN ng loob ang maraming senador kabilang na si Senator Grace Poe, …

Krystall Herbal Oil

Manugang mabilis na nanganak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply